Chapter 11: Good News!

143 12 0
                                    

AT CAFETERIA.

Pagkatapos ng 1-hour meeting with the Supreme Student Council Officers ay nandito kami sa cafeteria nina Hikaru, Hajime at Tetsuya. Tumambay muna sila sa library kanina habang hinihintay ako para hindi sila mainip.

Pambihira para naman kaming bibitayin sa dami ng inorder ni Hikaru: pizza, burger, fries, ice-cream, macaroni spaghetti, lasagna, iced tea, fruit juice at may bonus pang tatlong Cadbury chocolate.

"Huling meryenda na ba natin ito?" - Hajime

"Sa tingin ko nga bestfriend," - Tetsuya

"Hindi pa siguro kasi wala 'yung paborito nyang blueberry cheesecake." - me

"Sige ganyan kaya ha," Hikaru *pouts*

"Biro lang!" chorus naming tatlo sabay peace sign sa kanya.

"Kumain na nga tayo I'm hungry!"

"Lakas mo kumain lil'sis pero payatot ka pa din," pang-aasar ni Hajime sa kapatid nya.

"Slim ako kuya. SLIM!

"Payatot ka lil'sis. PAYATOT!"

"Hahaha oh tama na baka magbugbugan pa kayong dalawa dito," awat ni Tetsuya sa kanila.

"Kapag hindi pa kayo tumigil dyang dalawa, uubusin namin ni Tetsu lahat ng pagkain hahaha!" biro ko sa kanila habang ini-slize ang pizza.

Dali-dali namang kinuha ni Hikaru ang carbonara ar burger and fries naman kay Hajime haha natakot 'ata sa sinabi ko.

* * * * *

Nagbibiruan pa kami habang kumakain nang papasok naman ng cafeteria sina Kollin habang nakakapit sa braso nito si Nouve. Nasa likuran naman nila sina Garrett at Lantis na nasa pagitan ni Maileigh. Saglit kaming nagkatinginan ni Kollin pero agad akong umiwas ng tingin.

"Pretty angel say ahh!" pagharap ko kay Hajime ay bigla ba naman akong sinubuan ng fries.

"Ayiieee!" duet naman nina Hikaru at Tetsuya.

Pakiramdam ko ay nag-pink ang cheeks ko kaya napainom ako bigla ng iced tea.

"Hey guys!" bati ni Maileigh nang mapatapat sila sa table namin.

"Hello!" we greeted her back.

"Roswel my love, what do you want to eat?" Nouve asked Kollin habang nakapulupot pa din sa braso nito.

"Anything that's available," seryosong sabi nito.

"Hmm...mukhang masarap ang mga pagkain dito," - Garrett na nasa harap na ng counter kasama ni Lantis.

"Garrett kayo na ni Lantis ang umorder tutal nandyan na kayo sa counter. Excited much?" Maileigh teased them.

"Hungry much!" - Garrett

"Very much," segunda naman ni Lantis.

"Masasarap ang food dito Garrett kaya order as much as you want," singit ni Hikary sa usapan nila.

Nag-thumbs up naman si Garrett dito.

Umupo na sina Kollin, Nouve at Maileigh sa katapat na mesa namin. Ang awkward lang kasi titig na titig si Kollin sa may pwesto namin. Problema nito? I looked at him with questioning eyes and he winked at me. Hala? Bipolar pa yata ang isang ito.

"Okay here's our food!" lapag nina Garrett at Lantis sa bitbit nilan tray. Nagpatulong na din sila sa dalawa pang crew para bitbitin ang iba pang pagkain.

"Wow ang sasarap tignan! Mukhang tama ang sabi ni Hikaru na masarap nga ang pagkain dito," Nouve said with twinkling eyes.

"Nagutom akong lalo! Tara kain na tayo!" yaya ni Maileigh sa kanila.

"Okay fight!"

* * * * *

Patapos na kaming kumain nang mag-ring ang phone ko. Sakto naman na 'Iris' ang ringtone ko, 'yung ako mismo ang kumanta kasi nirecord ko last time ang rehearsal namin ni Hajime.

And I'd give up forver to touch you

'Cause I know that you feel me somehow

You're the closet to heaven that I'll ever be

And I don't wanna go home right now

~

Sabay-sabay namang napalingon 'yung lima na nasa katapat naming mesa.

"Is taht your voice Kryzel?" Maileigh asked and I nodded.

"Ganda pala ng boses mo nakakainlove!" bulalas naman ni Garrett.

"Lovely," tipid na komento ni Lantis.

"Akala ko anghel 'yung kumakanta hihi," Nouve giggled.

Si kollin? Wala lang. Nakatitig lang na naman siya ulit sa akin. Kaya bago pa ako mag-blush ulit ay sinagot ko na ang caller.

"Hey Khaki!"

"KZ! I received your text message regarding the benefit concert. Yes, we are willing to perform together with Raindrops and Black Out!" Khaki said on the other line.

Biglang lapad ng ngiti ko. "Really? Thanks a lot Khaki! Malaking tulong ang Black Stones para sa concert plus the fact na kasama pa ang Raindrops at Black Out!"

"No problem! Basta ikaw, we're all willing to help."

"Thanks again Khaki! You're an angel!"

Matapos mawala ni Khaki sa kabilang linya ay ngiting-ngiti na ini-end ko na ang call.

A/N: Ayun sorry medyo natagalan ang UD kasi busy kaya magkasunod ang UD ko :D

Sudden Fate (ATDG FanFic) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon