XXXIV

340 29 5
                                    

XXXIV
memories

"Kuya, I need help." Si Zeke agad ang naisipan kong tawagan.

"Bakit? Ano'ng nangyari sa'yo?"

Nahimigan niya siguro ang panghihina sa boses ko at agad itong nag-aalala. Gusto ko ng umuwi ngunit walang susundo sa akin. Nanatili tuloy akong nakaupo sa sahig habang nakadantay ang kalahati ng katawan sa sofa.

"Migraine."

"Nasaan ka?"

"Sa studio ni Stav. Sunduin mo 'ko. Diyan muna ako sa bahay mo please?"

"Sige sige. Hintayin mo ako. I'll be there in thirty--no, twenty minutes!"

The call abruptly ended. Ngunit panay ulit ang tawag sa akin ni Zeke kahit pa bumabiyahe na ito. They know how sickly I can be especially after my accident. Because of that, my brothers are always so overprotective.

"Z, natraffic pa ako. Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Fine." Was all I managed to say because honestly, the headache was still there. Just more manageable this time.

"Sige. Tawagan ulit kita. 'Wag mong papatayin ang phone mo."

Pagkatapos ng tawag, bumukas ang pinto. Nanghihina akong napalingon doon.

Lumundag ang puso ko nang bumungad sa akin ang pamilyar na bulto. Nakaputing lab coat pa ito. Napapikit ako. Tangina naman, Zeke.

Nanatili akong nakapikit, nakikiramdam lang. His cool scent heightened which was my only sign that he got nearer. Masakit na nga ang ulo ko bumibilis pa ang pintig ng puso ko. I will die multiple deaths when Stav is around!

Lumundo ang sofa nang umupo siya roon. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. He sat behind me a little longer, I can almost feel him hesitating to hold me.

But the cushions shifted again and I heard his footsteps getting away. A pang of disappointment hit me when I heard the door being closed.

Pinalipas ko muna ang ilang sandali nang sumara ang pintuan. Bumungad sa akin ang pain reliever ko sa coffee table at ang sticky note sa ilalim. In his beautiful handwriting, he wrote something.

"Don't take Aspirins. If this is not working, try this." He wrote a drug prescription.

"But you should see a doctor when Zeke arrives."

Para akong maiiyak dahil sa hamak na sticky note. God, I miss him. I buried my face in my knees. I don't want to see a doctor. I want my future doctor instead.

"Kuya, I just got overworked! Nagkakamigraine naman talaga ako paminsan minsan." Pagdating sa kotse, nagtalo pa kami ni Zeke dahil gusto niya akong dalhin sa ospital.

I really hate hospitals because that means seeing my dad who I don't speak to and my brother who's strict with me at everything. That's just additional stress.

"Basta 'wag mo itong sasabihin kay Zach at Zeph ha?"

"Oo na. 'Wag ka na kasing magmodel!"

Hindi ko alam kung matatawa o ano. Sinisi na ni Zeke ang pagmomodelo ko at buong biyahe, kinumbinsi akong itigil na iyon at magpahinga na lang. Para akong matandang pinagreretire sa trabaho.

"Seryoso ako, Z. You have been so detached from everyone since you came home from Claveria. Abalang abala ka riyan sa pagmomodel at pag-aaral mo."

"I'm working hard because it's my dream."

(La Mémoire #1) NOSTALGIAWhere stories live. Discover now