Chapter 16: Sparks Fly

114 15 5
                                    

A/N: Nag-iisip ako ng ita-title sa chapter na 'to tapos biglang pumasok sa utak ko yung kanta ni Taylor Swift so ayan :D natatawa ako habang sinusulat ito kasi naman kinikilig ako dun sa dalawa hehe enjoy reading!

GARRETT AGAIN.

"Can I, Kryzzie baby?" tanong muli ni Garrett sa akin.

"Ahm Garrett --"

"I'll take K-line home Garrett Draven," pinutol ni Kollin ang sasabihin ko?

K-line? Parang narinig ko na siya dati pero hindi ko matandaan kung saan.

"Aw Garrett Draven bigla si Kollin," - Maileigh

Nagkatinginan naman sina Nouve at Lantis.

"A-ah sige, next time na lang Kryzzie baby...uwi na kami ingat kayo!" at kinaladkad na nya sina Nouve at Maileigh. Napakapit tuloy si Nouve kay Lantis.

"Ehem, o paano Sissy una na kami nina nii-san at Tetsuya. Kollin ingatan mo si Sissy bye!" inakbayan naman ni Hikaru sina Hakime at Tetsuya at lumakad na din sila palabas ng Ashworth High.

Hanggang sa kami na lang dalawa ang naiwan sa may malapit sa gate ng A.H.

"Let's go?" he held out his hand.

Napatingin naman ako sa nakalahad nyang kamay pero tinanggap ko na din kaya heto HHWW lang ang peg namin palabas ng Ashworth High.

"Lakarin na lang natin hanggang sa inyo tutal malapit lang naman tsaka wala naman sigurong magtatangka sa atin."

"Subukan lang nilang gumawa ng hindi maganda haha!"

"Yeah. Mababalian mo sila ng buto kapag nagkataon."

"Panigurado! Hey, bakit mo ako tinawag na K-line?"

"That's your nickname. Hindi mo na siguro matandaan."

Natatanaw ko na ang gate namin. Sabi sa inyo malapit lang ang school sa bahay namin.

"Really? So ibig sabihin magkakilala na tayo dati pa?"

"That's for you to find out."

"Pa-mysterious ka pa Mr. Ashworth."

"A little bit Miss Madriaga."

I smiled at him. Nandito na kami sa may gate at napatingin siya sa nakasabit na mistletoe. Napangiti siya sabay tingin sa wristwatch.

"It's 12 o'clock at may mistletoe pa."

"Why?"

"You didn't know?"

"Ang alin?"

Medyo na-slow pa ako ng kapiraso and then...

"Oh, you mean --"

"We'll kiss under the mistletoe," he said.

"Seriously?"

"Well..."

Bago pa ako magprotesta ay nahila na nya ang kamay ko kaya napalapit ako sa kanya. Kinabig din nya ang bewang ko kaya super close talaga ang mukha namin, biglang bumilis ang heartbeat ko.

Palapit nang palapit ang mukha nya kaya by impulse ay napapikit ako. Naramdaman ko naman na dumampi ang labi nya...sa tip ng nose ko and then he planted a kiss on my forehead. Napabuntung-hininga ako kasi hindi pa din nya nakuha ang first kiss ko.

Sabay pa kaming napatingala dahil sa sunud-sunod na pagputok ng fireworks na nagpaganda lalo sa madilim na langit.

"Wow ang ganda!" namamanghang napangiti ako habang pinagmamasdan ang kalangitan.

"Kasing-ganda ng babaeng kaharap ko."

Napabalik naman sa kanya ang paningin ko and I smiled at him.

"Merry Christmas Kollin."

"This is really a Merry Christmas Kryzel," he winked at me.

For the second time ay hinalikan nya ako ulit sa forehead before he released his grip.

"I got to go. Sleeptight K-line."

Ayan na naman siya sa pagtawag sa akin ng 'K-line'.

"Parang narinig ko na 'yan dati kaso hindi ko matandaan kung saan at kailan."

"Don't force yourself. Maaalala mo din ang lahat."

"Siguro nga."

Bigla namang may tumigil na kotse sa harap namin at si Lantis ang nakasakay.

"Hey Kryzel sinusundo ko lang si cous baka kasi maligaw pag-uwi," pagbibiro nito.

"Hahaha! O siya lakad na, mag-iingat kayong dalawa!"

"For you, I will."

"Whoa tama na nga cous baka hindi makatulog si Kryzel sa mga pinagsasasabi mo."

"Goodnight Miss Madriaga."

"Be safe Mr. Ashworth."

Hinatid ko muna sila ng tanaw bago ako pumasok sa bahay na nangingiti.

* * * * *

After a quick bath ay nag-check muna ako saglit sa Wattpad kung may updates na 'yung mga ongoing story na binabasa ko. May 3 stories na kaka-update lang kaya binasa ko muna siya bago matulog.

Basa...

Vote...

Comment...

"Okay time to sleep now!" at isinara ko na ang laptop ko.

Sudden Fate (ATDG FanFic) √Where stories live. Discover now