Chapter 8: Unexpected Guest

153 14 2
                                    

NGANGA.

Ayan ang reaction ni Hikaru nang makita ang lalaking nakatayo sa harapan namin. Masaya kaming nagmimiryenda nang may nagdoorbell kaya pinagbuksan naman ng kasambahay nila.

"Konnichiwa!" bati ng 'newly-arrived' visitor sa'min.

"Tetsuya! Na-miss mo ba ako bro kaya sinundan mo 'ko hanggang dito sa Pinas?" pagbibiro ni Hajime sa bagong dating matapos makipag-bro fist dito.

"Asa ka naman bro hahaha na-miss ko lang ang atmosphere ng Pinas. Pero sige payag na 'ko sa sinabi mo na na-miss kita kaya nandito din ako basta sa inyo muna ako mag-i-stay."

"Walang problema dun! Parang kapatid ka na namin ni Hikaru 'di ba lil sis?" baling nito sa kapatid nya.

Bigla namang nakabawi si Sissy sa pagka-shock. "A-ah oo naman! No problem Tetsu!" namumulang sabi nito.

Hmmm...I smell something fishy.

"Hey bro, meet Hikaru's best friend Krystal Zelline Madriaga. Guitar player din siya like you."

"OMG are you the famous young guitarist Tetsuya Kirizawa?"

Nginitian naman nya ako. "I'm Tetsuya Kirizawa pero hindi ko alam na famous na pala ako," he said while scratching his nape.

"Sus bro pa-humble ka pa e! Why don't you join us on the upcoming Christmas Party? Paniguradong matutuwa ang mga estudyante ng Ashworth High kapag nalaman nila na nandito ka na din sa Pinas."

"Sure. Basta ba si Hikaru ang kakanta," sabay tingin nito kay Sissy.

"A-ako ang kakanta?" haha nag-stammer na si Hikaru.

"Yes, please?"

Napatingin naman ito sa kuya nya at tinanguan naman siya nito.

"Uhm s-sige..."

"Alright!"

"I'll inform Madam Margaret tomorrow about our performance."

"Yes para mailagay tayo sa program. Excited na ako tumugtog ng piano!"

"Magiging unforgettable Christmas Party ito sa Ashworth High."

"Indeed!"

"So Tetsuya pwede na kayong mag-practice ni lil sis ngayon pero bago ang lahat...magmeryenda ka na muna. Join us hahaha!"

"Sure! Hahaha!"

* * * * *

Hindi pa din ako makapaniwala na nakakausap ko ngayon ang famous young guitarist na si Tetsuya Kirizawa na bestfriend ni Hajime. Isa kasi siya sa mga hinahangaan kong guitar player dahil magaling siya talaga.

"Hey Sissy 'di mo naman sinasabi sa'kin na kakilala nyo pala si Tetsuya! Nakakagulat ang mga 'bisita' mo ngayon hehe"

"Hahaha para naman hindi lang ako ang ma-shock Sissy!"

"Sus crush mo lang si Tetsuya e," I teased her.

"Sshh wag kang maingay dyan Sissy baka marinig ka!"

"Ayiiieee!"

Hikaru blushed hahaha huli ko siya e.

"Lil sis sama kami ni Tetsuya sa A.H. bukas ah? Start na din ng paglalagay ng booths doon 'di ba?"

"Yeah. Naiimagine ko na dudumugin na naman tayo ng schoolmates natin hahaha!"

"Paniguradong maraming manunuod nya kasi nandito kayo. Pwede na nga tayong mag-fund raising e. A benefit concert perhaps?"

"Good idea Kryzel, marami tayong matutulungan ngayong darating na Pasko," tumango-tango naman si Haji.

"Okay sasabihin ko na din 'yan kay Madam Margaret. Bale may mini concert sa gabi ng Christmas Party at syempre may ticket 'yun. Discounted ang taga-A.H. at may dagdag sa mga outsider dahil sila ang magsisilbing sponsor right?" I informed them.

Tumango naman silang tatlo.

Nagpractice na din kaming apat para sa upcoming mini concert. Paniguradong matutuwa si Madam kapag sinabi ko sa kanya ang proposed mini concert on Christmas Party.

Inabot na kami ng gabi kaya kina Hikaru na din ako nag-dinner. Nagtext na lang ako sa bahay na 'wag na akong hintayin for dinner dahil dito na nga ako kakain.

Time runs fast when you're having fun. Alas-diyes na nang maihatid nila ako dito sa bahay.

"Sissy susunduin ka na lang namin bukas para sabay-sabay na tayong apat papuntang Ashworth High."

"Okay pick me up at 10am."

"Shoot! Goodnight Sissy!" Hikaru kissed me on the cheek at nakipag-bro fist naman sina Hajime at Tetsuya. Ang cool talaga nilang mag-bestfriend.

A/N: At umulan nga ng mga bagong character hahaha mukhang masaya ang upcoming Christmas Party sa Ashworth High 'di ba guys? :D

Sudden Fate (ATDG FanFic) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon