Chapter 2: Playing Cupid

463 25 17
                                    

Kung nananaginip man ako sa mga oras na ito, please lang paki-extend ng fifteen minutes! Hindi ko alam kung mapapanganga, matutulala o tutulo ang laway ko dahil nasa harapan ko SIYA. O-M-G siya talaga 'to e!

"Can you please close your mouth?"

Nawala ako sa dreaming state at bumalik sa reyalidad. So totoo pala talaga ang nangyayari ngayon. Nahihiyang isinara ko ang bibig ko, mahirap na baka mamaya tumulo pa ang laway ko e mas awkward iyon kapag nagkataon.

"So you're from Ashworth High?" Tanong ni 'Kellin' (hawig nya kasi talaga!) sa akin habang nakatingin sa ID ko.

Bago pa man ako makasagot ay nakita ko si goon #2 na papasugod sa amin. Okay pagkakataon ko na para makapag-'warm up'.

Mabilis kong hinila si 'Kellin' papunta sa tabi ko kaya hindi siya nasaksak at saka ko hinawakan sa pulso si panget este 'yung goon sabay twist kaya nabitawan nya ang balisong at mabilis ko naman itong sinipa palayo. Tinuhuran ko siya sabay dagok at hindi pa ako nakuntento, ayun sinapak ko siya bwahaha knock-out si kumag.

This time si 'Kellin' naman ang napanganga sa ginawa ko. Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa akin at sa tulog na'ng goon. Epic ng reaction nya priceless hahaha 'kala ata nya ay hindi ako marunong ng self-defense.

"Whoa! That was just--"

"Awesome?" Putol ko sa sasabihin nya.

Tumango tango naman ito. Maya-maya ay dumating na ang mga tanod para damputin 'yung dalawa.

Napatingin ako sa relos ko. Twenty minutes before 7 o'clock.

"I assumed na papasok ka ngayon 'di ba so tara na?" sus marunong naman palang mag-Tagalog 'to pinahirapan pa ako.

"Yes pero bakit? Papunta ka ba ng Ashworth High Kellin?" sabay napatutop ako sa bibig ko.

Naging poker face ang mukha nya. Hala bakit natawag ko siyang 'Kellin' e pinipigilan ko ngang 'wag tawagin siya on that name.

"It's Kollin. Kollin Roswel Ashworth."

"Hala? KRA din ang initials mo? And are you related to Margaret Ashworth?"

"Yes. Lola ko siya."

"Whoa!" this time ako naman ang nagsabi nyan.

* * * * *

Natatanaw na namin ang gate ng Ashworth High nang magtanong siya. "Wait. You said earlier the initials KRA? What's the other meaning for that?" 'nak ng tokwa nag-English na naman.

"KRA. Kellin Rhys Archer. Character siya sa Wattpad story na ALESANA The Demon Gangster at MAGKAMUKHANG-MAGKAMUHA KAYO." Inemphasize ko talaga ang last part ng statement ko.

"I see. Basahin ko nga iyong story para maka-relate ako sa'yo."

"You should be! Grabe akala ko nananaginip lang ako kanina nung nakita kita, 'yun pala totoo ka at hindi isang fictional character lang." Natatawang sabi ko sa kanya.

"You should see yourself earlier. You looked so epic!"

"Sorry naman!" I gave him a wide smile.

Inihatid ko muna siya sa office ni Madam Margaret Ashworth bago ako pumasok ng first subject. Maaga pa naman so hindi pa ako late.

"Hijo! What a pleasant surprise!" Malapad ang ngiting niyakap ni Madam Margaret ang apo nya.

"I miss you Granny that's why I pay you a visit." Kollin kissed his grandma's forehead bago ito kumalas sa pagkakayakap.

"So magkakilala pala kayo ni Kryzel?" Kitams pati si Madam ay iyan na rin ang tawag sa akin. Avid reader din siya ng ATDG believe me or not.

"Well, we've just met earlier while I'm on my way here."

"She's smart and beautiful 'di ba apo?"

Pakiramdam ko biglang nag-pink ang cheeks ko. Playing cupid pa yata si Madam sa amin ni Kollin.

"Ahm...yeah? And she's...awesome." Nakakalokong ngiti ang ibinigay nito sa akin.

"Hmm...sa pagkakaalam ko ay single ang SSC President at wala pa akong nababalitaan na naging boyfriend nya so NBSB siya apo." Grabe ibuking daw ba ang status ko? Subsob kasi ako sa pag-aaral at wala akong time sa love ha iyan. Love can wait so they say.

"Are you pairing us Granny?"

"You're single and she's single. There's nothing wrong about that apo. Boto naman ako kay Kryzel para sa'yo." Nahunuksong tingin ang ibinigay nya sa aming dalawa.

Pwede bang mabiyak ang lupa at mawala na ako sa paningin nila? Feeling ko pulang-pula na ang mukha ko.

"Easy Granny, look she's blushing."

Binigyan ko sila ng alanganing ngiti. "Madam I need to go to my class now. Nice meeting you again Kollin. 

"Apo, pakihatid mo na si Kryzel sa room nya. I won't take NO for an answer."

Napatingin naman si Kollin sa aking at ayun na naman ang nakakaloko nyang ngiti. "So let's go?"

Tumango na lang ako at sabay na kaming lumabas ng office.

A/N: How's chapter 2? Leave some comments para malaman ko kung nagugustuhan nyo ang flow ng story. Salamat!

Sudden Fate (ATDG FanFic) √Where stories live. Discover now