Epilogue

236 13 5
                                    

AFTER FIVE YEARS.

"It's been five years, six months and ten days since you left, Kollin."

Inilapag ko ang bouquet of white roses sa ibabaw ng puntod ni Kollin.

"Ang bilis lang lumipas ng mga araw at umabot na pala ng mahigit limang taon mula nang mawala ka. Kumusta ka na? Namimiss ka na namin! Sayang at hindi na tayo magkaka-bonding muli pero ang mga masasayang oras na kasama ka ay mananatili sa aming puso at isipan."

Naka-indian sit ako rito sa damuhan katabi ng aking gitara. Oo, dumalaw ako kay Kollin since day-off ko naman sa trabaho.

Ano na nga ba ang nangyari makalipas ang limang taon? Graduated na ako sa Ashworth High at sa ARV-University and I graduated with flying colors. Isa na akong Assistant Market Analyst sa isang Marketing Research company.

Si Hikaru ay naging tanyag na cosplayer na hanggang sa ibang bansa. May lovelife na rin siya dahil sinagot na nya si Tetsuya kahapon.

Sina Nouve, Lantis, Maileigh at Garrett ay famous models na. Engaged na rin sila at two years in a relationship naman ang Team Gaileigh.

Naaalala nyo pa ba ang babaeng kasama ni Hajime sa photos nya sa Facebook? Nagkatuluyan na rin sila at 3 years in a relationship na rin.

At ako? Single pa rin hanggang ngayon, mas focus kasi ako sa trabaho besides bata pa naman ako kaya ayos lang.

I start strumming my guitar to the tune of I Will Remember You by Sarah McLachlan na nahagilap ko rito sa playlist sa phone ko. Naka-earplugs ako habang tumutugtog.

I will remember you
Will you remember me?
Don't let your life pass you by
Weep not for the memories

Remember the good times that we had?
I let them slip away from us when things got bad
How clearly I first saw you smilin' in the sun
Wanna feel your warmth upon me, I wanna be the one

Napatigil ako sa pagtugtog at pagkanta nang may pumatak sa braso ko kaya napatingin ako sa itaas. Grabe naman, kumanta lang ako tapos biglang kumulimlim at nagsimulang umambon.

"Gotcha!" napakunot-noo tuloy ako habang nakatingala dahil may payong na nakasukob sa akin. Tinanggal ko ang shades ko. Hindi ko naramdaman kanina ang presensya ng nilalang na ito dahil nga sa naka-earplugs ako.

"Kollin/Kryzel?!" sabay pa kami sa pagsasalita at napanganga pa ako kasi naman ay kamukha ni Kollin ang lalaking kasalukuyang nakayuko sa akin at may bitbit ngang payong.

Umupo siya sa tabi ko at nag-indian sit. "It's Kellin. Kellin Rhys Archer."

"Oh my God! Ibig sabihin totoo ka?!" namamanghang hinawakan ko ang mukha nya sabay kurot sa magkabilang pisngi.

"Malamang totoo ako. Tao ako e," poker face pa siya habang nagsasalita kaya medyo natawa ako.

"I mean ikaw mismo si Kellin Rhys Archer? ATDG character?"

"Yes. And Sheryl's a good friend of mine," nakangiti na siya ngayon sa akin.

"Cool! Wait, what are you doing here? May dinalaw ka rin?"

"Si Kryzel Ann Dela Vega. Sorry kung natawag kita sa name nya kasi may resemblance kayo."

"Totoo rin pala siya? Actually Kryzel din ang tawag sa akin because of ATDG, but it's Krystal Zelline Madriaga."

"Nice to meet you then," he looked at Kollin's grave. "We have the same initials. KRA."

"At magkahawig din kayo. He's my childhood friend. Tell me Kellin, do you believe in destiny or fate?"

"Maybe. In fact, meeting you is like a sudden fate," he grinned at me.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Sino'ng mag-aakala na may makikilala pa ako na katulad o hawig ni Kryzel? Baka itinakda talaga tayong magkakilala at may misyon tayo na kailangang gawin."

Natawa na naman tuloy ako. "Misyon talaga?"

Ginulo nya ang buhok ko. "Basta malalaman din natin paglipas ng panahon."

"Wow may pinaghuhugutan ka, Kellin?"

"Ang kulit mo rin Kryzel, wala kayong pinagkaiba ni Kryzel na una kong nakilala."

Hikaru calling...

Napasulyap ako sa phone ko at agad itong sinagot.

"Hello Sissy! Yeah day-off ko today. Ngayon na? Okay bye see you!"

"Your bestfriend?" galing manghula ni Kellin, 'no?

"Yes. Nagyayaya ng group date pambihira may mga lovelife na kasi sila tapos ako na lang ang napapag-iwanan," natatawa na naiiling na sabi ko.

"Let's go!" tumayo na siya at isinara ang payong dahil maaraw na ulit.

"Where?"

"I'll go with you. Para may chaperone ka," he held out his hand.

"Really? You're an angel!" Kumapit ako sa kanya at tinulungan naman nya akong tumayo.

"Gusto ko rin kasing makilala ang circle of friends mo."

"Magugulat sila panigurado kapag nakita ka nila."

"Dahil sa gwapo ako?" pagbibiro nya.

"Given na yan Kellin."

Sabay kaming tumawa at nagsimula na sa paglalakad palabas ng sementeryo.

Sudden fate isn't it? Who would have thought na makilala ko si Kellin Rhys Archer on real flesh?

A/N: At dito na nagtatapos ang kabanata ng Sudden Fate HAHAHA ayan happy ending na 'yan guys pambawi sa pagpapaiyak ko sa inyo last time :D

Salamat sa suporta! Ciao!

-- mangkunifroggy xoxo

Sudden Fate (ATDG FanFic) √Where stories live. Discover now