Chapter 37: 'Til Next Time

116 13 4
                                    

A/N: Malapit na talagang matapos ang Sudden Fate at MARAMING, MARAMING SALAMAT sa inyo na naglaan ng oras para mabasa ang aking akda. Medyo nagka-twist bigla e 'no? :D

Sino pala mahilig sa poetry dito? You can message me at bigay kayo ng word/s mapa-English o Filipino at sure na gagawan ko kayo ng haiku. Medyo ang weird lang talaga ng bagong itsura ng Wattpad lalo na dito sa mobile kasi di na ako makapag-vote and comment 3 sana sa mga susunod na araw ay maging okay na siya kagaya ng dati.

Here's Chapter 37 of Sudden Fate (FanFic) enjoy reading!

-- mangkunifroggy xoxo

AT THE HOSPITAL.

Slow motion ang mga hakbang ko pero parang hindi ko maramdaman ang flooring ng ospital dahil manhid na yata ang mga paa ko. Pakiramdam ko nga ay hindi ako naglalakad, parang nakalutang lang ako.

Sinalubong agad ako ni Maileigh at gaya ni Nouve, niyakap nya din ako ng mahigpit. Mugto na din ang mga mata nya at hindi na nya nakuhang mag-ayos sa sarili dahil napaka-gulo ng buhok nya.

Si Garrett naman ay tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Ang saya pa namin sa Aura's Wonderland kahapon pero ngayon ay ibang-iba na ang aura nya.

"Kryzel, si Kollin... Si Kollin..." bigla na lang umiyak si Maileigh habang nakayakap sa akin.

Sobrang pagpipigil sa sarili ang aking ginawa para hindi ako umiyak ulit kaya nakuha ko pang magbiro sa kanya.

"Maileigh, ang gulo ng buhok mo baka habulin ka ng suklay."

Lalong lumakas ang hagulgol nya.

"Loka ka talaga Kryzel," bulong ko sa sarili ko.

*****

Morgue.

Nandito na kaming lima sa loob matapos naming makausap ang staff ng ospital. Samantala ay tinawagan ako ni Madam Margaret kanina habang papunta kami dito nina Lantis at Nouve saying that she's on her way to the hospital.

Dahan-dahan kong inalis ang puting kumot na bumabalot kay...

"Kollin," halos hindi ko na nga mabigkas ang pangalan nya.

Umiwas ako ng tingin dahil nagbabadya na namang pumatak ang aking mga luha. Wala na siya. Wala na nga talaga ang aking kababata.

Magsasalita na sana akong muli nang bigla akong matabig ni Garrett at lumapit sa wala ng buhay na si Kollin at saka ito niyugyog.

"Hoy 'insan gumising ka na dyan! Tatalunin pa kita hindi ba? Lagi mo na lang kasi akong natatalo sa lahat ng bagay! Kahit nga sa babaeng nagugustuhan ko ay natalo mo pa din ako...bangon na dyan! Punta ulit tayo ng Aura's Wonderland! Mamaya ka na matulog 'insan! Dali na kasi, bangon na...bumangon ka na dyan..." basag na ang boses nya at nanghihinang napaluhod na lang sa tabi ng kama.

Kagat-labing napahawak na lang ako sa balikat ni Garrett habang patuloy sa paggalaw ang balikat nya dahil sa pag-iyak.

Lumapit naman sa amin si Maileigh kaya napag-gitnaan naman si GD.

"Kollin, bakit ka naman nang-iiwan agad? Sabi mo tuturuan mo pa akong mag-DOTA tapos tatalunin natin si GD hindi ba? Tapos, tuturuan mo ako ng pamatay mong dance moves para mas magaling na akong magsayaw kaysa kay GD. Tapos...tapos..." hindi na nya naituloy ang iba pa nyang sasabihin dahil umiyak na din siya. Lumapit naman sa kanya si Nouve at saka siya niyakap.

Si Lantis ay nakasandal naman sa may malapit sa pintuan habang tahimik na nakahalukipkip.

Napaka-tahimik ng paligid at bukod-tanging mga hikbi lang naming tatlo nina Nouve at Maileigh ang maririnig dahil nahimasmasan na si Garrett at umupo na lang sa may bakanteng silya malapit sa tabi ni Lantis.

Makalipas ang sampung minuto ay marahang bumukas ang pinto at pumasok si Madam Margaret kasama ang dalawa pang hospital staff. Sila marahil ang mag-aasikaso sa labi ni Kollin.

Nagbigay-daan naman kami na nasa malapit sa kinaroroonan ni Kollin nang lumapit sa amin si Madam.

"My grandson," marahang hinaplos ni Madam Margaret ang mukha ni Kollin na may sugat sa bandang kanan ng noo nito bunga ng pagkakabangga ng kotse nya habang bumubuhos ang malakas na ulan.

"You're so adorable yesterday and even treat me to a sumptuous breakfast at our favorite cafe. And who would have thought that it would be our last bonding together?"

Marahan kong pinahid ang luha na nagsisimula na namang maglandas sa aking pisngi. Napakabilis naman kasi talaga ng mga pangyayari. Ang saya-saya pa ng bonding namin sa amusement park at hindi ko akalain na huling araw na pala iyon na makakasama namin siya. Para ngang ayaw pang mag-sink in sa utak ko na wala na talaga siya.

"'Til next time my dear grandson, magkikita at magkikita pa rin tayo," Madam Margaret kissed Kollin's forehead at niyaya na kaming lumabas ng morge.

"'Til next time Kollin," sumulyap muna ako sa kanya bago tuluyang nilisan ang kwarto.

Hanggang sa muli...

Sudden Fate (ATDG FanFic) √Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz