Chapter 18: Searching For Answers

127 12 2
                                    

ON MY WAY HOME.

Habang naglalakad ako palabas ng Ashworth High ay iniisip ko pa rin kung sino ang naglagay ng 3 red roses na may note sa paborito kong tambayan. Red roses pa talaga at favorite color ko pa. Ayoko namang mag-assume na it's either Kollin or Garrett tsk pwede naman akong i-approach hindi yung pa-mysterious effect pa.

Biglang lapad naman ng ngiti ko nang makita ko si Mamang Sorbetero malapit sa tapat ng bahay namin. Mahilig ako sa ice cream pero Cookies 'n' Cream talaga ang paborito kong flavor. Kahit malamig ang panahon ay kumakain pa din ako ng ice cream, masarap kasi.

"Manong isang Cookies 'n' Cream nga po," nakangiting sabi ko nang makalapit na ako sa kanya.

"K-line? Ikaw nga ineng! Dalagang-dalaga ka na," hanep pati si Manong ganyan din ang tawag sa akin.

Kinuha ko naman ang ice cream na iniabot nya. "Pati rin po pala kayo ay K-line din ang tawag sa akin."

"Palayaw mo iyon ineng, hindi mo na ba ako natatandaan? Sabagay sampung taon na din ang nakalipas."

Napakunot-noo ako. "Po? Ibig sabihin magkakilala po tayo Manong?"

"Kayong dalawa ng kaibigan mong batang lalaki ang mga suki ko kapag nagtitinda ako ng ice cream sa park noon. Cookies 'n' Cream ang paborito mo at Rocky Road naman ang sa kanya," feeling ko nagta-time travel pa si Manong habang sinasabi nya iyan sa akin.

"Batang lalaki po?"

"Oo, si Owel."

"Wala po akong maalala na may kaibigan akong lalaki dati dito Manong kasi sa States na kami tumira noong 6 years old po ako."

"Pero sigurado ako na ikaw ang batang iyon ineng. Alam mo bang isang araw noon ay hinihintay ka nya sa park? Naghintay siya doon hanggang sa inabot na siya ng ulan. Sinabihan ko pa nga siya na umuwi na dahil baka hindi ka na makakarating pero naghintay pa din siya. Naawa naman ako kaya sinamahan ko na lang siya kahit kaming dalawa na lang ang naiwan sa parke dahil nag-alisan na ang mga tao doon dahil umulan," pagpapatuloy ni Manong sa kwento nya.

"Naku, pasensya na po kayo Manong pero wala po talaga akong natatandaan sa mga sinasabi nyo pero malay nyo one of these days ay maalala ko bigla."

"Wag mong pilitin ang sarili mo. Naniniwala akong maaalala mo din ang lahat," Manong gave me an assuring smile.

"Salamat po. Sige po pasok na po ako sa loob."

Iniangat ni Mamang Sorbetero ang sumbrero nya at tumango.

"Owel? Sino naman kaya iyon?" bulong ko sa sarili ko habang papasok ng bahay.

*****

"Gumawa ako ng banana split Kryzel, kapag nagutom ka ay kainin mo na lang," bungad ni Manang sa akin pagkapasok ko ng bahay.

"Thanks Manang kaso katatapos ko lang po kumain ng ice cream. Sige po pag nagutom ako alam nyo namang ice cream lover ako hehe."

"Ikaw talagang bata ka, magpalit ka na ng pambahay at magluluto na ako ng hapunan."

"Ano pong menu ngayon?"

"Grilled chicken fillet, sauteed vegetables at carbonara."

"Ayos mapaparami na naman ang kain ko Manang!"

"Hindi ka naman tumataba kahit kumain ka ng marami kasi sexy ka pa rin," nag-thumbs up pa si Manang sa akin.

"Si Manang talaga nambola pa! Sige po akyat muna ako at gagawa ng homeworks."

*****

Pagkatapos ng masarap na hapunan (ako yata halos ang umubos) ay umakyat na ulit ako sa kwarto para mag-internet surfing. Natapos ko na naman ang homeworks ko kaya pwede na ako mag-FB or magbasa sa Wattpad.

Nag-login muna ako sa FB at ang dami kong friend requests. Inaccept ko naman lahat dahil halos taga-Ashworth High ang mga nag-add sa akin. Then I checked my notifications: 2 tagged videos from Maileigh -- dance number namin ni Garrett at song number namin ni Hajime.

Nagcomment naman ako sa videos. "Thanks for tagging Maileigh! Nakuhanan mo pala kami ng vid."

"Yup! Si GD nagrequest nyan kinulit ako," she comment back.

"Hahaha buti kamo hindi ako nagkamali sa pagsasayaw."

"Oo nga, baka kasi matulala 'yun bigla sa galing mo magsayaw."

"Tsamba lang kasi nagkataong alam ko na dun sayawin ang Fall hehe."

"Pero ang galing mo talaga that time Kryzel! Sabay na sabay kayo ni GD magsayaw."

"Kinakabahan pa nga ako sa umpisa."

"Hindi halata sa'yo haha logout muna ako ha, movie marathon hihi."

Hindi na ako nagcomment at nag-logout na din ako sa FB at nag-login naman sa Wattpad.

"Ang astig ng update ngayon!" okay kinakausap ko ang screen ng laptop ko habang nagbabasa ng ATDG.

basa...

vote...

comment...

"Excited na ako sa next update!" I smiled to myself while closing my laptop.

Kinuha ko naman ang Ipad Air ko at kinabitan ng speakers dahil trip ko magsoundtrip. Hinanap ko ang playlist na puro OPM songs, actually OPM bands since mahilig din talaga ako sa mga banda.

While scrolling down, I accidentally tap the song 'Tadhana' by Up Dharma Down kahit hindi iyon ang una kong patutugtugin.

Sa hindi inaaasahang Pagtatagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong

Damang dama na ang ugong nito

Habang nakikinig ako ay naisip ko ang sinabi kanina ni Manong. Pagkatapos ng kanta ay nagpasya akong pumunta ng library sa may attic.

"Baka sakaling mahanap ko ang sagot.."

Sudden Fate (ATDG FanFic) √Where stories live. Discover now