Chapter 24: Prom, Birthday And V Day

103 12 8
                                    

A/N: Feb.14 dapat ito maaupdate kaso nagloko Wattpad ko kaya ayan na-late pero habol pa naman! Belated Happy Hearts Day guys!

THIS IS IT.

Triple celebration -- Prom Night, birthday ni Kollin at V Day. Red is the dominant color inside the hall of Ashworth High. Pumapailanlang din ang isang instrumental song and ten minutes from now ay magsisimula na ang program.

Natanaw ko ang co-officers ko na abala sa given tasks nila. Instead na mataranta ay cool na cool lang silang tignan habang paroo't parito kaya bilib talaga ako sa kanila.

Maraming estudyante ang nagkakatipon na sa loob ng Hall at napaka-elegante nila sa kanilang mga kasuotan, kaso kung ano'ng ikina-elegante nila ay siyang ikina-simple ng suot ko. I'm wearing this little black dress na Christmas gift sa akin ni Tita. Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking jet black hair at manipis na make-up lang ang inilagay ko. Mas kumportable naman kasi kapag ganito, besides hindi naman ako kasali sa mga magpeperform mamaya.

"Kryzel!" I looked behind me at nakita ko na papalapit sina Nouve, Mayleigh, Lantis and Garrett.

"Happy Hearts Day guys! You all look gorgeous and handsome tonight," bati ko sa kanila nang makalapit na sila.

"Puro elegante ang mga nakikita ko dito but you really stand out among them Kryzzie baby," Garrett held out his hand to me.

"Bolero mo talaga Garrett kahit kailan," tinanggap ko ang kamay nya at iniikot nya ako. Sakto sa timing sa tugtog na maririnig sa Hall.

"He's right," a quick statement from Lantis.

"Simply gorgeous is the right term for you," Mayleigh stated.

"Paano pa kaya kung bongga ang suot mo ngayon girl? E 'di natalbugan mo na sila!" Nouve exclaimed.

"Enough guys. Nakakalunod na ang mga papuri nyo," I gave them a wide smile.

"Am I late?" at sabay-sabay kaming napalingong lima.

It's Kollin. Pinigilan ko ang sarili ko na mapa-jaw drop dahil...Oh my God...he's so...I just couldn't find the right words to describe him. Basta ang lakas ng karisma nya sa suot nyang suit -- black pants and inner black sleeves and a white coat.

"Just right on time Kollin! Malapit na din pala mag-start. Gwapo mo ngayon ah. Ngayon lang naman," pagbibiro ni Mayleigh.

"Aaminin ko na patay na patay talaga ako sa iyo before pero may Lantis na ako ngayon, right sweetheart?" sabay kapit ni Nouve sa braso ni Lantis.

"E 'di kayo na couple!" pang-aasar naman ni Garrett.

"Wag kang bitter GD!" nag-make face naman si Nouve. Nangingiti na lang ako sa flow ng conversation nila.

"Happy V Day K-line," this time si Kollin naman ang nag-abot ng kamay.

"H-happy V Day and birthday Owel," nag-stammer pa ako ano ba naman iyan.

Naramdaman ko na lang ang pag-iinit ng pisngi ko when he kissed the back of my hand.

"Aw so sweet!" - Mayleigh

"Ehem! Mayroon ba kaming hindi nalalaman?" nanunukso naman ang tingin ni Nouve.

"Pumapag-ibig na yata kayo ah. Basted na ako huhu," ang kulit lang nito ni Garrett.

"Well..." as usual, the one-liner Lantis.

Humahangos naman na lumapit sa amin si Alpha, ang SSC Secretary.

"Guys, magsisimula na ang program in 2 minutes," whoa saved by the bell.

"Let's go?" kailangan kasing nasa stage si Kollin. May trono siya doon since siya na ang Prom King.

He nodded at hindi pa din binibitawan ang kamay ko.

"Lakad na. Nang-iinggit pa kayo."

"Ampalaya talaga si GD!" lakas talaga mang-asar ni Mayleigh.

Lumakad na kami ni Kollin papunta sa stage habang naririnig namin ang pag-aasaran nung tatlo habang si Lantis ay tumatawa lang.

*****

After the Opening Remarks led by Madam Margaret Ashworth ay nagsimula na ang cotillion dance.

Mapapahanga ka talaga sa galing ng mga nagsasayaw ngayon dahil halos sabay-sabay ang galaw nila. Feeling ko tuloy ay nasa isang Night Ball ako from a fairy tale. Two thumbs up para sa choreographer nila. Excellent execution and performance.

Smunod naman ang isang dance number from Juniors na nagpamalas ng galing nila sa Tango. Ito talaga ang pinaka-gusto ko na ballroom dance.

Seniors naman ang sumunod with their breath-taking cha-cha and boogie. Napapa-indak na din ang mga tao sa tugtog at sayaw nila.

Bumalik naman ang ilang Juniors and Seniors para sa ballroom dance number nila to the tune of "Can't Take My Eyes Off You". Parang gusto ko na ding sumali sa kanila at magsayaw.

Pagkatapos ng lahat ng performance ay nagsalita na ang Emcee for the Finale. The moment we've all been waiting for.

"Who will be our Prom Queen for tonight? Are you ready Ashworth?"

"Ready!" the students said in unison.

"This year's Prom queen is..."

Pigil-hininga naman na nag-aabang ang lahat.

"...Krystal Zelline Madriaga!"

What? I'm the Prom Queen...?!

Sudden Fate (ATDG FanFic) √Where stories live. Discover now