XLVII

270 18 3
                                    

XLVII

"Minerva!" It was adrenaline that pushed me to my feet when I saw our head servant.

Tumalima ito at tinalikuran ako. Kasabay noon ang paghigit ni Stav sa braso ko. Sa takot ko, mabilis kong iwinaksi ang huli.

"Stav, mauna na ako." Halos manginig ang boses ko.

"Zhalia--" He tried to stop me again.

Mabilis kong hinagkan ang kaniyang labi bago kumaripas ng takbo. Nagkukumawala ang kabog ng dibdib ko nang takbuhin ang aspaltong daan pabalik ng mansyon. Sa hardin ko naabutan si Minerva.

"Minerva, please!" I begged and held her elbow back.

The stern old lady was unyielding. She stood strict and apathetic, only gave me a brief disgusted look before proceeding to walk again. Panay ang subok kong pigilan ito.

"Don't tell Tita, please!"

Ang takot ko, napalitan na ng desperasyon nang hindi niya ako pansinin.

"Please, please! I'm begging you!" I have begun to cry.

Minerva finally stopped to look at me. She held on her uniform's skirt and gazed down at my now drenched cheeks.

"Don't tell Tita.." I cried.

Hindi ko alam kung bakit. Basta sa sobrang takot ko, walang humpay ang mga luha ko. Namumuhi ang buntong hininga ng nakatatandang babae.

"Iyan ba ang ginagawa mo sa tuwing umaalis ka?" Her tone was ice cold.

"No.."

"Zhalia," Minerva warned. Hindi ako nilubayan ng mapanuya niyang tingin.

"Kilala mo ba ang lalaking iyon? Alam mo ba ang tungkol sa pamilya niya?"

"Yes, yes, I do. I know about our families' dispute but he's my friend--"

"Kaibigan ba iyon, ha? Naghahalikan na kayo." Punong puno ng disgusto ang mababa niyang tono. Lalo akong kinabahan.

"Minerva, sasaktan ako ni Auntie. Sasaktan ako ni mommy.." I held her arm while I cried desperately. I was so scared, I'd kneel if she wanted me to.

"Bitawan mo ako, hija. Matalino kang bata. Dapat responsable ka sa mga desisyon mo. Ano'ng pumasok sa isip mo't nakipaglapit ka roon? Boyfriend mo ba iyon?"

"No, he's not--"

"Ang babata niyo pa. Una pa lang, dapat nilayuan mo na iyon."

Minerva jerked my hand away and walked back to the front porch. Nanghina ako. Hindi ko na alam kung paano ito kukumbinsihin. Tahimik kami hanggang sa marating namin ang bukana ng mansyon.

"Minerva, you won't tell, right?" Umiiyak pa rin ako hanggang sa bulwagan.

Pirmi ang masungit nitong disposisyon nang balingan ako. Ilang segundo niya akong pinagmasdan bago umimik.

"Ayusin mo ang sarili mo para walang makahalata." Iyon lang at mabilis ako nitong iniwan.

I cried the rest of the afternoon in my room. I was so scared they'd find out about me and Stav. It wasn't happening yet, but I was already envisioning the scenarios and the fear was already alive in my body.

I imagined Mama would be disappointed and then hurt me again like she used to. Auntie would be so mad, she'd pull another manipulative stunt and pull Stav and me apart. She'll send me back to the States and would probably never have me back.

"Hi," Nanginginig ang boses ko nang tawagan ako ni Stav. Nakahiga pa rin ako't nakatalukbong sa kumot.

God, I was so scared I'd lose him and now, I just wanted to seek refuge in his arms.

(La Mémoire #1) NOSTALGIAWhere stories live. Discover now