ASAR TALO!

1K 28 6
                                    

Araw ng Linggo, katatapos lamang paliguan ni Karylle si Nathalie dahil magsisimba sila. Nauna na siyang maligo kaya magbibihis na lamang siya pagkatapos asikasuhin ang anak. May mapait mang ala-ala sa kanila ng kanyang anak ang Linggo ay pilit na lamang niyang kinakalimutan ang trahedyang nangyari sa kanila.

Mas lalo pang lumakas ang pananalig niya sa Diyos at gabi-gabing ipinagdarasal ang mabilis na paggaling ni Nathalie.

Halos isang Linggo na rin silang nakatira kina Vice. Ngunit wala paring pagbabago kay Nathalie. Tulala parin ito at hindi makausap. Nami-miss na rin niya ang boses nito pati na rin ang pangungulit at ang pagtawa ng anak.

"Baby Nathy, magsisimba tayo ngayon, pagkatapos mamamasyal tayo sa park. Gusto mo ba 'yon?" Ani Karylle matapos bihisan ang anak.

As usual, hindi umimik si Nathalie. Nakatingin lang ito sa kanya.

"Umupo ka lang muna dyan sa kama mo ha? Bibihis lang si Mommy." Aniya. Saglit na binuksan ang tv at saka tinungo na ang closet upang makapagbihis na rin.

Sila lamang dalawang mag-ina ang nasa kwarto kaya walang problema kung maghubad siya ng damit. Tanging panloob na lamang ang suot ni Karylle habang namimili ng dress na isusuot nang biglang magbukas ang pinto ng kwarto. Nasa likod lamang ng pinto ng ang closet kaya makikita siya ng kung sino mang walang manners na basta na lamang pumasok sa kwarto nang hindi kumakatok. And surprise! Si Vice ang walang manners na 'yon.

Sa gulat ni Karylle ay wala siyang nahilang kahit ano na pwede niyang ipantakip sa katawan. Kaya tumago na lamang siya sa likod ng pinto ng closet habang nakadungaw.

"Hindi ka ba marunong kumatok!?" Pagalit na tanong ni Karylle kay Vice.

"Excuse me, pamamahay ko 'to no, ba't pa ako kakatok? Isa pa 'wag mo na yan itago. Para namang wala tayong nakaraan." Nang-iinis na sagot ni Vice.

"Hindi porket pamamahay mo 'to, tatanggalan mo na ng privacy ang mga nakatira dito! Tumalikod ka nga!" - Karylle

"Ayoko...gusto mo ako ang magbihis sayo?" - Vice

Akmang lalapitan niya si Karylle nang may matigas na bagay ang tumama sa ulo niya. Takip ng mamahaling pabango na gawa sa white crystal ang nakita niyang bumagsak sa sahig.

"Ouch!" Maarteng hiyaw ni Vice. "Ang sakit non ha!"

"Yan ang bagay sayo! Kapag hindi ka lumayo sakin, itong bote na na ito ang ibabato ko sayo! Bastos!" Ani Karylle.

"Pikon ka naman agad? Akala mo naman tutuhanin ko! Tse! Ang panget naman!" Ani Vice habang papalapit kay Nathalie na kanina pa pala nakamasid sa kanilang dalawa.

"Hoy! Mas pangit ka!" Pahabol ni K nang marinig ang sinabi ni Vice.

Mabilis na nagbihis si Karylle habang inaaliw naman ni Vice si Nathalie. Siya na lamang ang hinihintay ng dalawa.

Matapos sipatin ang sarili sa salamin na naka-kabit sa pinto ng closet ay nilapitan na ni Karylle ang kanyang mag-ama. Inismidan lang niya si Vice nang mapadaan siya sa harap nito para patayin ang Tv.

"Anak, sana 'wag mong mamana ang ugali ng mommy mo. Masyadong pikon eh." Mahinang wika ni Vice kay Nathalie.

Narinig naman iyon ni Karylle. Tiningnan niya ng masama si Vice saka huminga ng malalim.

K,relax! Remember, magsisimba kayo, kaya kalma lang. Aniya sa sarili.

Inirapan na lamang niya si Vice saka lumapit kay Nathalie.

"Lets go baby." Nakangiting wika niya sa anak at inakay na ito palabas ng kwarto.

"Yes, mommy." Ani Vice na balak talagang inisin si Karylle.

MARRIED At First SightTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang