PAALAM NA!

1.1K 22 0
                                    

Napapikit si Karylle nang sa kanyang paggising ay mabigat ang kanyang pakiramdam. Nananakit ang kanyang buong katawan na para bang nakipagbunuan siya sa wrestling. Inalala niya kung ano ba ang nangyari kagabi. Napabalikwas siya ng bangon nang mag-sink in sa kanyang isipan ang ginawa nila kagabi ni....Jose Marie.

Binalingan niya ng tingin ang tulog na tulog parin si Vice. Pareho silang mga walang suot na saplot at tanging kumot lamang ang nagsisilbing pantakip sa kanilang mga katawan.

Dali-daling pinulot ni Karylle ang mga nagkalat nilang damit sa sahig at agad na nagbihis bago pa makapasok ang camera man sa kanilang kwarto.

Kung nagpadala man sa bugso ng damdamin si Karylle kagabi, wala siyang pinagsisihan sa nangyari. Kahit na nasa ilalim sila ni Vice ng impluwensya ng alak, alam parin naman ni Karylle sa kanyang sarili na ginusto niya iyon and she would treasure thet for the rest of her life.

Muli niyang sinulyapan ang natutulog na si Vice. Napakapayapa ng mukha nito. Tila nakikita pa niyang may ngiti ito sa mga labi. Hindi niya ito tinangkang hawakan sa pag-aalalang baka magising ang binata mula sa mahimbing na pagtulog. Alam niyang napagod ito nang husto at ganoon rin sya. Gayumpanan, alam niyang pareho silang nasiyahan.

Ipinilig niya ang kanyang ulo nang maramdamang may tao sa labas ng kanilang kwarto. Ang camera man. Nagsimula na ulit sa pagrecord ang kamera.

Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama. Isang pang sulyap ang ipinukol niya kay Vice bago tuluyang lumabas ng kwarto. Buo na ang desisyon niya. Ito na ang huli nilang pagkikita ng kanyang stranger na asawa. Sa paglabas niya ng bahay na ito, dederitso siya sa tinutuluyan ng mga staff and crew ng sa islang iyon upang makausap ang pamunuan ng show. Kailangan siya ng kanyang pamangkin ngayon kaya kahit mahirap para sa kanya ang gagawing desisyon ay susugal siya. Itataya niya ang sariling kaligayahan 'wag lang mailayo sa kanya ng damuhong Dingdong na iyon ang nag-iisa niyang pamangkin.

Nang marating ang kinaroroonan ng mga staff and crew ay nakiusap siya sa mga ito na gusto na niyang umalis sa islang iyon. Nagtataka man ang lahat at tinawagan parin ng mga ito ang mga experts na kasalukuyang nasa Manila.

Makalipas lang ang labinlimang minuto ay may narinig nang tunog ng helicopter si Karylle.

Nakaabang na siya sa lugar kung saan lalapag ang sasakyang panghimpapawid.

Nang makausap niya kanina sa telepono ang mga experts at sagutin ang nagtatakang tanong ng mga ito ay bumalik siya sa malaking bahay upang kunin ang kanyang mga gamit. Nang pumasok siya sa naging kwarto nila ni Vice ay nandoon parin ang binatang bakla at parang mantikang tulog. Wala man lang itong kamalay-malay sa nangyayari ngayon.

Nang makalapag ang helicopter ay agad siyang inalalayang ng isang crew upang makasampa ng maayos. Ilang sandali pa ay naramdaman na ni Karylle ang pag-angat nila sa lupa.

Walang nangahas na magtanong sa kanya isa man sa mga kasama nila sa isla. Tanging ang mga experts lamang ang pwedeng magtanong sa kanya nang tungkol sa pagsasama nila ni Vice  at sa desisyong ginawa niya ngayon.

Tumingin siya sa bintana ng helicopter at tanaw na tanaw niya ang eleganting bahay na nagsibing tahanan nila sa loob ng isang linggo.

Palayo na sila ng palayo sa isla. Tanging mga puno na lamang ang kanyang nakikita hanggang sa paliit na ng paliit ang isla sa kanyang paningin, at tuluyan na itong mawala...

Goodbye Vice...sana mapatawad mo ako sa ginawa kong ito. At sana..maging masaya ka kasi sa pagbalik mo sa Manila, malaya ka na. Hindi ka na nakatali sa babaeng pinakasalan mo... May lungkot na wika ni Karylle sa kanyang isip.

Mabalik tayo sa natutulog na si Vice......

Actually hindi siya tulog. Sa katunayan, mas nauna pa siyang nagising kay Karylle. Nagtulog-tulugan lang siya nang gumalaw ang babae. Bumabalik sa isipan niya ang sinabi ng dalaga nang nakaraang gabi bago pa siya tuluyang makatulog. Inakala siguro ni Karylle na nakatulog agad sya martapos nilang mag-jugsjugan. Malalim ang hiningang iminulat ni Vice ang kanyang mga mata nang marinig ang papalayong tunog ng helicopter.

MARRIED At First SightUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum