Chapter 1: When I Met...Him?!

1K 30 4
                                    

English short story, check!

Science experiment, check!

Art project, check!

History analysis, check!

Dance video for P.E., check!

"And I'm done! Thank God!" Nag-stretch ako para ma-relax ang muscles ko. Natapos ko na lahat ng 'sangkatutak na projects na ibinigay ng mga prof namin bago mag-Christmas vacation. Ang babait nila, ano? Kunsabagay, ayos na rin kesa naman habang Christmas vacation ay ginagawa namin ang mga iyan. Besides, sisiw lang naman iyan sa isang Krystal Zelline Madriaga. Para ano pa at naging Top 1 ako sa klase bukod sa ako rin ang Supreme Student Council President? Salamat sa aking mga magulang sa pagpapamana nila sa akin ng angking katalinuhan (sabay tingala sa itaas). Alam kong masaya na sila kung nasaan man sila ngayon. Proud na proud din sila malamang sa kanilang unica hija na independent na mula nang lumisan sila. Yes, maliban sa dalawang katulong at kay manong driver ay ako lang mag-isa ang nakatira sa aming malaking bahay. Nasa States naman kasi halos lahat ng relatives ko. Pinapapunta na nga nila ako roon para mag-aral pero mas pinili ko pa ring manatili sa aking Lupang Sinilangan (naks naman!) tsaka nandito naman ang mga kaibigan ko kaya hindi ako nalulungkot.

Hikaru calling...

And that is my bestfriend na mukhang animé. JaPinay kasi iyan.

"Konnichiwa! Tapos ka na ba sa projects mo?" tanong ko habang binubuksan ang laptop ko para magcheck kung may update na si Miss Author.

[Almost done Kryzel! 'Yong dance vid na lang ang hindi ko pa nagagawa.]

Kryzel ang tawag nila sa akin kasi kapareho ko raw 'yong character sa binabasa namin na Wattpad story kasi Class President din si Kryzel Dela Vega ng ALESANA (The Demon Gangster).

"Well, tapos ko na silang lahat Hikaru, alam mo namang sisiw lang sa 'kin ang mga 'yon."

[Hindi na ako magtataka kasi nga matalino ka namang talaga Miss President.]

"Oo na Miss Muse!" Pagbibiro ko sa kanya habang tumatawa sa kabilang linya. Siya kasi ang Muse namin.

[Okay it's late now, I just called to check up on you sissy so goodnight na!]

"Sweet dreams sissy!" At ibinaba ko na ang phone.

I checked my laptop again. Ayos may update na si Miss Author.

Basa...

Comment...

Vote...

At in-off ko na ang laptop at kinuha naman ang Iphone ko at inilagay sa playlist ng chilling songs.

Goodnight na muna sa inyo. Magkikita pa naman tayo bukas, don't worry.

* * * * *

THE NEXT DAY:

Pagkatapos ng morning ritual at mag-breakfast ay naghanda na ako sa pagpasok sa school. Hindi ko na ginambala ang aming driver dahil walking distance lang naman ang Ashworth High.

Medyo maaga pa kaya walang masyadong tao sa daan. At pundi pa ang ilaw malapit dito sa dadaanan ko. Mayamaya, nakaramdam ako na parang may sumusunod sa akin. Nagpalinga-linga ako pero wala akong nakita kaya itinuloy ko na ulit ang paglalakad pero ramdam ko talaga na may mga asungot na sumusunod sa akin (maka-asungot naman ako, oo).

Bigla ang ginawa kong paglingon kaya nakita ko ang tatlong lalaking mukhang goons na nakangisi sa akin. Kapag sinuswerte ka nga naman, oo. Swerte talaga dahil may mapapag-praktisan ako. Sayang naman ang pagiging black belter ko nito kung hindi ko naman i-aapply. Mabilis silang nakalapit sa akin at pinalibutan ako.

"Mukhang nag-iisa ka Miss, gusto mo sabayan ka na namin?" Si goon #1 na mukhang hindi papahuli ng buhay.

"Oo nga naman Miss sumama ka na lang sa amin at papaligayahin ka namin!" Si goon #2 na tadtad ng tattoo. Kadiri akala mo naman bagay sa kanya.

"Bitbitin nyo na 'yan!" Si goon #3. Ang atat lang mga gano'n?

I just gave them a bored look. Agang-aga ang papangit ng makikita ko at wala talaga silang pinipiling oras para mambiktima, ha?

Bago pa man ako mahawakan ni goon #1 ay may kumalbit sa kanya. Sino naman ang isang 'to at bakit hindi ko naramdaman ang presensya nya kanina?

Sakto paglingon nito ay kamao ang sumalubong sa kanya. Napangisi tuloy ako. Ayan tuloy ang napala mo.

Sumugod naman si goon #2 kaso nabigyan naman siya ng flying kick.

Si goon #3 parang engot na nabahag ang buntot dahil kumaripas na ng takbo at iniwan ang dalawang kasamahan nya.

"Are you alright  Miss?"

Dahil wala ng nakaharang na mga pangit sa paningin ko kaya kitang-kita ko na si Mysterious Guy. Naka-all black siya at naka-shades?! Ang aga-aga naka-shades ang isang ito as if namang ang taas na ng araw? Pakitanggal nyan kuya at mamaya mo na isuot kapag tirik na tirik na ang araw.

Mukhang nabasa nya yata ang tumatakbo sa isip ko kaya inalis na nya ang suot nyang shades.

Napanganga ako at ilang beses kumurap-kurap. Pasimple ko ring kinurot ang braso ko baka kasi nag-hahallucinate lang ako. Ouch, masakit kaya!

"Y-you?! H-how come?!" takang-tanong ko sa kanya.

He gave me a puzzled look. "Do I know you Miss?"

A/N: And...CUT! HAHAHA hanggang dyan na lang muna at abangan ang mga susunod pang kabanata :D

Pic ni "Mysterious Guy" at the multimedia

Sudden Fate (ATDG FanFic) √Where stories live. Discover now