Chapter 36: But Why?

121 13 6
                                    

A/N: Ganito pala gumawa ng heartbreaking scene, pati ako nadadala sa eksena kaya umiiyak din ako habang isinusulat ang chapter na 'to waaa! Ilang chapters na lang before Epilogue.

PS: Salamat sa mga nag-popost sa MB ko, sa mga nag-ppm I appreciate it guys! Salamat sa votes and comments nyo, nakaka-boost kasi siya. Thank you for reading my stories :D

OH GOD, WHY?

Nanghihina at parang mauupos na kandila na napaupo na lang ako sa sahig. Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng mga luha.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko...

Sana isang masamang panaginip lang ito at magising na ako...

Oo tama, panaginip lang ito...

Panginip lang hindi ba?

Gumising ka na Kryzel!

Isinubsob ko ang aking mukha sa aking mga kamay. Ang hikbi ay naging hagulhol na.

Hang on Kollin...

Please hang on..!

*****

Marahas na bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya napatingin ako sa pigura ng taong pumasok. It's Nouve.

Kagat-labing tumakbo siya palapit sa kinauupuan ko. Namumula na rin ang mga mata nya.

Lumuhod siya para magpantay kami at saka nya ako niyakap.

"Girl, si Kollin...wala na si Kollin..." she said between her sobs.

Parang bombang sumabog sa pandinig ko ang sinabi nya.

Hindi...

Buhay pa si Kollin.

Kausap ko pa siya kagabi!

Hindi pa siya patay!

"Y-you're kidding right?"

Umiling naman si Nouve habang nakayakap pa rin sa akin.

"S-sabihin mo nagbibiro ka lang Nouve! Buhay pa si Kollin! Buhay na buhay pa siya!" hindi ko na mapigilang hindi siya sigawan. Hindi kasi magandang biro ang sinabi nya.

"Girl, DOA siya..."

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Wala na kasing tigil sa pag-agos ang aking mga luha.

"N-no... This isn't happening..."

Nakakatakot pala talaga ang maging masaya dahil may posibilidad na maaaring bukas ay hindi na.

Kaya pala gano'n si Kollin kanina. Nagpapaalam na pala siya sa lagay na iyon. Pero bakit ang bilis-bilis naman?

Napatingin ako sa itaas habang hilam na sa luha.

Ang unfair Mo naman!

Bakit kinuha Mo na siya agad sa amin?

Ang unfair Mo.

Ang unfair-unfair Mo talaga!

Si Kollin. Wala na ang childhood friend ko.

Parang hindi matanggap ng sistema ko ang pangyayaring ito..

"Let's go."

Bumasag sa aming crying moment ang baritonong boses ni Lantis. Kung gano'n ay magkasama pala sila ni Nouve sa pagpunta rito sa bahay.

Dagli kong pinunasan ang aking pisngi at tinulungan naman ako ni Nouve na makatayo. Hindi na din ako nag-abalang magpalit pa ng suot ko dahil disente naman siya.

Kollin parating na ako.

Hintay ka lang.

Sudden Fate (ATDG FanFic) √Where stories live. Discover now