XIX

393 24 6
                                    

XIX
studio

Elite called and they wanted to sign me. Hindi masukat ang tuwa ko nang matanggap ang balitang iyon. Noong una'y hindi pa ako makapaniwala. But when it all started to sink in to me, I just couldn't help but jump in glee. I was in literal cloud nine.

Sa sobrang tuwa ko, napatakbo pa ako sa music room ng penthouse upang ibalita iyon kay Zephaniah.

"Zephy!! I was accepted in Elite!" Tuwang tuwa akong pumasok sa kwartong iyon ngunit napatigil rin agad nang makitang naroon ang buong banda niya.

"That's great, Z." My cold brother tried his best to express his happiness.

"Congrats baby Z!" Sobrang energetic na bati noong chinito nilang bahista.

I've met them a few times before. Kahit noong highschool pa lang sila, madalas sila sa bahay namin sa Bulacan upang mag-ensayo. At pang-asar nila sa akin ang nickname na baby Z.

"Thanks kuya Jaewon."

"Dapat magcelebrate tayo!" Kyovee who loves to party cheered.

Sumama agad ang tingin ni Zephaniah at sinenyasan akong lumabas na. Nakatanggap pa ako ng isang congratulations kay kuya Varen bago ako lumabas ng silid.

"What's Elite? TV show iyon 'di ba? Mag-aartista si baby Z?" Narinig ko pang tanong ni kuya Jaewon.

"Sira, modelling agency!" Someone answered.

Ibabalita ko rin sana iyon kay Stav dahil parang manager ko na rin siya sa lahat ng nagawa niya para sa modeling career ko kaso hindi pa rin kami nag-uusap. Ni hindi pa ako nakakahingi ng tawad matapos kong isipin na niloloko niya si Linn.

Sa halip, kay Linn ko na lang iyon ibinalita. Sa sobrang tuwa nito, inaya niya akong magbar kinagabihan.

"Gaga ka talaga! Bakit hindi mo tinawagan si Stav?" Kararating ko lang doon ay minura na ako nito.

Agad akong sumimsim sa kalalapag lang ng cocktail sa lamesa namin.

"Nahihiya nga ako. I thought so badly of him."

"Alam ko namang maganda ka at magaling ka talagang modelo, but he helped you so much to get signed in Elite. You should at least say your thank you."

"I know. Hindi ko lang alam kung paano. 'Wag mo akong pagalitan. I thought we're here to have fun?"

"Well, yes. Speaking of fun..." Dumako ang mga mata ni Linn sa kalapit naming table.

Napupuno iyon ng mga gwapong lalaki na mukhang kaedad lang namin. Linn made bold eye contact which caught some of the guys' eyes. Seconds later, two of them were already whispering to each other while looking at us.

"See? I told you swerte yang pa-cleavage mo."

"What? Wala naman." Napadungaw tuloy ako sa dibdib.

Bukod sa wala naman talaga akong dibdib, hindi rin ganoon ka-revealing ang heart shaped neckline ng Fleur du Mal white bodysuit ko. It's a cut-out bodysuit which reveals the chest before its collar and long sleeves but really, there's not much to reveal.

Maya maya pa ay nangahas nang lumapit ang mga lalaking naakit ni Linn. Iyong una ay matagumpay na nilapitan si Linn habang iyong pangalawa ay biglang umatras kung kailan malapit na sa akin.

Inaya si Linn noong isa sa bar counter, hinayaan ko naman. Nang mapag-isa ako ay ilang beses pang may nangahas na lumapit sa akin pero bigla ring umuurong.

Nagtataka na ako kung ano'ng meron. Do I look too stern? Baka natatakot sa akin? Perhaps the resting bitch face is scaring them off.

So I tried to stare softer when another tall moreno tried to approach me. But he backed out again after being dragged away by another guy. Both of them glanced up and then went off.

(La Mémoire #1) NOSTALGIAWhere stories live. Discover now