Simula

2.5K 102 29
                                    

Simula

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Simula

Gusto kong maglaho't takasan ang lahat ng ito. Nakakapagod ng lumaban ng walang kasiguraduhan. Hindi ko alam kung tama pa bang narito ako.

Katumbas ng bilis ng kabayo ang pintig ng aking puso. Bumuo ng iisang ritmo ang aking paghikbi, bawat hampas sa latigo at bayolente nitong takbo. Mabilis sa paningin ko ang mga lupain at kabundukan.

Bawat segundo may pangamba ng pagkahulog ngunit ayaw ko na. Nais kong tumakas.

Mahaba ang aking nilakbay bago sa wakas natunton ang malawak na taniman ng mga bulaklak na hugis-araw, matitingkad na amarilyo ang kulay.

Papalubog na ang araw na mas lalong nagpalitaw sa pagkadilaw ng mga iyon. Isang kastigo ko ay huminto ang kabayo. Bahagyang humupa ang kabog ng aking dibdib.

Sumayaw ang aking puting bestida sa saliw ng ihip ng hangin. Ang kayumangging bota ay nalunod sa malambot na lupa ngunit hindi ko alintana ang iniwan noong putik. Binaybay ko ang gitna ng taniman.

It felt like walking into my favorite painting. It was full of flowers that resembled Van Gogh's still life, sunflowers.

Alam niyang gayon na lang ang pagtangi ko sa sining. Ngayon, naaalala ko na kung paano ko siya minahal. Binigyan niyang buhay ang mga obra para sa akin.

In my ears, the melodies of yellow played. Yellow, my favorite song. Yellow, the color of sunset, the color of sunflowers, the color of both happiness and sadness--of nostalgia. 

Sinulyapan ko ang relo at luminga sa paligid. Nagpantig sa pandinig ko ang mga hakbang. Umahon ang kabog ng aking dibdib nang sa wakas ay matanaw siya.

Pinanonood ko ang paglapit niya sa akin na parang isang eksena sa pelikula. Mapait ang ngisi ko. Hindi ito pelikula. Sa totoong buhay, palaging mas masakit ang lahat.

Huminto siya nang isang hakbang na lamang ang pagitan sa akin. His amber eyes resembled one lonely summer. Pinagmasdan ko lamang ang kabuuan ng kaniyang mukha, kinabisa ang bawat detalye noon. There was indifference in his eyes, longing and desperation in mine.

Klaro na sa akin ang lahat. Ipininta niya sa totoong buhay ang mga obra at ikinulong ang oras sa mga larawan. Ganoon niya ako minahal.

"Ano'ng gusto mong sabihin at nakipagkita ka?"

Nakakatawa. Kay lapit niya ngunit sa tono niya, tila ilang milya ang layo namin. The coldness in his tone buried knives in to my chest.

I was tongue tied. His jaw stiffened at my silence. Anger flickered in his eyes as he bit his lips in frustration. Sinubukan kong hawakan siya ngunit mabilis na iniwas niya ang sarili.

"I'm sorry..." Iyon lamang ang aking nabanggit. Huminto ako't inipon ang lakas ng loob.

"I'm leaving tomorrow." Sambit ko sa maliit na tinig.

For seconds, we were in a matching stare. I didn't know what was going on his mind. Perhaps, he was waiting for me to ask him to come with me. To run away together. Seconds died and no words were uttered from mine. Nagbawi siya ng tingin.

"Mag-iingat ka."

He inhaled sharply. Pinanatili niya sa sahig ang mga mata. Tila kinakalma ang sarili.

Nang muling tumingala ay isang ngiti ang pinakawalan niya. Ngiting sing tingkad ng dilaw na mga bulaklak na nakapalibot sa amin. Ngunit ang mga mata niya'y may bahid ng lungkot ng papalubog na araw.

Pinagmasdan ko siyang muli, nakikiusap gamit ang mga tingin. Hinahanap sa mga mata niya ang pagmamahal na tila naglaho na. Baka puwede pa. Baka may kapatawaran pa't may puwang pa sa kaniyang puso para sa akin. 

Pinagmasdan ko ang pagkurba ng kaniyang labi, hinihintay ang mga katagang pipigil sa akin. Isang sabi niya lang, handa akong manatili.

"Alalahanin mo ako." Inabot niya ang aking kamay. Libo-libong mga salita ang inihatid sa akin ng kaniyang tingin ngunit hanggang tingin na lamang ang mga iyon. Wala ni isa ang isinatinig niya.

Hindi rin nagtagal ay binitawan niya ako. Napalunok ako. Sa pagbitaw niya ay siya ring pagsuko ko. This is him letting go. I can't do anything about that anymore.

"I will. I'll remember you."

Tumalikod ako't tinunton ang daan palayo sa kaniya. Walang pangako ng paalam ngunit may pangako ng pag-alala.

(La Mémoire #1) NOSTALGIAOù les histoires vivent. Découvrez maintenant