Chapter 12: Black Stones and Fall

148 12 3
                                    

STILL AT ASHWORTH HIGH.

"Let's go to the mall! Mamili tayo ng isusuot for the concert!" Hikaru said while eating her Cadbury bar. Tapos na kasi kaming kumain ng snack.

"Pass muna ako guys. Hihintayin ko kasi si Khaki and the rest if Black Stones. Pupunta kasi sila dito ngayon," I informed them.

"Really? Good! Makikita ko ulit ang kawaii na si Yoshiro hihi hihintayin muna namin silang makarating bago kami umalis. Don't worry ibibili ka na di namin ng isusuot mo, alam ko naman ang size mo," Hikaru said beamingly.

"JaPinoy si Yoshiro right?"

"Yes Sissy. Ang alam ko nasa Japan ang parents nya pero dito pa din nya gustong mag-aral sa Pilipinas."

After 5 minutes ay sabay-sabay na naman kaming napalingon sa may glass door dahil papasok na ang Black Stones. Sina Khaki at Yoshiro lang ang naiiba ang get-up dahil naka-black sina Jager, Harold at Marco. Khaki wore a white printed shirt, purple jacket and white pants habang bitbit ang skateboard nya. Si Yoshiro naman ay naka-white and blue striped longsleeves at may bitbit na libro. Cute.

I raised my right hand para makita nila kami. Si Yoshiro ang unang nakakita sa amin kaya kinalbit nya si Khaki sabay turo sa pwesto ng table namin.

"Ciao!" Khaki smiled at us.

"Cool outfit Khaki!" Hikaru kissed her on the cheek.

"Guys, this is Hajime Yanagi, Hikaru's older brother and his bestfriend Tetsuya Kirizawa. Makakasama natin sila sa benefit concert." pakilala ko sa tatlong kasama ko.

"And they are Balck Stones. Jager, Khaki, Yoshiro, Harold and Marco," pakilala ko naman sa kanila.

Nag-bro fist ang mga lalaki at nakipag-shake hands naman si Khaki.

"Yoshi baby! Ang cute mo talaga!" sabay pisil ni Hikaru sa pisngi nito. Pambihira.

"Sissy 'wag mo namang panggigilan si Yoshi hahaha!"

"Ang cute cute nya kasi!"

"Guys nag-snack na ba kayo? I'll order for you," I asked them.

"Miss Kryzel 'wag ka na mag-abala. Actually nag-snack na kami bago pumunta dito," nakangiting sabi naman ni Harold.

"Black Stones, iwan muna namin sa inyo si best friend ah, shopping lang kami nina kuya at Tetsu," at sabay-sabay na tumayo ang tatlo.

"No problem. Ingat kayo," Jager said to them.

* * * * *

Tutal nagmeryenda na ang Black Stones kaya we decided na libutin na lang ang Ashworth High para i-tour sila. Si Khaki naman ay enjoy na enjoy sa pagsakay sa skateboard nya at gumagawa pa ng stunts. Ang cool talaga ng babaing ito amd astig at the same time.

"Alam nyo bang dito nag-high school si Khaki?" tanong ko sa apat na lalaking kasabay ko maglakad at lahat naman sila ay umiling.

"Kaya pala hindi kami sinita ng guard kanina haha at kilala nga nya si Khaki," natatawang sabi ni Marco.

"Yup. Three years ahead si Khaki sa'kin dahil graduating na siya ng highschool samantalang freshman pa lang ako nun," i said to them.

Si Yoshiro tahimik lang habang binubuklat-buklat ang librong dala-dala nya. Bookworm din nga pala ang isang ito. Book Four ng A Song of Fire and Ice ang librong binabasa nya.

Samantala, nilapitan naman kami ng schoolmates ko para magpa-picture at magpa-autograph sa kanila. Oo nga pala, katatapos lang ng Musikrakan at sila na ulit ang Musikrakan Champion.

* * * * *

Salamat sa pag-tour sa Ashworth High KZ, na-miss ko ang school na ito!" sabi ni Khaki habng inililibot ang paningin sa buong A.H.

"O paano guys rehearse na tayo?" sabay tingin ni Jager sa wristwatch nya.

"Miss Kryzel we need to go, reheasal time," paalam ni Harold.

"Sure! Ako naman ay maglilibot-libot muna dito. Salamat sa pagpunta nyo dito," sabi ko sa kanila nang makarating na kami sa may front gate ng Ashworth High.

* * * * *

Pagkatapos kong maglibot and mag-check sa mga booth ng iba't ibang club ay ipinasya kong pumunta sa may rooftop para magpahangin. Tahimik din kasi dun kaya pwede akong magmuni-muni. Pero habang papalapit ako sa may rooftop ay pumapailanlang ang kantang 'Fall'. Mukhang may nauna na sa akin.

Sumilip muna ako and I saw Garrett dancing. Pinanuod ko muna siya mula magsayaw umpisa ng kanta at nung nasa second stanza na siya ng kanta ay nilalagyan nya ito ng panibagong choreo. At dahil hindi siya satisfied kaya paulit-ulit ang tugtog nya.

"Maybe I can help?"

Napatingin siya sa direksyon ko. "Ikaw pala Kryzel, sure hindi ko tatanggihan yan," he smiled at me.

Pinatugtog nya ulit ang second stanza and I begin to dance. Actually paborito kong sayawin itong 'Fall', kitang-kita ko naman sa mukha nya ang paghanga while I'm dancing. Sinabayan nya ako pagdating sa chorus at dahil may sharp memory ako ay natandaan ko agad 'yung steps na sinasayaw nya sa chorus kanina. Halos synchronize ang galaw naming dalawa. Well, he's really a good dancer.

Nagulat pa kami ng biglang may nagpalakpakan at makita sina Kollin, Lantis, Nouve at Maileigh na nanunuod pala sa'min.

"Wow just wow!" - Maileigh

"Talented pala si Kryzel!" - Nouve

"Impressive." - Lantis

Tumango-tango lang si Kollin pero alam kong napabilib ko siya.

Sudden Fate (ATDG FanFic) √Where stories live. Discover now