VI

584 37 9
                                    

VI

french kiss

Halos mapatalon ako nang salubungin ni Zephaniah sa entrada ng mansyon. He was watching me with his cold eyes under the shadows of moonlight.

"Kuya!" I blurted out.

"Bakit kinausap mo ang Valerio na iyon?" May pagbabanta sa baritono nitong boses.

Hindi ko ito pinansin. Magpapatuloy na sana ako sa loob ngunit nahagip niya ang braso ko.

"Zhalia!" He gave me a warning look.

"Sasabihin mo sa akin o isusumbong kita kay Zach."

Napalunok ako.

"Nothing, Kuya. I just asked him if he really wanted to harm Auntie."

"Why would you do so?" Umigting ang pagdududa nito.

"Kuya, gusto ko lang malaman ang totoo. He just seemed like a good person to me."

Zephaniah's eyes softened although his jaw was still tensed.

"Are you sure you're not acquainted with him?" He questioned crucially.

Binalot ako ng kaba. I am never good at lying to my brothers. Kahit magpalusot ako, pakiramdam ko lagi nilang alam ang tinatakbo ng isip ko.

"I don't know him, Kuya." Mariin kong hayag.

"Ano'ng meron?" Si Zeke na may bibit pang beer.

Magulo ang buhok nito na nahuhulog sa mapupungay na mga mata. His white button-down shirt was half undone which exposed his chest. Maging ang mga butones ng kusot niyang long sleeves ay nakatanggal. Napangiwi ako. God forbid he made out with someone behind the bushes.

"Pinapagalitan mo ba si baby Z?" Inakbayan ako ni Zeke. Muntik pa akong matumba sa bigat nito.

Mariin lamang kaming tinignan ni Zephaniah bago nilagpasan.

"Ano'ng problema noon? Bakit parang galit? May ginawa ka ba?" Bumaling sa akin si Zeke. Napangiwi ako sa amoy alak nitong hininga.

"Lagi naman siyang galit." I rolled my eyes.

Kumawala ako sa akbay ni Zeke dahilan para mawalan ito ng balanse. Tinawanan ko ito bago tumakbo pabalik sa gitna ng salu salu.

Kinawayan ako ni Zacharia. He was slick and formal in a perfect fit tuxedo and clean cut hair. Kasama nito sa isang lamesa ang iilang may edad na mga businessman.

"This is Zhalia, our youngest sister." He presented me before the guests.

Napansin kong narito na rin si Zephaniah.

"She's very lovely. Kamukha ng daddy ninyo, hijo. Although there is the Luisiana resemblance." An old lady beamed at me.

"Dahil magdodoktor ka Zacharia, wala ba sa inyo ang mamamahala sa azucarera?"

"Zephaniah is of the right age." Another businessman commented.

Zeph shook his head politely.

"He's a music genius, Alvaro. He deserves to pursue his own craft." The same old lady defended Zeph.

"Zeke, then.." Medyo alanganing dagdag ng isa.

Sakto namang natanaw ko si Zeke na pasuray suray na ang lakad. Tahimik akong humiling na huwag siyang magawi sa banda namin.

"I guess my Auntie will decide about that. If you'll excuse us please." Pinal na sabi ni Zacharia. Tumango ang lahat sa paalam nito.

Habang naglalakad kami palayo ay kinabig niya ang braso ko.

(La Mémoire #1) NOSTALGIAWhere stories live. Discover now