LII

248 10 1
                                    

LII

In my anger, I rushed out of my room and went to Mama's office. Naabutan ko itong nakikipagtalo sa kausap sa telepono. Napipilitan niya pang ibinaba iyon upang harapin ako.

"Zhalia, hindi mo ba nakikitang may kausap ako?! Where are your manners?" Bulyaw nito. 

"Mama, ano'ng nangyayari? Bakit pinag-eempake mo na ako?"

Napabuntong hininga ito.

"'Wag kang mag-alala. Patatapusin ko pa naman ang bakasyon mo rito. Naisip ko lang na baka marami kang gustong dalhin dahil hindi ka na ulit makakabisita rito--"

"Po? Ano'ng hindi na makakabisita?"

"I told your lola. Hindi ka na ulit pupunta rito sa susunod na bakasyon. It's better to stay there permanently because you're turning senior in highschool soon."

Hindi ko na ito pinatapos. Padabog kong isinarado ang pintuan ng opisina nito at tumakbo patungong sala. I hate her. I hate her so much for her manipulative decisions!

My chest heaved heavily for all the grudge I had for her. Hindi pwede iyon. I promised Stav. I promised to see him again next summer. Hindi ako papayag sa nais ni Mama.

I called Stav using Ida's phone and left a voice message. Pagkatapos ay tumungo na ako sa kwadra at pinakawalan si Apollo. Pinalipad ko ito sa lawak ng hacienda namin.

Matagal rin akong naghintay hanggang sa natanaw na si Stav sa gitna ng taniman namin. His horse galloped violently and stopped before me. Halos madapa ako sa gitna ng matataas na tubô nang salubungin ito.

Nang makalapit ito ay niyakap ko nang mahigpit. 

"Zhalia, ano'ng problema? Ano'ng nangyari?" Sinuyod niya ng tingin ang mukha ko, labis ang pag-aalala.

"I'm sorry. I can't wait for the right time anymore. I want to leave. I want to leave, Stav." I tiptoed to pull him close. I entwined my fingers in his curly hair and kept them from being blown by the harsh wind. I gazed steadily on his translucent and apprehensive brown eyes.

Ikinwento ko sa kaniya ang ginawa ni Mama. Mabilis na binalot ng pagkabigo at desperasyon ang kaniyang mga mata. I know how much he worries for me but I know too what will be good for me.

"I will go to Manila. This is my last chance." Hinihingal kong sambit.

"Okay, sumabay ka kay Zeke. Sabihin mo sa kaniya.."

"No, Kuya has left yesterday."

"Then?"

"Then I want you to help me. Itakas mo ako."

"Zhalia, alam mo ba ang pinaplano mo?"

"I have all of this figured out." Hinawakan ko ang mga kamay niya upang kumbinsihing maigi.

"Marunong ka naman ng magmaneho, hindi ba?"

Tumango ito sa kabila ng pag-aalangan.

"Yes. I have a student's license."

"We will meet in the sunflower field. Bring your car. Then you will drive me to Claveria bridge. From there, I could book a cab to Manila."

"You can't do that.."

"I can. Yes, I can. I know where my Daddy lives. I will go there. Sa Manila na lang ako mag-aaral. Bibisitahin kita rito o pwede mo rin akong bisitahin doon."

"Ayos lang naman kung mananatili ka muna sa America. Natatakot ako na baka sa pagtangka mong tumakas, mapahamak ka lang.."

"No, I'll be fine! This is what I really want. I don't want to  be away from you for God knows how long!" I cried. 

(La Mémoire #1) NOSTALGIAحيث تعيش القصص. اكتشف الآن