THE HONEYMOON ( 1st night)

1.8K 28 0
                                    

Pagkagaling sa reception, umakyat na ang bagong kasal sa ikawalong palapag ng hotel. Magna-nine Thirty na ng gabi. Nakasubaybay parin sa kanila ang Kamera.

Habang nasa hallway papunta sa kanilang kwarto, may naisip na ideya si Vice.

"Diba kapag bagong kasal, binubuhat ng lalaki ang kanyang bride papasok sa kwarto?" bigla niyang tanong kay Karylle.

"Oo, dont tell me na bubuhatin mo ako?" natatawang tanong ni Karylle

"Syempre naman, asawa na kita eh. Halika" Bigla na lamang binuhat ni Vice si Karylle na para bang nagbubuhat siya ng isang sakong bigas.

Isinampa niya si Karle ng padapa sa kanyang balikat.

Natatawa namang nagpatianod si Karylle sa kalokohan ng baklang asawa.

Dahil medyo may kabigatan si K ay bahagyang na-out balance si Vice. Kaya ang resulta, bago sila malapasok sa kwarto ay nauntog ang ulo ni Karylle sa pinto.

"Aarrraaaayyy!"

"sorry,sorry,sorry. Ang bigat mo pala" hinging paumanhin ni Vice. Maingat niyang inilapag sa sofa ang kanyang bride at naupo rin siya sa tabi nito.

"Wow! Ang ganda naman ng pagkakaayos nila ng kwartong 'to. Very romantic" ani Karylle. Para mabawasan ang tensyong nararamdaman.

Nasa honeymoon na sila no. Kaya hindi nila psreho alam kung paano at ano ang gagawin nila bilang mag-asawa.

Tumayo si Karylle at lumapit sa king size bed na may mga rose petals na nakahugis puso.

Tumalikod siya sa kama at pabagsak na humiga sa mismong puso.

Natatawa namang tinitingnan ni Vice si Karylle. Naingganyo naman siyang gayahin ang kanyang "asawa".

Patalon siyang sumampa sa kama at nagtatatalon doon na parang bata.

"Ang saya ng ganito. Woohhooohh!" wika ni Vice.

Tumayo si Karylle at nakisabay rin sa pagtalon ni Vice.

Ano ba ang kasunod?

Nang mapagod sa kanilang ginawa ay naupo na muna sila sa kama.

"Gusto mong drinks?" Hinahapong tanong ni Vice

"Sige" - K

Tumayo si Vice at kumuha ng maiinom sa maliit na refrigerator.

"Wine lang ang nandito" aniya.

"Ok lang, hindi naman marami ang iinumin natin eh" sagot ni Karylle. Nakaupo parin siya sa kama habang sinisipat ang buong kwarto.

Iniabot ni Vice ang wine glass kay Karylle.

"Salamat"

Muling umupo si Vice sa tabi ni K.

"Bat pinili mong mag-stay dito sa Manila kesa sa makasama ang mga magulang mo sa probinsya nyo?" Panimula ni Vice.

Tiningnan ni Karylle ang katabi. "Dito ang trabaho ko eh. Isa pa medyo malaki ang sweldo dito sa Manila kaysa sa probinsya".

"Sabagay. Bat hindi ka nalang nag-abroad? Mas malaki ang sweldo sa ibang bansa" - Vice

Lumagok muna si K bago sumagot. "Hindi ko na kailangang mag-abroad, Masaya na ako sa kinikita ko dito sa Pilipinas. Ayaw ko rin naman mapalayo ng sobra sa mga magulang ko no. Eh ikaw? Pambabae lang bang trabaho ang alam mo? Bat hindi ka sumunod sa yapak ng Lolo mo?"

"Excuse me, marami rin naman akong alam na trabaho. Pagdating naman sa mga negosyo ni Lolo hindi nya na ako kelanang sanayin. Lumaki kaya akong laging nakatambay sa office nya. Kaya alam ko na kung pano pinapatakbo ni Lolo ang lahat ng negosyo nya" - Vice

MARRIED At First SightWhere stories live. Discover now