MATCHMAKING

1.1K 28 0
                                    

Ito na ang araw na hinihintay ng lahat ng mga nakapasok sa interview. Ang araw para malaman nila na may naka-match na para sa kanila.

Kaya naman, maaga pang pinasamahan ni Lolo Lorenzo ang nag-iisa niyang apo sa gusali kung saan naganap ang interview noong isang araw. Ayaw na nga sanang magpasama ni Vice kaso mapilit lang talaga kanyang lolo.

"Jimmy, ikaw na ang bahala sa apo ko. Mag-iingat ka sa pagmamaneho. Nawa'y makarating kayo ng maayos sa ABS-GMA Station" bilin ng matanda kay Mang Jimmy na kanilang family driver.

"Lolo, sabi ko naman sa iyong ako nalang ang pupunta doon. Mas kailangan nyo si Mang Jimmy para may makakasama ka sa pagpunta mo sa Doktor." Ani Vice.

"Hindi na. Tinawagan ko na si Dr. Kwakie na dito nya nalang gawin ang monthly check-up nya sakin" - Lolo Lorenzo

"Naku, ikaw talaga lolo oh, baka naman maabala pa si Dr. Kwakie nyan." - Vice

"Tutoy,,wag ka nang makipagtalo. Wala naman syang trabaho sa oras ng pagpunta nya dito" - Lolo Lorenzo

"Lo naman eh, wag nyo na akong tawaging tutoy. Apo nalang. Pak na pak ang make-up ng maganda nyong apo tapos tatawagin nyo akong tutoy. Nagmukha tuloy akong tomboy nyan" biro ni Vice sa matanda.

"Hep. Yan ang ayaw kong marinig kapag napapanuod na kita sa TV" banta ng matanda.

"Ang alin po don? Yong maganda ako o yong mukha akong tomboy?" - Vice

"Pareho. Gusto ko, Gwapo ka sa TV. Tandaan mo, susubaybayan ko ang bawat galay mo sa camera" - Lolo Lorenzo.

"Para po sayo Lo, pipilitin kong magkilos lalaki" pangako ni Vice.

"Tingnan nalang natin" - Lolo Lorenzo.

"Hindi ka po naniniwala?" - Vice

"fifty-fifty" tanging sagot ng matanda.

"Lolo naman eh...pano po, Alis na kami ni Mang Jimmy." paalam ni Vice

"oh sige, mag-iingat kayo" nakangiting wika ng matanda.

Bago tuluyang umalis ay niyakap muna ni Vice ang eighty one years old nyang lolo.

Kahit matanda na ito, negosyo parin ang iniisip. Malakas pa naman ang lolo niya at malinaw pa ang mata. Very thankful si Vice sa matanda dahil hindi nito kinuwestyon ang kanyang kasarian. Kaya naman mahal na mahal niya ito at ayaw nyang biguin ito sa mga pabor na hinihingi sa kanya. Tulad nalang nitong pagsabak nya sa isang reality show. Ginagawa nya ito para sa lolo nya.

Sa kabilang banda....

Abala naman si Karylle sa pagpapakain sa kanyang pamangkin na nasa pangangalaga ngayon ng DSWD. Halos doon na rin sya tumira makasama lang at masigurong naaalagaan ng mabuti ang bata.

"Baby Nathan, wag kang mag-alala, malapit nang magpakasal si Tita. Kukunin na kita dito para lagi na tayong magkasama" malambing niyang wika sa inosenteng bata na nakatingin at ngumingiti sa kanya na tila ba nauunawaan nito ang kanyang sinasabi.

"Mmmaa" sambit ng bata

Napangiti naman ng ubod tamis si Karylle nang marinig ang sinabi ng pamangkin.

Maya maya ay tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya itong kinuha sa kanyang shoulder bag na nasa tabi niya. Ang staff ng MARRIED At First Sight ang tumatawag.

"Ms. Ana Karylle Tatlonghari, 1:00pm po ang schedule nyong mga girls dito mamaya for the matchmaking. Reminders lang po ito para sa lahat ng natanggap para sa pagsabak sa reality show na ito" bungad ng staff pagkasagot ni Karylle.

"Ah ok po. Thank you. Bye" Nagpaalam na rin ang nasa kabilang linya matapos magpalitan ng pagpasalamat.

"Baby!!! Ito na!!! Konting tiis nalang at nagiging anak na rin kita" excited na bulalas ni Karylle sa pamangkin.

MARRIED At First SightWhere stories live. Discover now