Chapter 22: Pinky Promise

103 8 0
                                    

A/N: Nakapag-update din woo may ginagawa kasi kaming 3-Part story nina polarlightkid at RebelCrayon entitled: "Mahal Kita, Break Na Tayo! Okay Lang Ako..." abangan nyo sa Feb. 14!

Special thanks to Angel Jade na nag-ayos ng Watty acct ko.

LIBRARY AT THE ATTIC.

Pagkatapos naming kumain ng ice cream ni Kollin ay nagteleport kami dito sa attic. Biro lang, nagyaya kasi siya na pumunta kami dito.

"Do you still have your treasure box?" treasure box? Ah baka iyong box na may drawings and photos.

Binuksan ko ang vintage cabinet at kinuha ang 'treasure box' na sinasabi nya.

"This?"

"Yup," at binuksan nya ito nang maiabot ko sa kanya.

Nangingiti pa siya habang tinitignan ang laman ng kahon. Reminiscing mode ang kuya nyo.

Inabot nya sa akin ang isang drawing. "I made this one."

"Mukha nga kasi maganda ang pagkaka-drawing compare doon sa iba."

"Thanks for the compliment," nakakalokong nginitian nya ako.

"Hahaha mas magaling ka kasing mag-drawing kaysa sa akin."

"Hindi naman masyado. Tsaka bata pa naman tayo noon, malay ko baka may improvement na ang pag-dodrawing mo ngayon."

"Sabagay."

Pagkatapos nyang tignan ang mga drawing at picture ay kinuha naman nya ang snow globe.

"Naalala kita nang pumunta kami ni Mama sa mall dati at nakita ko ang snow globe na ito. Alam kong mahilig ka sa ganito."

"You're really a smart kid back then," sabay ngiti ko sa kanya.

"Besides, sakto kasi sa atin ang nasa loob nito, pansin mo ba?"

"Uh-huh. Ginawa yata ang snow globe na iyan para sa ating dalawa hahaha!"

Tinignan nya ako ng makahulugan kaya biniro ko siya.

"Baka naman pinasadya mo talaga iyan?" I teased.

"Secret kaya iyon, paano mo nalaman? Hahaha!"

"Hahaha ikaw talaga!"

At ibinalik na nya sa box ang snow globe.

"Alam mo ba na may pangako tayo dati?"

"Ha? Ano naman iyon?" takang tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba natatandaan?"

"Hindi. Pasensya na."

"It's okay. Alam kong maaalala mo din iyong pinky promise."

"Pinky promise talaga?" siguro sobrang importante nun.

"Indeed. Pinanghahawakan ko talaga ang ipinangako mo na iyon," bigla siyang sumeryoso at tinitigan ako na nagpa-abnormal na naman ng tibok ng puso ko.

"T-talaga? Maaalala ko din naman iyon in due time."

Tumango naman siya. Napatingin naman siya sa wristwatch nya.

"It's getting late. I have to go. May pasok ka pa bukas Krystal Zelline Madriaga."

Napatawa tuloy ako kasi binanggit na naman nya ang full name ko.

"Yeah. Tara hatid na kita hanggang sa may gate Kollin Roswel Ashworth."

Ginulo nya ang buhok ko bago kami lumabas ng library na magka-holding hands. Ewan ko trip nya hawakan ang kamay ko.

At the gate...

"Para akong nag-time travel kanina sa library. Thanks for the childhood memories I had with you K-line."

"Pero mas okay sana kung naaalala ko lahat-lahat 'di ba Owel?"

"Don't force yourself," he carressed my face and pinched my nose.

"Oo na sige na uwi na," tinulak-tulak ko na siya kung saan naka-park ang bigbike nya.

"Hahaha pinagtatabuyan na ako, I'll go ahead."

Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang papalayong motor bago ako pumasok ng bahay.

*****

"Ano nga kayang pinky promise namin ni Owel noon?" kausap ko na naman sa sarili ko habang nakatitig sa luminous stars na nakadikit sa ceiling ng bedroom ko.

Loving can hurt

Loving can hurt sometimes

But it's the only thing

That I know

Background music ko pa ang 'Photograph' by Ed Sheeran. Pampaantok na din.

And when it gets hard

You know it can get hard sometimes

It is the only thing that makes us feel alive

Ayan, unti-unti ng pumipikit ang mga mata ko. Effective ang kanta dahil napahinto ako nito sa pag-iisip tungkol sa pinky promise.

We keep this love in a photograph

We made these memories for ourselves

Where our eyes are never closing

Hearts are never broken

And times are forever frozen still

Dahan-dahan na ding akong hinihila ng antok...

So you can keep me

Inside the pocket

Of your ripped jeans

Holdin' me closer

Til our eyes meet

You won't ever be alone

Wait for me to come home...

Sudden Fate (ATDG FanFic) √Where stories live. Discover now