Chapter 21: Decode Case #2: Stuffed Cat Doll And A Note

116 12 4
                                    

AS THE STORY GOES...

"This is the second time na makakatanggap ako nito," I picked up the stuffed toy.

"Wait, there's a note here," siya pa ang kumuha ng papel na nakaipit sa may gilid nito.

KZM,

53 65 65 20 79 6F 75 20 73 6F 6F 6E 20 73 6D 61 72 74 20 6C 61 64 79 2E

"Someone's using hexadecimal again."

Kollin shrugged and read the note.

"See you soon smart lady."

Marunong din pala siyang mag-decode ng hexadecimal.

"Malamang napag-aralan din nila yan," my mind said matter-of-fact.

He handed the note back to me. "Sabi mo pangalawang beses mo na nakataggap ng ganit. What's the first one?"

"Three red roses and a note."

"Napaka-creative naman ng gumawa nito. Kakaiba mag-isip," he grinned.

"Dapat ba akong matuwa?" parang ito din 'yung sinabi ko kay Hikaru last time.

"Maybe?" tapos iyan naman ang sinagot din sa akin ni Sissy. Pambihira.

I sighed. "O siya lakad na, hinihintay ka na ng lola mo."

"Yeah. I'll go ahead. See you when I see you," he winked.

"Take care Owel."

Hinatid ko ng tanaw ang papalayong bigbike nya bago ako pumasok ng bahay.

*****

"Ang cute mo namn pero sino kaya ang sender mo?" parang ewan na kausap ko sa stuffed cat doll.

Nandito ako sa kwarto at nakahiga sa kama habang naka-stretch ang kamay at hawak-hawak si Katarina (I decided to give it a name).

Nakatingin lang si Katarina sa akin, alangan namang sumagot ito. Niyakap ko siya habang iniisip pa din kung sino ba talaga ang nagpapadala sa akin ng kung anu-ano kasama yung note na kailangag i-decode kasi nga hexadecimal maliban sa initials ko.

Bumangon ako after 10 minutes at kinuha ang phone ko na nasa bedside table. I took a selfie kasama si Katarina haha so ano na tawag doon? Twofie? Pasensya na at medyo aning ako at this moment.

Matapos mag-selfie ay bumaba na ako because it's dinner time.

*****

Katatapos lang namin mag-dinner ng mga kasambahay ko (boring mag-dinner mag-isa) nang tumunog ang doorbell. Nagkatinginan pa kaming lahat kasi wala naman akong ini-expect na bisita ngayon.

"Ako na po ang magbubukas," tumayo na ako at si Manang naman ay nagsimula nang ligpitin ang pinagkainan.

Pagdating ko sa may gatew ay ang masayang aura ni Kollin ang sumalubong sa akin. May bitbit siyang plastic bag na may ice cream.

"Hi!"

"Hello, na-miss mo agad ako?" pagbibiro ko sa kanya habang binubuksan ang gate.

"Nabitin kasi ako sa ice-cream kanina kasi Rocky Road talaga ang gusto ko," nag-pout na naman po siya.

"Bumili ka sana sa convenient store."

"Heto na nga oh," itinaas nya ang bitbit nya.

"At dito mo pa talagan napiling kumain sa amin?"

"Hmm, sige na nga na-miss kasi kita," he said between his boyish smile.

"Akin na nga iyan at maglalagay ako sa ice cream cups," kinuha ko ang bitbit nya matapos ko siyang papasukin sa bahay.

Papunta na akong kusina pero hinawakan nya ang braso ko.

"Wait, let me help you."

"Kaya ko na ito."

"I insist."

"Okay, you win," makulit talaga.

He winked at me at sabay na kaming pumunta sa kitchen.

*****

"Balak mo bang ipakain lahat sa akin ang half gallon ng ice cream?"

"Kayang-kaya mo namang ubusin iyan ice cream monster haha," ang daming scoop ba naman ang inilagay nya.

Pinukpok ko nga ng kutsara sa noo, 'yung hindi pa gamit. "Ah ganun? Nagsalita ang hindi matakaw sa ice cream!"

"Ouch K-line sweet mo naman!" napahawak siya sa noo.

Pagtingin ko sa noo nya..."Nag-red yung noo mo!"

"Malamang pukpukin mo ba naman ng kutsara," kahit poker face na siya at natatawa pa din ako.

"Hahaha sorry na!"

"Hindi naman sincere ang apology mo Krystal Zelline Madriaga," naningkit na ang mata nya pero mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko.

"Sorry na talaga Kollin Roswel Ashworth," puppy eyes activated.

Poker face pa din siya kaya nagpipigil na ako na matawa ulit.

"Sorry, sorry, sorry, sorry," ibinaba ko sa lamesa ang kutsara at inilagay ko ang 2 kamay ko sa balikat nya. I tip-toed and placed a kiss on his reddened forehead.

Medyo nagulat yata siya sa ginawa ko kaya nag-blush siya.

"Sorry na nga kasi..."

"One more kiss."

Kinuha ko ulit 'yung kutsara. "Kung pukpukin kaya kita ulit nito?"

"Joke lang 'eto naman 'di na mabiro hahaha!"

"Tse kumain na nga tayo."

Kumuha siya ng tray at inilagay doon ang ice cream namin. "Tara na!"

Bumalik na kami sa living room para doon kainin ang ice cream.

Sudden Fate (ATDG FanFic) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon