INTERVIEW

1.6K 35 2
                                    

(Clinical Psychologist Dr. Raul
'O Kho)

"Ipakilala ang sarili, Anong
pinagkakaabalahan sa buhay
at Bakit gusto mong maging
part ng experiment na ito? Go!"

Boy no.1

"Im Vhong Navarro, 30 years old, From Quezon City. Sports ko po ang basketball. Animal lover. Singer. Dancer. Pwede rin akong comedian. Gusto kong mapasama sa Married at first sight kasi gusto ko si Anne Curtis maging asawa (kinikilig). May na-interview na po ba kayong Anne Curtis dito?"

Napakunot naman ng noo ang mga Professionals na nag-iinterview.

"Wala pa. Mga lalaki palang ang iniinterview namin" ani Pedro Espiritu.

"Cge po, balik nalang kapag na-interview nyo na si Anne Curtis" Nagpaalam na ito.

"Next!"

Boy no.2

"Hi! Ako po si Ryan Bang. Punta po ako dito para hingi ng advice. Kasi po yong girl friend ko away nya ako. Ano po ba gagawin ko? Lagi nya nalang ako sinasaktan (umiiyak)"

"Nagkamali ka yata ng napasukang studio. Andon sa kabilang kwarto ang nag-aadvice sa mga katulad mo" natatawang wika ng Sexologist na si Dra. Aiko Malibugan.

"Ay! Ano studio po ba ito?" Nagtatakang tanong ni Ryan.

"Para sa mga gustong mag-asawa ang interview dito!" Mataray na turan ng Sociologist na si Dra. Tina Maan.

"so-sorry po! Mali pala ako! Sige bye!"

"Next"

Boy no.3

"Ako gali si Simon. Taga Bacolod. Trenta y siete anyos. Dili ko man kabalo mag-english. Jutay lang ko mag-tagalong. Ahay ah! Nga-a man ko napaayan diri? Anong kumpetisyon ne man?"

Lumuluha na ng dugo ang mga nag-iinterview sa pakikinig sa mga sinasabi ng bisayang si Simon.

"Ahm Manong! Or kuya! Hindi ka po namin maintindihan. Pwede po bang mag-aral ulit kayo? I-master mo naman po ang tagalog" pilit na sambit ng Clinical Psychologist na si Raul 'O Kho.

Tikom bibig namang umalis ang naguguluhang si Simon.

"Wala bang matino-tinong lalaki na magpapa-interview sa season na ito? Puro may sira yata sa mga pag-iisip ang mga nauna na nating nakausap ah" Naiinis na tanong ni Aiko.

"Marami pa namang nakapila dyan sa labas. Baka may makausap na rin tayong matino" sagot ng spiritual advisor na si Pedro Espiritu.

"Next!"

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Next!"

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Next"

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Next!"

Boy # 24

"Ako po si Dingdong Bellong, 30, From Caloocan, isa po akong business man,,,kaya po ako nag-audition dito dahil balak po akong ipakasal ng parents ko sa anak ng kaibigan nila. Ayoko po don sa babae kasi matanda pa po yon sakin ng limang taon. Kaya naisipan ko po na dito nalang ako magpapakasal sa tulong ninyo"

"Next!"

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

MARRIED At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon