Happy Moments

960 35 2
                                    

"Ano palang nangyari sa pakikipag-usap mo sa kliyente nyo kahapon?" Tanong ni Karylle kay Vice. Kasalukuyan silang nasa byahe pabalik ng Maynila. Alas kwatro pa lamang ng umaga ay umalis na sila sa resort para hindi sila abutan ng matinding trapik sa daan. Nakapagpaalam naman sila sa ikinasal at sa ina ni Karylle bago tuluyang lisanin ang lugar. Nasa kotse sila ni Vice at ito ang nagmamaneho habang nakasunod naman sa kanila ang isa pa nilang sasakyan na ginamit sa paghatid sa mag-ina kahapon na minamaneho naman ng Driver ni Vice na si Teddy.

Nasa tabi ng driver set si Karylle habang ang anak nila ay nasa likod at yakap yakap ang paborito nitong unan na lagi nilang dinadala kapag nagbabyahe.

"Ayon,hindi natapos ang usapan namin kasi..." Sumulyap siya kay Karylle at ngumiti. "Kasi nilayasan ko sya." Sagot niya at ibinalik ang tingin sa daan.

"Ano? Bakit?" Magkahalong gulat at pagtataka na tanong ni Karylle.

Tiningnan muli niya ito. "Mas importante ka sakin. Napag-isip-isip ko na ok lang mawala sa akin ang lahat, huwag lang kayo ng anak ko," Aniya sabay kindat.

"Ha? Eh bakit naman naisip mong mawawala kami sayo?"

"Nang malaman kong nandoon rin si Kiven, hindi na ako nagdalawang isip na sumunod sa inyo. Naalala mo ba noong nasa Bulacan tayo? Nakikipagkumpitensya ako sa Kiven na 'yon para lang makuha ang atensyon mo. Aaminin 'ko na naiinis ako sa inyong dalawa kapag nakikita ko kayong nag-uusap. Kaya ngayon, gagawin ko ang lahat para hindi ka na mawala sa akin. Hindi dahil gusto kong manalo sa pakikipagkumpitisyon sa lalaking iyon.,kundi dahil mahal kita at ayaw kong mawalay ka ulit sa akin " Pagtatapat niya habang nakatuon ang tingin sa daan.

Pakiramdam ni Karylle ay lumulutang siya sa alapaap habang minamasdan si Vice. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Kaya pala lagi siya nitong tinatarayan noon kapag kasama nya si Kiven.

Hinawakan ni Karylle ang kamay ni Vice na nakahawak sa manibela.

"Huwag kang mag-alala. Sinisiguro ko na hindi na ulit kami mawawala sayo," Masuyong wika ni Karylle.

Napangiti naman si Vice at ginagap ang palad ni Karylle saka hinalikan. Ito na yata ang pinakamasayang araw na dumating sa buhay niya. Ang makasama ang mga taong mahal niya. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil kahit bakla siya ay may babae paring itinakda para mahalin at tanggapin ang pagkatao niya. May bonus pa dahil hindi lang isang babae ang ibinigay sa kanya kundi dalawa. At ito ay ang anak niya na mahal na mahal rin niya. Hindi na niya binitawan pa ang kamay ng dalaga hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay.

●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○•○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○

Bawat araw na lumilipas ay puno ng ligaya at saya. Naglaan ng oras si Vice para sa kanyang pamilya. Kung saan-saan lugar sila pumunta para maglibang. Sinabi ng therapist ng bata na kailangan rin nilang ipahalubilo sa ibang mga bata ang kanilang anak upang mawala ang takot nito sa mga tao na naging sanhi ng pagk-trauma.

Natutuwa siyang makita ang saya sa mukha ng kanyang munting anghel. Next week, balak naman niyang pumunta sila sa Subic para makapanood ng dolphin show ang anak niya. Nakita niya ang pagkahilig nito sa mga isda nang pumunta sila sa Ocean park noong nakaraang araw.

Ang mas ikinatutuwa ni Vice ay ang hindi pangungulit sa kanila ng mga tao. Malaya silang nakakapunta sa kung saan-saan na walang nakatutok na camera o nagbabantay sa kilos nila. Nagsawa na marahil ang mga ito sa paggawa ng isyu tungkol sa kanila ni Karylle dahil wala naman silang nakukuhang sagot.

ISANG UMAGA NAKIKIPAG habulan si Vice sa anak sa kanilang garden nang may marinig na busina ng sasakyan. Wala naman siyang hinihintay na bisita ngayong araw ng sabado kaya nagtaka siya kung sino ang dumating.

MARRIED At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon