THE WEDDING DAY

1K 30 0
                                    

Note: May mga camera nang nakatutok sa kanila simula palang sa interview. Hindi ito Live na ipinapalabas sa TV. Ngayong Wedding day na. Tsaka palang magsisimula ang reality show sa telebisyon. Kung saan ang pinapalabas ay ang audition ng lahat ng mga gustong sumabak sa experiment na ito.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Nakahanda na lahat sa simbahan.

Nandon na rin ang Lolo at Ina ni Vice pati na rin ang kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan.

Sa side naman ni Karylle ay mga kaibigan lang ang nakapunta. Hindi naman kasi makaluwas ang kanyang mga magulang sa Manila sa kadahilanang may sakit ang kanyang ama at hindi naman ito pwedeng iwan ng kanyang ina.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Mula sa isang silid ng simbahan ay panay ang malalalim na paghinga ni Vice. Kasama niya ang mga nagpapakalma sa kabang nararamdaman ang mga kaibigang sina Archie,Buern,Matt,Bernard,at Aaron.

"Kaya mo yan te, lakas ng loob lang ang kailangan. Isipin mo nalang na debut mo ito at matatapos rin agad" Tinatapik-tapik ni Aaron ang braso ni Vice.

"Oo nga. Tsaka hindi ka halatang girlalo ha, infairness. Ang gwapo mo sa tuxido mo. Lalaking lalaki ka te!" - Buern

"Ano kaya ang hitsura ng merlat na mapapangasawa mo? May ideya ka ba?" - Bernard

"Pano ako magkaideya eh wala namang clue na ibinigay ang mga experts na yon." Blankong sagot ni Vice

Knock knock....

"Excuse me, ready na  ba ang groom? Magsisimula na ang seremonya. Dumating na ang bride" pagkumpirma ng isang staff ng experiment na ito.

"Yes miss, ready na" sagot ni Vice

Nagpaalam na ang staff. Sinipat naman ng mga kaibigan ni Vice ang suot niya para masigurong maayos ang kanyang suot.

Nang masiguro ng mga ito na maayos na ang suot niya ay nauna nang nagsipaglabasan ang kanyang mga kaibigang bakla at pumunta sa kani-kanilang upuan.

Bago tuluyang lumabas sa silid na iyon ay bahagya pang inalog ni Vice ang kanyang buong katawan upang mabawasan ang tensyong nararamdaman.

Pagbukas ng pinto ay nakita agad ni Vice ang kanyang lolo na matamis na nakangiti sa kanya. Sa tabi nito ang kanyang ina na proud na proud sa kanyang pagpapakasal.

Marahan at lalaking-lalaki ang kanyang paglakad papunta sa unahan upang doon hintayin ang stranger niyang bride.

"His cute" narinig niyang bulong ng mga babaeng nakaupo sa left side ng mga nakaliherang upuan.

Ito marahil ang mga kamag-anak ng merlat na nakatakdang mapangasawa ko. Naisip ni Vice

Limang minuto lang ang lumipas nang magbukas ang malaking pinto ng simbahan at iniluwa ang anim na mga babae at isa sa mga ito ang nakadamit pangkasal. May katamtamang tangkad ang bride. Nauna nang naglakad ang paisa-isa ang limang dalaga.

Nang makarating na ang mga ito sa kanya-kanyang mga upuan ay nagsimula na ring maglakad ang bride.

Napatitig si Vice sa babaeng dahan-dahan ang paglakad papunta sa altar. Hindi niya makita ng maayos ang mukha ng babae. Natatakpan ito ng puting belo. Maganda ang hubog ng katawan nito at nakita niyang makinis ang balat nito sa braso.

MARRIED At First SightOnde as histórias ganham vida. Descobre agora