1 WEEK HONEYMOON

1.3K 25 0
                                    

Kinabukasan...

Maagang nagligpit ng kani-kanilang gamit ang bagong mag-asawa. Pupunta  sila sa isang private island upang doon ubusin ang buong isang linggong honeymoon.

Sumakay sila ng taxi. Sa likuran naman ng kanilang sinasakyan ay nakasunod ang isang bus kung saan nakasakay ang lahat ng staff and crew ng show na makakasama nila sa pribadong isla.

Mag-aalas otso na nang makarating sila sa airport kung saan may naghihintay na private plane na maghahatid sa kanila sa pupuntahang isla.

Ilang minuto lang ang lumipas ay narating na nila ang pribadong isla. Maganda ang nasabing isla. Para itong maliit na paraiso. Napapalibutan ito ng puting buhangin. Maraming mga mayayabong na puno ng niyog at iba't ibang uri ng mga halaman at bulaklak. Asul na asul naman ang kulay ng malinaw na dagat na kumikislap pa sa sinag ng araw.

"Wow! Paradise!" Manghang wika ni Karylle. Dumipa pa siya para langhapin ang sariwang hangin na sumasalubong sa kanila.

"Ang ganda ng lugar na ito. Mas maganda pa sa lahat ng mga napuntahan ko nang Resort" Nakangiti namang wika ni Vice.

Tumuloy sila sa nag-iisang mala-palasyong bahay na nakatirik sa gitna ng isla. Malawak ang bakurang sinasakupan nito. May mga guards rin na nagpapatrolya sa lugar na iyon.

Pagpasok nila sa bahay ay bumungad sa kanila ang malawak nitong sala. Puti at itim ang kulay na nangingibabaw.

Umakyat sila sa taas upang tumuloy sa gagamitin nilang kwarto. Malamig sa mga mata ang kulay-langit na wallpaper ng silid na tila tatlong beses ang laki sa kwarto ni Karylle sa apartment niya sa Maynila.

"Ang laki ng kwartong 'to. Parang sala na ng bahay namin sa probinsya" Ani Karylle na ginagala parin ang paningin sa buong silid.

"Sinlaki lang 'to ng kwarto ko sa bahay ni Lolo eh" Pagmamalaki ni Vice.

"Ikaw na ang mayaman" Inirapan ni Karylle ang katabi.

Hindi na sumagot si Vice. Patuloy parin sila sa pagkilatis ng silid. Mamahalin ang lahat ng gamit na naka-display doon. Mula sa carpet,paintings,kama, hairdresser,closet at iba pa.

"Maswerte ang may ari ng lugar na ito. Bukod sa maganda ang tanawin sa labas, napakatahimik pa ng lugar." Basag ni Karylle sa katahimikan.

"Hindi rin siguro" Sagot ni Vice.

"Bakit naman?" - Karylle

"Kung maswerte sya, bat wala sila ngayon dito?" - Vice

"Syempre nandito tayo ngayon, kaya siguro wala ang may ari. O baka naman bahay bakasyunan lang nila ito" - Karylle

Inignora muli ni Vice ang sinabi ni Karylle. Naglakad na siya palabas ng kwarto. Sumunod rin sa kanya si Karylle.

PAGKATAPOS nilang mananghalian ay nagyaya si Karylle na mamasyal sa dalampasigan. Nakasuot siya ng bulaklaking sundress na umabot hanggang  kalahati ng kanyang hita. Si Vice naman ay nakasuot ng puting sando at kulay asul na hawaiian shorts.

Nakapaa silang naglalakad sa maputing buhangin.

"Alam mo ba noong bata ako, pag may tampo ako sa pamilya ko, pumupunta ako sa tabing dagat. Malapit lang kasi ang bahay namin noon sa dalampasigan. Sa dagat ko sinisigaw ang lahat ng sama ng loob ko. Makita ko palang ang asul na kulay nito, nagiging payapa na ang loob ko" Kwento ni Karylle.

"Kaya pala mahilig kang pumunta sa mga beaches?"

"Oo, pagnakakapag-isa lang ako at nasa tapat ko ang dagat, mas nakakapag-isip ako ng tama. Mas nagkakaroon ako ng lakas ng loob na gawin ang mga gusto kong gawin"

MARRIED At First SightWhere stories live. Discover now