Wakas

758 30 32
                                    

Wakas

Gusto kong maglaho't takasan ang lahat ng ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gusto kong maglaho't takasan ang lahat ng ito. Nakakapagod ng lumaban nang walang kasiguraduhan. Hindi ko alam kung tama pa bang narito ako.

Iyon ang mga katagang bumabalot sa isipan ko nang sa wakas ay muli kong matunton ang pamilyar na mga lupain ng Claveria. I'm a coward. I like running away as much as I liked fighting.

At ngayong naaalala ko nang muli ang lahat, ang kataksilan ng sarili kong pamilya sa akin, ang karahasan nila sa mga magsasaka, namumuhi ako't nandidiri sa kanila. If you ask me what I want to do right now, I still want to fight against my family. But I am so tired. I want some normalcy in my life.

I want peace. I want solace.

I remember the only person who used to give me peace and solace. But I don't think I still have him. It's unfair to go back to him after all the harsh words I have said to him. I have doubted him so many times.

Ni hindi ko siya pinakinggan. Ni hindi ko hiningi ang paliwanag niya. Inisip ko na agad na masama siyang tao gayong ang pamilya ko ang tunay na masama.

Marami pa akong dapat tuklasin. Ano na ang nangyari sa mga magsasaka? Nakatam ba nila ang hustisya? Sino ang na sa likod ng insidente namin ni Stav? Pero bago ang lahat ng ito, nais ko muna siyang makita. Gustong gusto ko siyang makita.

Katumbas ng bilis ng kabayo ang pintig ng aking puso. Bumuo ng iisang ritmo ang aking paghikbi, bawat hampas sa latigo at bayolente nitong takbo. Mabilis sa paningin ko ang mga lupain at kabundukan.

Bawat segundo may pangamba ng pagkahulog ngunit ayaw ko na. Nais kong tumakas.

Pilit kong sinariwa sa isipan ko ang daan patungo sa taniman ng mga sunflower. Mahaba ang aking nilakbay bago sa wakas natunton ang malawak na taniman ng mga bulaklak na hugis-araw, matitingkad na amarilyo ang kulay.

Nahulog ang puso ko sa pagbugso ng mga damdamin. Natuptop ko ang bibig ko sa natanaw. Hindi ako makapaniwala.

Malawak na ang taniman ng mga dilaw na bulaklak. 'Di tulad noon na halos dadalawang lihera lamang iyon, ngayon halos kalahati na iyon ng lupain.

The demarcation line that separates our families were filled with sunflowers.

We are these flowers. We bloomed in summer in between two opposing lands.

Papalubog na ang araw na mas lalong nagpalitaw sa pagkadilaw ng mga iyon. Isang kastigo ko ay huminto ang kabayo. Bahagyang humupa ang kabog ng aking dibdib.

Sumayaw ang aking puting bestida sa saliw ng ihip ng hangin. Ang kayumangging bota ay nalunod sa malambot na lupa ngunit hindi ko alintana ang iniwan noong putik. Binaybay ko ang gitna ng taniman.

It felt like walking into my favorite painting. It was full of flowers that resembled Van Gogh's still life, sunflowers.

Alam niyang gayon na lang ang pagtangi ko sa sining. Ngayon, naaalala ko na kung paano ko siya minahal. Binigyan niyang buhay ang mga obra para sa akin.

(La Mémoire #1) NOSTALGIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon