Selfish Alert

1.2K 38 3
                                    

Simula nang araw na nagkaayos sina Vice at Karylle ay naging maayos na ang pakikitungo nila sa isa't isa. Hindi na sila nag-iiwasan at palagi na ring magkasama kapag pinapatulog nila si Nathalie. Pero kahit maayos na sa kanila ang lahat ay magkahiwalay parin sila ng kwarto. Iyon kasi ang gusto ni Karylle at sinang-ayunan naman ni Vice kahit na gustong gusto niyang makasama sa pagtulog ang kanyang mag-ina.

Hanggang sa sumapit ang araw ng kasal nina Dingdong at Bea. Maaga palang ay ihinanda na ni Karylle ang susuotin nila ng kanyang anak. Magbabyahe pa sila papuntang Batangas dahil doon gaganapin ang kasal sa lugar ng bride. Isa si Nathalie sa mga flower girl kaya kailangan nilang makarating ng maaga sa simbahan.

Hindi naman makakasama si Vice sa kanila dahil nagkataong may importanteng kliyente ang darating sa kumpanya nila na may malaking maitutulong sa pag-unlad pa lalo ng kanilang negosyo.

Sinabi na lamang ni Vice na sisikapin niyang makadalo sa kapag may oras pa. Naunawaan naman iyon ni Karylle lalo na at nalaman niyang humina ang income ng kumpanya ni Vice kaya kaya alam niyang gagawin nito ang lahat para maibalik muli ang kita ng kumpanya. At hindi naman ito nabigo dahil unti-unti na muling sumisigla ang negosyo at nadadagdagan pa ang tumatangkilik sa kanilang produkto.

TAMANG-TAMA lang ang dating nila sa simbahan. Inihatid sila ng driver ni Vice at kabilin bilinan pa nito na bantayang maigi ang kanyang mag-ina. Naroon ang lahat ng mga kaanak ng ikakasal pati na rin ang mga malalapit nitong mga kaibigan. Syempre pa, naroon rin ang kanyang ina na miss na miss na niya.

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang seremonya. Hindi maiwasang bumalik sa ala-ala ni Karylle ang mga panahong ikinasal siya sa lalaking hindi niya kilala. Ay hindi pala lalaki kundi bakla. Na ngayoy ama ng anak niya.

Napapangiti na lamang siya sa mga nangyari noon habang nakatingin sa ikinakasal. Naitanong tuloy niya sa kanyang sarili na kung mararanasan ba ulit niya ang maikasal muli? Pero paano? Gayong hindi naman niya kayang buksan ang kanyang puso sa ibang lalaki. Praning siya kung iniisip niyang papakasalan siyang muli ni Vice.

Oo nga't nagkakamabutihan na sila. Pero sigurado naman syang ginagawa lang ito ni Vice para sa anak nila. Hindi bat ito na rin ang nagsabi noon na hindi sila pwede? Dahil bakla ito at babae siya. Na lalaki parin ang gusto nito. Kaya nga sila nagkahiwalay di ba? Dahil lagi silang nag-aaway. Dahil magkaiba ang kanilang mga gusto. Pero 'yon nga ba talaga ang dahilan? Napakarami pang tanong ang hindi nasasagot. Assuming lang siguro siya kaya nya naiisip ang mga bagay na 'yon.

Mabilis na natapos ang seremonya hanggang sa sabihin na ng pari ang katagang "You may now kiss the bride".

Agad namang nagpalakpakan ang lahat matapos halikan ng groom ang bride. Masaya ang lahat para sa bagong kasal. Bago umalis ng simbahan ay nagpa-picture muna ang lahat. Kitang-kita sa kanilang mga mukha ang tuwa at galak sa matagumpay na kasalang Dingdong at Bea.

MATAPOS ang picture taking ay dumiretso ang lahat sa reception area sa kilalang resorts sa Batangas.

Masayang pinagmamasdan ni Karylle ang bagong kasal habang nagsasayaw. Natutuwa siya at buo na ang pamilya ng kanyang pamangkin. Alam niyang magiging mabuting ina si Bea kay Nathan.Nasisiguro niya iyon dahil nakikita naman niya na masaya ang bata sa mga ito.

"Anak, malalim na naman ang iniisip mo. Kanina pa kita napapansin sa simbahan," Agaw ng pansin ng kanyang ina sa kanya habang sinusubuan nito ang apong si Nathalie.
Nasa iisang mesa isang tatlo at may bakante pang isang upuan na sana ay para kay Vice.

"Sobrang saya ko lang po kasi Ma. Hindi na ako mag-aalala kay Nathan kapag wala si Dong dahil nandiyan na si Bea para alagaan sya." Aniya.

"Naku ako rin. Masaya ako para sa kanila." Magiliw nitong sagot. "Kumusta naman pala kayo? Iba parin talaga kapag nagkakausap tayo ng personal kesa sa mag-usap sa telepono."

MARRIED At First SightWhere stories live. Discover now