-_- MALING AKALA -_-

858 27 3
                                    

Madilim ang buong paligid at tanging sinag ng isang maliit na gasera ang nakita ni Vice pagmulat niya. Nasa isang malaking silid siya na maraming tambak ng malalaking puno ng kahoy na may ibat-ibang hugis at laki. Naalala niya na nawalan siya ng ulirat nang takpan ng lalaking katabi niya ang kanyang ilong at bibig gamit ang panyong hawak nito. May gamot siyang naamoy sa panyo na naging dahilan para mahilo siya at tuluyang mahimatay.

Kailangan raw nilang gawin iyon para hindi umano niya matandaan at malaman ang lugar kung saan siya dadalhin.

Tumayo siya mula sa papag na gawa sa kawayan at tinungo ang pinto ngunit naka-lock iyon. Agad niyang kinapa ang bulsa ng kanyang maong na short para hanapin ang kanyang cellphone ngunit wala ito. "Shit!" bulalas niya nang maalalang inilagay nga pala niya iyon sa backpack ng kanyang anak.

"Buksan nyo 'tong pinto!" Sigaw niya habang kinakalampag ang pintong gawa sa yero na may bakal.

Ngunit walang tumutugon sa pag-iingay niya. Humanap siya ng iba pang pwede niyang madaanan ngunit kahit bintana ay wala siyang makita. Tanging ang pintong yero lamang ang maaaring daanan. Pero paano niya makakalas ang kadinang ginamit na pan-lock sa pinto eh wala siyang makitang kahit anong bagay na pwede niyang gamitin sa pagdistrongka maliban na mga naglalakihang troso.

Sumilip siya sa maliit na butas ng pinto pero wala siyang makita. Napakadilim sa labas at napakatahimik.

"Tulungan nyo ako!!! Tulong! May tao ba jan!? May nakakarinig ba sa akin!!!?" Paulit-ulit niyang sigaw.

Subalit wala paring tumutugon sa kanya. Kahit anong lakas ng pagsigaw at pagkalampag niya ay wala siyang nakukuhang sagot. Naisip niya na baka hinayaan siyang nakakulong at saka iniwan ng kanyang mga kidnapper.

Pasalampak siyang naupo sa nag-iisang silya sa harap ng maliit na mesang kahoy. May natatakpang pagkain at tubig ring iniwan, marahil ay para sa kanya iyon. Hindi na siya nagdalawang isip na kainin ang nakahain. Isa pa kumakalam na rin ang kanyang sikmura kaya binanatan na niya ang pagkaing nasa harap niya. Kailangan niya ng lakas para makapag-isip ng tama para makalabas siya at makalayo sa lugar na iyon.

Tiningnan niya ang suot na relo. Pasado alas onse na ng gabi. Siguradong nag-aalala na sa kanyang buong pamilya sa biglaan niyang pagkawala.

◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇

"Paano kapag nalaman ni Jovy na kinidnap natin si Vice?" Tanong ni Cedric. Isa sa mga barkada ni Jovit na nagmaneho ng Van na kanilang ginamit.

"Oo nga bro, siguradong magagalit sa atin ang kakambal mo,lalo na at sya ang ginamit natin para kusang sumama sa atin si Vice," Sang-ayon ni Marco. Ang tumutok ng baril at nagtakip sa ilong ni Vice ng panyo.

"Ano ba kayong dalawa! Dinadaga na agad ang mga dibdib nyo? Eh ito naman ang gusto ni Jovy diba? Ang mapasakanya si Vice. Dapat nga magpasalamat sya at gumawa tayo ng paraan para matupad ang kagustuhan nya eh." Sagot ni Jovit

Nasa isang kubo sila di kalayuan sa bodega ng mga troso kung saan nakakulong si Vice. Nasa isang bulubunduking lugar sila na sakop parin ng Subic. Ang sabi ng lalaking taga-roon na may ari ng imbakan ng troso at binayaran nila ng malaking halaga para ipahiram sa kanila ang bodega ay walang gaanong tao na naliligaw sa lugar na iyon.

Pinayagan sila ng matandang gamitin ang kanyang bodega at kubo dahil ang paalam nila ay nagka-camping sila sa bukiring iyon. Lingid sa kaalaman ng matanda ay gagawin nilang pansamantalang hide-out ang imbakan nito hangga't nasa kanila si Vice.

MARRIED At First SightWhere stories live. Discover now