#ALAMNA

1K 24 7
                                    

Marahang idinilat ni Karylle ang kanyang mga mata. Paglingon niya sa kaliwa ay nakita niya ang nakahigang si Nathalie na natutulog.

Nasa iisang kwarto lang sila ng ospital. Babangon sana siya nang maramdaman ang bahagyang pagkirot ng sugat sa kanyang ulo kaya minabuti na lamang niyang manatiling nakahiga.

Hinanap ng paningin niya ang kanyang ina ngunit wala ito sa tabi nila. Naisip niyang marahil ay umuwi muna ito pansamantala.

Itinuon na lamang niya ang paningin sa natutulog na anak. Hindi niya alam kung nagising na ito. Sinulyapan niya ang nakasabit na wall clock. Lampas alas-nuebe na ng gabi.

Gabi na pala.

Nanatiling nakatitig si Karylle sa anak. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit ngunit hindi pa niya kayang bumangon. May ilang galos sa braso ni Nathalie ang napansin niya. Muling bumalik sa ala-ala niya ang nangyaring eksena sa sementeryo. Tumulo ang luha niya sa awa para sa anak. Napakabata pa nito ngunit nakaranas na ng lupit ng taong naging biktima ng droga.

Nasa ganoong kalagayan si Karylle nang may pumasok sa kanilang kwarto. Hindi niya nakikita ang pintuan dahil kay nathalie lamang siya nakatingin. Inakala niyang nurse ang pumasok kaya hinayaan lamang niyang patuloy na tumulo ang kanyang mga luha.

Suminghot siya. Umayos siya sa pagkakahiga at tulalang nakatingin sa kisame. Pigilin man niyang huwag maiyak ay hindi niya magawa. Patuloy lamang sa pagtulo ang kanyang mga luha. Naisip niya si Dingdong. Naalala niyang itinaya pa nito ang buhay sa kanilang mag-ina nang sumabog ang granadang hawak ng kriminal.

Kumusta na kaya sya? Nakaligtas kaya sya sa pagsabog? 'Pano kung hindi? Mauulit na naman bang may mawala sa mga taong mahalaga sa akin?

Napakaraming tanong ngayon sa kanyang isip. Hangga't hindi niya nalalaman ang tunay na kalagayan ni Dingdong ay hindi matatahimik ang isip niya. Napakalaki ang utang na loob niya sa lalaki. Dahil kung hindi kay Dingdong ay malamang na isa sa kanila ng kanyang anak ang paglalamayan ngayon.

Muli siyang suminghot. Nagtaka siya dahil hindi nagsasalita ang inakala niyang nurse na pumasok sa kanilang kwarto kaya nilingon niya ito. Pag-angat ng kanyang tingin ay nagulat siya nang mapagtanto kung sino ang tahimik na nakamasid sa kanya. Si Vice. Nakatayo ito sa bandang uluhan niya. Hindi niya mawari ang nakikitang emosyon sa mukha nito.

Bahagya siyang bumangon upang pasandal na umupo. Maagap naman siyang inalalayan ni Vice upang makaupo siya ng maayos. Nagtataka lang siya dahil hindi ito umiimik. Nakaramdam siya ng kaba nang makitang sinulyapan ni Vice si Nathalie.

Hindi kaya...alam na niya ang tungkol kay Nathalie?

"V-vice, nasaan pala si Mama?" Tanong niya. Ginawa niya iyon upang magsalita naman ito.

"May binili akong mushroom soup. Mainit pa ito kaya kainin mo na. Sinabi ng doktor na magigising ka na kaya ito, lumabas ako saglit upang ipagbili ka ng makakain." Sagot nito. Taliwas sa tanong ni Karylle. Kinuha niya ang isinaling soup sa maliit na bowl.

Agad naman iyong kinuha ni Karylle nang iabot ito sa kanya. Nakaramdam siya ng gutom. Umaga pa siya nang huling kumain ngayong araw. Isinantabi na muna niya ang gusto niyang itanong kay Vice. Napansin niyang mailap ang mga mata nito sa kanya. Tila malamig rin ang pakikitungo nito ngayon.

Habang kumakain si Karylle ay ipinagbalat siya ni Vice ng mansanas. Naubos niya ang mushroom soup. Bukod sa mansanas ay nakadalawang pirasong saging rin siya.

"Salamat sa soup at sa prutas. Nabusog ako" Aniya nang matapos kumain.

Tumango lamang si Vice habang nililigpit ang pinagkainan ni Karylle.

MARRIED At First SightWhere stories live. Discover now