SPY VICE

822 19 2
                                    

Makalipas ang dalawang araw,matapos ang pagkikita nina Vice at Karylle sa Heaven Stairs ay naisipan ni Vice na puntahan ang apartment kung saan nakatira si Karylle.

Pagkarating sa lugar na iyo'y agad niyang nakita ang tatlong certified tambay na nagkukwentuhan sa tindahan ni Aling Nina. Inihinto niya ang kanyang kotse sa tapat ng mga ito. Hindi na siya bumaba ng sasakyan. Binuksan na lamang niya ang bintana ng kanyang kotse.

"Magandang araw!! Pwede bang magtanong?" Aniya.

"Uy si Vice oh!" - Bruno

"Aba naligaw ka ulit Vice. Anong sadya mo dito sa lugar namin?" - Juan

"Si Miss beautiful ba ang hinahanap mo?" - Tikboy

"Nandiyan ba sya ngayon sa apartment nya?" Sa pagkakaalam niya ay walang trabaho ang dalaga ngayon, kaya kahit sigurado siyang nandoon si Karylle ay nagtanong parin siya.

Tumayo si Bruno sa inuupuan at lumapit sa kotse niya. "Naku! Malamang na wala sya diyan kapag ganitong araw. Ang pagkakaalam ko kasi,base na rin sa araw-araw na pagtambay namin dito, isa hanggang dalawang beses nalang ulit umuuwi sa lugar na ito si Miss beautiful."

"Tama si Bruno, Vice. Kala nga namin dito na talaga titira ng tuluyan si Miss beautiful eh. Kasi noong huling buwan halos dito na sya tumitigil. Pero kelan lang, bumalik ulit sya sa dati na paminsan-minsan nalang kung uwian ang apartment nya" Dagdag ni Tikboy.

"Pero para makasiguro ka kung andiyan nga sya o wala, bat hindi mo katukin ang pinto nya? Di ba magkaibigan kayo? O kaya tawagan mo" Suhestiyon ni Juan.

May mga silbi rin pala ang pagiging tambay ng mga ito.

"Ah ganun ba? Maraming salamat sa impormasyon ha? Siguro nga kakatukin ko nalang ang apartment nya" Sagot niya sa mga ito. Bumaba siya sa kanyang kotse at tumingin sa paligid. Baka may mga nagmamatyag sa kanyang kotse at kumukuha lang ng timing para makuha ang gulong ng kanyang kotse. Naaalala parin niya ang kwento ni Karylle tungkol sa mga tinatawag na KGPB boys.

Napansin naman ng tatlong tambay na tila nag-aalinlangan siyang iwan ang sasakyan sa tapat ng tindahan ni Aling Nina. Hindi na niya pwedeng iusad papunta sa tapat ng apartment ni Karylle ang kanyang kotse dahil may naka-park na motor sa unahan. Baka masagi pa niya ito kapag pinilit iyang ipadaan ang sasakyan. Makipot rin ang kalye Masagana.

"Wag kang mag-alala sa kotse mo Vice. Kaming bahala diyan. Babantayan namin 'yan. Walang makakagalaw sa kotse mo. Pramis!" Ani Bruno.

"Tama! Tropa ka na namin eh. Kaya kaming bahala diyan" Sabat ni Juan.

"Ahm, sige, Salamat" Naglakad na siya patungo sa apartment ni Karylle.

Nasa tapat na siya ng pinto. Isang malalim na hininga muna ang kanyang pinakawalan bago siya kumatok. Alam niyang nagalit sa kanya si Karylle nang huli silang magkita. Pero bakit nga ba nagalit noon ang dalaga? Hindi rin niya alam ang dahilan. Alam naman nitong bakla siya kaya normal lang na magsuot siya ng mga damit pambabae.

Nakailang katok pa siya ngunit wala paring tumutugon sa kanya. Di yata't tama ang sinasabi ng tatlong tambay na wala doon si Karylle.

Saan naman pupunta 'yon?...oh know! 'Yong lalaking kasama nya sa Heaven Stairs! Baka ibinahay na siya nito! Shit No!

May lumabas na Ginang sa kabilang pinto na katabi lamang ng apartment ni Karylle. Nakilala siya ng Ali -napaood siya sa tv minsan- Umaliwalas ang mukha nito. Ubod tamis itong ngumiti sa kanya na sinuklian naman niya ng magalang na pagbati.

"Magandang araw po" - Vice

"Ikaw si Vice di ba? Napapanood kita sa tv kapag naggi-guest ka sa ilang shows ng ABS-GMA. Magandang araw naman sayo"

MARRIED At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon