THE MAGIC WORD

832 26 11
                                    

Ilang araw matapos ng naganap na pag-interview kay Vice ay agad na nakatanggap sila ng magandang balita. Nahuli na sina Jovit Lee pati na rin ang dalawa pang kaibigan nito na kumidnap sa kanya.

Sa tulong ng mga tao ay nadakip ang magkakaibigan sa magkakahiwalay na lugar kung saan sila nagtago habang tinutugis ng mga pulis. Si Jovy Lee naman ay nasa ligtas na kalagayan na napag-alamang tumakas rin dahil sa pananakit ng kanyang kakambal. Siya ang sinisisi ni Jovit kung bakit ito nakakulong ngayon.

Laking pasasalamat ng pamilya Viceral sa mga taong tumulong sa kanila para ituro ang pinagtataguan ng mga suspek. Pinasalamatan rin nila ang mga kapulisan pati na rin si Jovy na kinausap ni Vice at personal na nagpasalamat sa dalaga.

Napag-alaman rin na puro illegal ang negosyo ni Jovit na siyang ikinabubuhay nilang magkapatid. Wala itong kaalam-alam na galing pala sa masama ang lahat na mayroon sila. Bilang pasasalamat ay nag-alok ng tulong si Vice kay Jovy para makapagsimula ulit ng bagong buhay.

Tinupad rin niya ang pangakong tulong sa mga katutubo. Nagsagawa ng libreng medical mission ang foundation na kinabibilangan ni Karylle sa lugar ng mga katutubong Aeta nitong nakaraang linggo. Marami silang natulungan at nabigyan ng mga kagamitang makakatulong sa kanilang pamumuhay.

●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●●●○●○●○○●○●●○●○○○●○●○◇○●○●●○◇●○●●○○●○●○●○●○●○●○••○●○●○●○•○•○●○○●○•○◇○

MAALIWALAS ang mukha ni Vice habang nakaupo sa sofa sa kanilang sala isang umaga. Nasa tabi niya ang kanyang anak na abala sa pagbuo ng animals jigsaw puzzle. At ang animal na binubuo nito ay kabayo na isa sa mga paboritong hayop ng bata.

Para sa kanya,maayos na ang lahat. Halos isang buwan na rin ang nakalipas matapos ang huling pagkikita nila ng kanyang mga kidnappers bago ito tuluyang makulong.

Maayos na rin ang takbo ng kanilang kumpanya na nagkaproblema nang mga araw na wala siya. Halos nga wala na siyang pahinga para lang matapos ang tambak na papeles na naghihintay sa kanya.Pero ngayong balik normal na ulit ang buhay nila,magkakaroon na ulit siya ng oras sa kanyang pamilya.

Kumuha siya ng babasahin sa mga nakaliherang magazine. Magbabasa-basa muna siya habang hinihintay nilang mag-ama ang pagdating ni Karylle. Nagpaalam kasi ito para makikipagkita sa bestfriend nitong si Iza na kararating lamang noong isang araw galing sa UK. Matagal ring hindi nagkita ang dalawa kaya pinayagan nya na.

Sa page kung saan tungkol sa kasal ang bumungad kay Vice pagbuklat niya ng magazine. Nakalagay doon ang mga larawan ng couple na bagong kasal pati na rin ang mga sagot sa ilang katanungan.

"Malalaman mong siya na talaga ang taong para sayo kapag narealize mo sa sarili mo na hindi mo kayang magalit o mainis sa kanya kahit na marami pa syang ginawang kasalanan. Malaki man o maliit ang pagkakamaling nagawa niya ay matatanggap mo...kasi MAHAL Mo"

Napaisip si Vice matapos basahin ang sagot ng isa sa mga couple. Mukhang konektado sa kanya ang salitang iyan. Sang-ayon rin siya sa nabasa niya. Hindi nga ba't may kasalanan sa kanya si Karylle sa paglilihim nito noon na may anak sila? Pero imbes na magalit siya sa ginawa nito ay nakuha pa niyang patirahin sa kanyang bahay. Oo nga't nakaramdam siya ng ngitngit noon pero mabilis iyong nawala.

Hindi niya magawang magalit ng matagal sa ina ng anak niya. Makita lang niya ang nakangiting mukha nito ay gumaganda na ang araw niya. Mahal nga talaga niya si Karylle. Matagal na rin silang magkasama sa iisang bahay at masasabi niyang masaya siya sa piling ng mga ito. Marami ring nagbago sa kanila ni K, kung noon ay para silang aso't pusa dahil sa hindi nila pagkakasundo sa lahat ng bagay,ngayon naman ay sumasang-ayon na sila sa desisyon ng bawat isa. Perfect na ang lahat para sa kanya,ooopss may isa pa palang kulang...ang Kasal.

MARRIED At First SightWhere stories live. Discover now