Chapter 29: Bonding With The Girls (Part 1)

115 10 6
                                    

GOOD MORNING.

Four hours ago since that phone conversation with Kollin ay hindi na ulit ako nakatulog kaya ang aga-aga ko tuloy nagsusurf sa net. Facebook at Wattpad ang madalas kong pinupuntahan na sites bukod sa Google kapag may kailangan akong i-research.

"Okay may update na ulit si XxWannaSeeMeDiexX," and I started reading the latest chapter of ATDG.

Basa...

Vote...

Comment...

Share the latest update on my FB acct...

Pagkatapos magbasa ay naisipan kong palitan ang Profile Picture ko. Naisend kasi sa akin ni Hikaru ang photo taken last Prom Night while I'm holding the bouquet that Kollin gave me.

Afterwards ay nagpunta naman ako ng bathroom para maghilamos at magtoothbrush. Sabado ngayon kaya may mall bonding ako with Hikaru later.

"Whoa 50 likes and 10 comments!" nagulat ako nang i-check ang fb ko habang nagsusuklay. I checked my notifications at tinignan kung sino ang mga nagcomment.

Sheryl Echanes Way commented on your photo: Ang aga mo naman mag-online Kryzel. Nice profile picture :)

A/N: May emoticons talaga since fb convo iyan okay? Oka

Hikaru Yanagi: Sissy bet ko iyang PP mo! Ganda ^_^

Hajime Yanagi: Simply beautiful.

Tetsuya Kirizawa: Ang ganda mo naman Miss. Sayang at wala ako last time sa Prom Night nyo ni Hikaru :(

Garrett Draven Ashworth: Nainlove na naman tuloy ako sa iyo Kryzzie baby kaso hindi na pwede tsk tsk :/

Maiya Charleigh

Gallego: Poor GD hahaha! Ang ganda mo dito Kryzel promise!

Nouveline Aiya Blackbourne: The Prom Queen! Go girl!

Lantis Kristoph Ashworth: Gorgeous.

Cassiopeia Krista Sarmiento: Whoa KZ! Pretty baby :)

Kollin Roswel Ashworth: My precious K-line. I MISS YOU!

Napangiti naman ako sa last comment kaya nagcomment na din ako.

Krystal Zelline Madriaga: Thanks guys! Napaka-supportive nyo talaga! :D

May nag-pop ulit na notification dahil nagcomment si Sissy.

Hikaru Yanagi: Sissy mall time natin mamaya kaya daanan kita dyan sa inyo!

Nagcomment din sina Nouve at Maileigh.

Nouveline Aiya Blackbourne: Mall? Sama kami ni Maileigh!

Maiya Charleigh Gallego: Tama! Bonding naman tayong apat!

Nagsimula na ding magcomment sina Garrett, Lantis at Kollin.

Garrett Draven Ashworth: Paano naman kami nina Lantis at Kollin?

Magkasunod tuloy na nagcomment sina Nouve at Maileigh ng "FOR GIRLS ONLY!" caps lock to death pa.

Lantis Kristoph Ashworth: Ingat.

Kollin Roswel Ashworth: GD, pagbigyan mo na sila. Besides ngayon lang makakabonding nina Nouve at Maileigh sina K-line at Hikaru.

Nagcomment na ulit ako bago mag-logout.

Krystal Zelline

Madriaga: Girls, 10am na kayo pumunta dito sa bahay ah? Boys, next time na lang kayo ok? Logout muna ako at mag-aalmusal.

*****

Exactly 10am nang dumating silang tatlo.

"Just right on time girls!" at nakipag-beso beso pa ako sa kanila.

"Syempre girl! Tara?" excited na si Nouve.

"Oh sure! Sama-sama na tayong lahat sa Expedition nina Hikaru."

"Sige para hindi hassle sa parking."

"Let's go!" chorus naming lahat at kanya-kanya ng pasok sa loob ng sasakyan.

AT THE MALL.

As usual, sa bookstore muna kami nagpunta. Sa Romance Section silang tatlo at ako dito sa Mystery Section. I grabbed some Alex Cross and John Reacher series books. Bumili na din ako ng art materials kaya nang pumunta kaming lahat sa counter ay ang dami namaing hawak lahat na books and art materials.

Next stop ay mga boutique shop. Mahilig pala sa fashionable clothes itong sina Nouve and Maileigh. Nag-insist pa talaga sila na ibili kami ni Hikaru ng tig-isang casual and formal wear. Nailibre din kami ng 1 pair of heels.

"Nakakagutom mag-shopping tara sa Pizza Hut!" yaya ni Nouve habang bitbit ang napakaraming shopping bags.

"Paanong hindi ka magugutom e halos lahat ng boutique shops ay pinuntahan na natin!" naiiling na wika ni Maileigh.

"Shopaholic ka pala Nouve!" Hikaru said habang tinitignan ang bitbit nyang paper bags.

"Masarap kasi mag-shopping girls tsaka minsan lang naman ito kaya lubus-lubusin na!"

"Sabagay, puro na kasi 'date' ang inaatupag nyo ni Lantis ngayon," Maileigh teased.

"Ayiiiie!" duet namin ni Hikaru.

Sudden Fate (ATDG FanFic) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon