BE PATIENT

1.1K 31 6
                                    

Tulad ng napagkasunduan nina Vice at Karylle, hindi na muna sila gaanong lumalabas ng bahay. Lalo pa't may ilang mga taga media ang nakaabang sa labas ng gate na gustong ma-interview ang kung sino mang nakikitang lumalabas sa tahanan ng mga Viceral.

Mahigpit ang bilin ni Vice sa mga guard na wala silang sasabihin sa media tungkol sa mga nakatira sa loob ng malaking bahay. Kaya naman nananatiling tikom ang bibig ng mga ito kahit na kinukulit na sila ng ibang reporters.

SA LOOB ng bahay at nakasilip sa bintana sa ikalawang palapag si Karylle. Tinitingnan niya kung naroroon parin ba ang mga media na kahapon pa nakatambay sa labas ng bahay. Pangatlong araw na rin mula nang kumalat ang balita tungkol sa kanila ni Vice. Ngunit hanggang ngayon ay umiiwas parin si Vice na sagutin ang isyu. Kasalukuyan itong nasa opisina at palaging tumatawag sa kanila para malaman kung ano na ang nangyayari sa labas ng bahay.

Maya-maya pa ay natanaw niya ang isang pamilyar na kotse na nakasunod sa sasakyang minamaneho ni Mang Isko na sumundo sa kanyang ina. Hindi pa nakakapasok ang mga ito sa malaking gate dahil humarang ang mga taga media sa daan sa pag-aakalang si Vice na ang dumating.

Napangiti si Karylle nanb makumpirmang kotse ni Dingdong ang nakita niya. Mabilis niyang nilapitan ang anak na naglalarong mag-isa para isama sa pagsalubong sa mga dumating.

"Baby, halika. Nasa baba sina lola. Kasama ang Tito Daddy mo. Come here," Aniya sa anak saka iniabot ang palad dito.

Tumingin sa kanya si Nathalie. Ilang segudong tinitigan ang nakalahad niyang palad bago unti-unting umangat ang kamay nito para abutin ang kamay niya.

Napangiti naman si Karylle. Agad niyang inalalayan ang anak sa pagtayo at magkahawak kamay na bumaba ng hagdan.

Sa sala ay agad niyang nakita ang kanyang ina na kausap ni Manang Puring.

"Ma..," Masaya niyang tawag.

Sabay na napalingon ang dalawa pagkarinig sa boses niya.

"Heto na pala sila. Ah teka lang ha? Maghahanda lang ako ng meryenda nyo." Paalam ni Manang Puring.

"Sige po Manang. Salamat po." Ani Karylle.

"Anak," Usal ng Ginang na sinalubong sila ng yakap. "Kumusta ang maganda kong apo?" Malambing na tanong nito saka hinalikan sa pisngi si Nathalie. " I miss you apo!"

"Na-miss ka na rin namin,Ma" Sagot ni K. "Parang nakita ko po ang kotse ni Dingdong. Kasama mo po ba sila Ma?" Tanong niya habang niyayaya ang ina na maupo sa sofa.

"Oo, nagpa-park lang ng sasakyan. Kasama rin sina Bea at Nathan. Alam mo naman 'yong pamangkin mo. Kapag nagyaya sa Daddy nya, siguradong pagbibigyan. Tsaka na-miss na rin kayo ng bata."

"Miss na miss ko na rin nga po kayo eh. Hindi parin ako sanay na malayo sa inyo. Lalo pa ngayon, mukhang matatagalan pa bago ulit kami makabisita sa atin."

"Hayaan mo na anak. Pasasaan ba't matitigil rin ang isyung 'yan." Maunawaing sagot ng kanyang ina.

"Sana nga po matapos agad. Nag-aalala na rin po ako kay Nathy. Mahigit dalawang linggo na kaming nandito pero wala parin pong pagbabago sa kanya." Ani Karylle habang hinahaplos ang buhok ng anak na nakaupo sa pagitan nila ng kanyang ina.

"Tita Mommy!!!"

Kapwa silang napalingo sa pintuan nang marinig ang excited na boses ni Nathan at patakbong lumapit sa kanila. Nakasunod dito sina Dingdong at Bea na parehong napatawa kay Nathan.

"Kuya Nathan...i miss you!" Malambing na wika ni Karylle sa pamangkin nang makalapit ito at sinalubong ng yakap.

"I miss you so much Tita Mommy." Malambing rin nitong sagot sabay halik sa pisngi niya. "I miss you baby Nathalie. Here, may pasalubong ako sayo. Mga story books 'yan, pinabili ko kay daddy nang mamasyal kami kahapon sa mall. Nakita ko ang mga 'to, kaya naalala kita. Alam ko kasing favorite mong makinig ng mga story eh," Kwento nito sa pinsan sabay yakap.

MARRIED At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon