Chapter 34: Together With The Ashworth Cousins (Part 3)

112 10 4
                                    

LAST PART.

"Teka, teka bakit nga pala kayo nandito? Sa pagkakaalam ko ay bonding namin itong apat?" nakapamewang at poker face pa si Garrett habang kinakausap sina Nouve at Maieleigh. Napa-facepam na lang ako at nagpipigil matawa dahil ang bading nya talagang tignan.

Humagikhik naman ng tawa sina Nouve at Maileigh habang nakikinig sa sinasabi ni Garrett.

Nakapamewang na din si Nouve nang magsalita: "I texted Lantis and he said that you're all here in Aura's Wonderland. Kung hindi pa kami dumating ni Maileigh ay baka nalingkis na ng sawa ang sweetheart ko," pertaining to flirty girl earlier.

"Ang paranoid mo masyado Miss Clingy Girlfriend ni 'insan, kita mo naman na dinedma lang nya iyong babae tsaka ikaw lang ang mahal ni Lantis!"

"Kahit na! Mas okay kung nandito kami para mabantayan namin kayo."

"Wala namang dapat bantayan sa amin, ano kami mga bata at kayo ang babysitter namin?" ayaw paawat ni Garrett kaya nagkatinginan na lang kaming tatlo nina Kollin at Lantis.

"Puro ka reklamo GD ah, ayaw mo pa ng triple date?!" kumapit naman si Nouve sa braso ni Lantis.

"Triple date?!" ayan duet pa sina Garrett at Maileigh.

"Yiieee! Sabay na naman sila! Ipupush talaga namin ang Team Gaileigh!"

"Ano'ng Team Gaileigh?" kunot-noong tanong ni Garrett. Medyo slow ang kuya nyo.

"A-ah ano huwag mo nalang intindihin ang sinasabi ni Nouve," alanganing ngiti ni Maileigh kay Garrett.

Garrett just shrugged.

"Tara na nga! Sayang ang oras o!" yaya ko sa kanila.

"Oo nga! Tara sa Horror Train!"

"H-horror T-train?" biglang namutla si Garrett sa suggestion ni Maileigh.

"O bakit? Scared GD?"

"D-di ah! T-tara!" nag-i-stammer na ang kuya nyo.

"Let's go!"

Set-up namin habang naglalakad: Si Nouve ay nakakapit sa braso ni Lantis, si Maileigh naman ay nakapatong ang kanang braso sa kaliwang balikat ni Garrett at ako heto biglang hinawakan ni Kollin ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian naman nya ako sabay wink.

*****

"WAAA AYOKO NA! MOMMY! DADDY!!!"

Guess what kung sino iyang sumisigaw.

You're right, it's Garrett Draven Ashworth - kalalaking tao pero takot sa Horror Train. Heto kaming lima na sa halip na matakot sa bigla na lang sumusulpot na white lady, pugot na ulo, tiyanak, tikbalang at kung anu-ano pang horror creatures ay humahagalpak ng tawa dahil napaka-epic talaga ng reaction ni GD.

"GD stop shouting! Tinalo mo pa ang mga babae dito sa Horror Train!" kulang na lang ay isako na ni Maileigh ang katabi nyang si Garrett na todo yakap na sa kanya.

"Wala ka pala GD! Ang weak mo! So gay!" at humagalpak ng tawa si Nouve na nasa likuran nila. Bale napapagitnaan kasi namin ang inuupuan ni GD at Maileigh.

"LABAS NA TAYO DITO! HINDI KO NA KAYA! WAAAA!"

Sabay pa kaming napa-facepalm ni Kollin, naku GD umayos ka! After 5 minutes ay huminto na ang train dahil nag-time na. Pasalamat ka talaga Garrett.

*****

"GD? Hoy GD galaw-galaw!

Nakaraos na kami sa aming pagsakay sa Horror Train. Si Garrett? Ayun namutla ang kuya nyo at natutulala pa ngayon kaya niyuyugyog siya ni Maileigh.

"Garrett Draven Ashworth!!!" sigaw nito sa tainga ni GD kaya nakabalik na ito sa 'mundo'.

"Ano ba Maiya Charleigh Gallego baki ka ba naninigaw?!"

"Aba, ikaw itong na-estatwa na dyan pagkatapos nating sumakay ng Horror Train! Ang bading mo!" tumawa na naman si Maileigh na sinabayan pa ni Nouve habang nakahawak sa tiyan.

"You should see your face earlier cousin, hysterical ka pa," inakbayan naman ni Kollin si Garrett at tinapik-tapik sa balikat.

"Sweetheart look!" itinuro naman ni Nouve ang stuff toys booth at hinila na si Lantis papunta doon kaya napasunod na din kami.

"I want this life-size white bear!" puppy eyes activated Nouve.

Nginitian lang siya ni Lantis at binili na ang napakalaking white teddy bear.

"Thank you sweetheart!" Nouve tip-toed and kissed Lantis on the left cheek.

"E di kayo na couple!" sabay na naman sina Maileigh at Garrett.

"Ayiiieee! Destiny na ito! Push ang Team Gaileigh!"

Napa-pout tuloy si Maileigh at napakamot na lang sa ulo si Garrett.

And then...

"Here," inabot ni Garrett ang isang medium size cream teddy bear kay Maileigh.

"Yieeee!" panunukso naman namin nina Nouve at Kollin. Sa Lantis naman ang tumatapik ngayon sa balikat ni Garrett.

"T-thank you GD," namumula tuloy si Maileigh habang kinukuha ang bear.

"Nakakagutom na guys tara kumain!" itinuro ni Nouve ang isang open space food stall na malapit sa kinaroroonan namin.

"Let's go!" at katulad kanina, by pair na naman kami habang naglalakad.

Sudden Fate (ATDG FanFic) √Where stories live. Discover now