5 YEARS AFTER

1.1K 18 4
                                    

"Hello Ma? Ang aga nyo naman pong tumawag" Inaantok pang sagot ni Karylle. Nagising siya sa tunog ng kanyang cellphone. Napatingin siya sa luminous clock, nasa five o'clock AM palang ito.

"Naku, ito kasing anak mo, kinukulit ako. Sinabi ko na ngang tulog ka pa ng ganitong oras pero hindi nagpaawat. Miss ka na raw nya. Oh ito, kausapin mo muna" Paliwanang ng kanyang ina sa kabilang linya saka iniabot ang aparato sa bata.

"Hello baby?" Nakangiting sambit ni Karylle nang maulinigan ang boses ng bata sa kabilang linya.

"Mommy! Mommy! Mommy! I miss you na po" Masiglang bati ng kanyang anak.

"I miss you too my baby Nathy. Next week na rin naman ang uwi nyo dito sa Philippines eh. Malapit na ulit tayo magkita" Nawala na ang kanyang antok. Napalitan ng excitement sa pag-uwi ng anak.

"Matagal po ba ang next week? Tinanong ko na po yon kay Kuya Nathan but sabi nya po medyo matagal pa raw" Inosente nitong tanong.

Napangiti naman si Karylle. " Kasi baby, ang one week ay binubuo ng pitong araw. At habang lumilipas ang araw na yon, pabawas ng pabawas ang one week hanggang sa mamalayan mo nalang ubos na ito. At kapag naubos na ang mga araw na lumipas, yon, don na tayo magkikita" Paliwanag niya.

"Ganun po ba yon? Sige po Mommy, bibilangin ko po ang araw na lilipas simula ngayon" Natutuwang wika ni Baby Nathy.

"Good girl. Where's Kuya Nathan?" - Karylle

"He's playing outside with Tito Daddy. You want to talk to kuya Mommy?" - Baby Nathy.

"Oh sige, Miss ko na rin si Kuya Nathan eh" - Karylle

Saglit na nagpaalam ang kanyang anak upang tawagin si Nathan. Maya maya pa ay nagsalita na ang kanyang pamangkin sa kabilang linya.

"Hello Tita Mommy? I miss you na po" Siglang bungad nito sa kanya.

"Hi Kuya Nathan, I miss you too..how's your vacation there?" Masayang bati rin niya. Kasalukuyan kasing nagbabakasyon ang mga ito sa California kasama ang kanyang ina at ang kanyang anak.

"Super enjoy po. Mas lalo na po si Baby Natalie. Tuwang tuwa po sya sa lahat ng pinapasyalan namin. Kaya po tulog na sya lagi kapag umuuwi na kami. Dapat Tita sumama ka nalang dito eh. Para kumpleto tayo" Kwento nito.

"Sayang nga at hindi ako nakasama dyan eh. Hayaan mo, next time na manlibre ulit ang Daddy mo. Sasama na ako. Nagkataon lang kasing kailangan ako sa trabaho ko kaya hindi ako nakasama." Pahayag niya.

"Sige po. Kukulitin ko po si Daddy next year na sa Disney Land naman po sya manlibre" Excited na sagot ni Nathan.

"Hahaha, ok yan. Oh sya sige na Kuya. Ipagpatuloy nyo na ang paglalaro dyan. Wag mong pababayaan si Baby Nathy ha?" - Karylle

"Syempre naman po! Wag ka po mag-alala Tita. Binabantayan ko pong maigi si Baby Natalie dito" Anas nito na animo'y matanda na kung magsalita.

"Ok, Thank you Kuya Nathan. Pakibigay nalang kay Lola ang phone, may sasabihin lang ako. I love you Kuya Nathan, Miss ko na kayong lahat dyan" Malambing na wika niya.

"I love you too TitA Mommy. I miss you so much po" Nagpaalam na si Nathan at ibinalik ang phone sa kanyang Lola Chacha.

"Hello anak? Andyan ka pa ba? May sasabihin ka raw?" Tanong ng kanyang ina.

"Yes Ma, andito pa po ako. Ibibilin ko lang po na bago kayo umalis dyan next week, tawagan nyo po ako para makapag-paalam po ako sa hospital na susunduin ko kayo sa airport. At si Baby Nathy po wag nyo hahayaang lumabas ng bahay ng mag-isa Ma ha? Makulit pa naman ang batang 'yan. Miss ko na po kayo" - Karylle

MARRIED At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon