Chapter 3: Shocked Faces

317 19 10
                                    

A/N: Salamat rebeldeng krayola (tinagalog ko talaga hoho) sa pag-gawa ng book cover woohoo :D

Pinipigilan kong mapa-facepalm habang naglalakad kami ni Kollin sa hallway. Feeling ko sa runway kami naglalakad at lahat ng tao ay nakatutok ang mga mata sa amin. Pigil-pigil din ako na mapatawa dahil puro 'shocked faces' ang nakikita kong facial expression ng schoolmates ko. Ikaw ba naman may kasamang ubod ng gwapo tapos mga avid fan din nga pala ng ATDG ang mga ito kaya expected ko na ang ganyang reaksyon nila.

"Girl tell me, nananaginip ba ako? Si Kellin Rhys Archer ang nakikita ko na kasabay ni Miss President!" Girl #1 talking to girl #2 with matching yugyog sa balikat.

Goodluck sana hindi malasog ang katawan ng niyuyugyog nya.

"So totoo pala si Archer? Kyaaaa ang gwapo-gwapo nya!" Si girl #3 na naging puso na yata ang mga mata dahil kay Kollin.

Napatingin naman ako sa kasabay ko maglakad. "Sabi sa'yo kamukha mo si Kellin e, kita mo naman ang reaksyon ng schoolmates ko."

Nginitian lang nya ako.

Huminto ako sa paglalakad dahil nandito na kami sa tapat ng classroom ko. Ang mga maiingay kong kaklase ay biglang tumahimik pagkakita sa amin. As usual na-shock din sila ng makita nila si Kollin.

"Thanks for accompanying me. Pasok na ko sa loob." Paalam ko sa kanya sabay tango.

"Take care Miss President."

Hindi ko inaasahan ang sumunod nyang ginawa. He held me on my left shoulder and planted a kiss on my forehead. Napanganga tuloy ako at nag-blush. What on earth is he doing?!

Natauhan lang ako nang magtilian ang mga kaklase ko. Agaw-eksena talaga ang mga ito kahit kailan.

"I have to go Miss President. See you when I see you." He gave me a salute then he winked at me.

Mas lalong lumakas ang tilian ng mga kaklase ko at hindi ko na mapigilang hindi mapa-facepalm. Tinanguan ko siya ulit at pumasok na ako sa loob dahil natatanaw ko na ang paparating kong prof.

* * * * *

Sinikap kong mag-focus sa klase kahit sumasagi pa rin sa isip ko ang mga nangyari mula kaninang umaga. Gayon pa man ay nakakapag-participate pa rin ako sa class discussions at nakakasagot ng tama sa recitation. Perfect ko rin ang surprise quiz namin. Ako na talaga ang maswerte sa araw na ito.

BREAKTIME.

"Sissy kaloka ka bakit kasama mo si Kellin Rhys Archer kanina? Nawindang kaming lahat alam mo ba 'yon?!" Exaggerated na yugyog sa akin ni Hikaru. Grabe matatanggal yata ang balikat ko.

"Correction Sissy, it's Kollin Roswel Ashworth."

"Wow KRA din ang initials? Teka any relation to our beloved Margaret Ashworth?" Wide-eyed na tanong nito.

"Yes. Kollin's her grandson."

"Ow-em-gee! As in Oh My God!" Pasensya na kayo at medyo OA na ang reaction ng bestfriend ko.

"Ang OA mo na sissy utang na loob kumalma ka!" Ako naman ngayon ang yumuyugyog sa balikat nya.

"Paano naman kasi ako kakalma e napaka-gwapong nilalang ang kasama mo kanina! Ang swerte mo kapag naging boyfriend mo siya!" Parang nangangarap pa na sabi nito.

I sighed. "Gagraduate muna ako ng college bago mag-boyfriend ok? Books before boys."

"E di gawin mo muna siyang inspiration Sissy!" Maipilit talaga ng isang 'to oo.

"Napaka-insistent mo talaga. Saan ka ba nagmana ha?"

"Basta i-pupush natin 'yan! Boto ako sa kanya para sa'yo Sissy!"

"Push push ka pang nalalaman dyan. Baka i-push kita sa bangin."

"Gagawin mo talaga 'yun sa'kin Sissy?" Wide-eyed bigla ulit si Hikaru haha!

"Why not?" Pananakot ko sa kanya.

"Ganyan ka pala Sissy ha parang hindi tayo mag-bestfriend a?" Maiiyak na siya hahaha! Minsan talaga ang sarap pagtripan nito e.

"Hahaha joke lang naman Sissy! Ikaw pa e love na love kaya kita!" Sabay akbay ko sa kanya.

"Akala ko... akala ko gagawin mo talaga 'yon..." May kasamang hikbi pa habang nagsasalita si Hikaru. Minsan talaga ay pagka siya kaya sa susunod hindi ko na siya bibiruin, baka kasi umatungal pa.

"Tara na nga at malapit na mag next period." Napsulyap ako sa wristwatch ko at niyaya na siya.

Tinapos na rin naman agad nito ang pagkain at pumunta na kami sa second floor for our History class.

* * * * *

DISMISSAL.

"See you tomorrow Sissy!" Hikaru kissed me on the cheek bago sumakay ng kotse na sundo nya.

"Take care!" Inihatid ko na lang ng tanaw ang papalayong sasakyan.

Binubuklat ko ang notes ko habang naglalakad palabas ng Ashworth High. Hinahanap ko kasi ang list of books na ginawa ko na balak kong bilhin kapag nag-mall kami ni Hikaru sa Sabado.

"Hey there Miss President."

Mabilis kong iniangat ang aking ulo.

Sudden Fate (ATDG FanFic) √Where stories live. Discover now