XLV

285 18 2
                                    

"Ano'ng oras na? Sabi mo alas tres uuwi ka na." Sermon ni Lyon ang bumungad sa akin pag-uwi ko.

Tinawagan ko ito habang naroon ako kina Stav upang pagtakpan ako sa mansyon. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa ngunit pumayag naman ito.

"I'm sorry, okay? I lost track of time," Paliwanag ko habang hinuhubad ang cow girl boots ko sa bulwagan.

"Will you help me?"

Nahihirapan ako dahil lumalaylay ang film camera na nakasukbit sa leeg ko. Napabuntong hininga si Lyon, mukhang pagod na sa mga kapasawayan ko pero sumunod rin.

"Akin na 'yan," Binawi niya ang camera ko. Pagkatapos lumuhod sa harapan ko at siya na mismong nag-unzip ng sapatos ko.

"Pagan'to gan'to pa kasi, akala mo naman nangabayo siya pag-alis dito," Bubulong bulong na reklamo nito.

"Oh my god, Minerva!" Tinapik ko ang likod Lyon, minamadali sa ginagawa niya.

Halos mawalan ako ng balanse nang sa wakas ay matanggal na ni Lyon ang mga sapatos ko. Kasabay ng pagdating ni Minerva ay ang pagtuwid namin ng tayo. Sa likod ni Lyon, ikinubli niya ang sapatos ko na siyang tanda na umalis na naman ako ng mansyon ngayong araw.

Sinuri kami ng mayordoma gamit ang naninigkit na mga mata.

"Ano namang ginagawa ninyong dalawa?" Aburido ang tono nito, para bang wala na kaming ibang alam gawin ni Lyon kung hindi kalokohan.

I couldn't blame her. She has been a firsthand witness of Lyon and mine's chaotic childhood. It's partly true, we often cause trouble when we're together.

"Naglalakad lakad lang po rito--"

"Huwag na kayong lumabas. Gabi na." She commanded sternly, as if Lyon and I were still seven-year-olds.

I forced my kindest smile. The one that screams I am a good obedient girl.

"Lyon, bakit amoy alak ka? Uminom ka ba?"

Siniko ko si Lyon. He groaned softly and regained his wavering balance.

"Ah, hindi po, Nay. Sina Aaron po talaga ang umiinom. Tapos nakiinom lang po ako."

Literal na nalukot ang mukha ko nang lingunin ito. Saan siya natutong magpalusot ng ganiyan?

"I mean, tumikim lang po." Dagdag pa nito na parang bang mababawi niya pa ang walang kwenta niyang palusot.

"Zhalia, ang sapin mo sa paa?" Minerva asked, looking for the usual indoor slippers that I use while roaming around the mansion.

"Naiwan ko pa sa taas."

The headservant eyed us one more in another forbidding stare. I felt like princess Sarah beside Lyon who's Cedi before her strict observations. Nang umalis ito nang walang pasabi, sabay ang pagluwag ng hininga namin ni Lyon.

"Uminom ka?!" Binatukan ko ang kaibigan.

"Ikaw, ano'ng ginawa mo na naman kila Stav?! Nakakahiya ka."

"Excuse me. Sinundo niya ako rito. Hinanap ba ako ni Kuya?"

"Malamang. Bigla ka na lang kayang nawala." He made a face sarcastically. He's handsome but when he does that just to irritate me, I want to wash my eyes.

"Ano'ng sabi mo?"

"Pumunta ka kila Stav."

"What?!"

"Chill, Zhalia. Hindi naman nagalit si Zeke. He's relieved that you made friends here other than me."

Pagbalik namin sa indoor pool, naroon pa rin ang ilang mga kaibigan ni Zeke. Naabutan ko pang nagpapaunahan ito kay Aaron sa pagtungga ng kung ano'ng bote ng alak. Napangiwi ako.

(La Mémoire #1) NOSTALGIAOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz