Prologue

3.8K 53 1
                                    

PROLOGUE :

Napahawak nalang ako sa batok ko sa sobrang pagod. Halos sunod-sunod ang shift ko ngayong linggo. Halos twenty four hours na rin akong naka duty ngayon.

Nakakapagod!

Pumasok si Kobie sa main office namin. Kung saan kami nagme-meeting ng mga co-officers ko.

"O, nandito ka pa pala, Mika! Hindi ka umuwi?" Tanong niya. Iniwan niya ako kagabi na ito ang suot ko, tapos ito rin ang nadatnan niyang suot ko ngayong umaga. Paano ako uuwi kung madami pang cases ang kailangan naming iresolve!

"Patapos na ang duty ko," sagot ko habang inaayos ang mga papel na hawak ko. Bigla namang pumasok si Alex. Hingal na hingal si bakla.

"Ano na mga baklush?! Aba! Kanina pa 'ko tumatawag sa inyo! Ano wala man lang sasagot?! Harrgardu na naman ang lola niyo!"

"Saan ka ba galing?" Nagtatakang tanong ko. Kanina lang kasi ay narito lang siya sa tabi ko. Nawala lang saglit ang baling ko sa kaniya ay nawala nalang siya bigla at hindi ko alam kung saan siya nagpunta.

"Gaga! Nakatakas si Benji! Animal talaga 'yong hayop na 'yon!" Animal na nga hayop pa. Galing!

"Pa'nong nakatakas?" Tanong naman ni Kobie.

"Malamang nakawala! Tara na!" Mabilis kaming lumabas. Ang iba pa naming mga kasamahan ay nauna na raw.

Agad nahagip ng nga mata ko si Benji kaya mabilis akong bumaba ng van na sinasakyan namin para habulin ito.

Hinabol ko siya ng hinabol, ngunit napakabilis niyang tumakbo. Sa palengke siya pumunta kaya madaming tao. Agad din namang nagsisitabihan ang lahat nang makita kaming naghahabulan. Hindi naman ako pwedeng magpaputok, madaming tao, baka may madamay pa.

Kailangan may gawin ako. Hindi siya maaaring makatakas. May paparating na motor kaya agad akong sumampa dito kahit umaandar ito.

"I'm sorry but I really need your help. Please pakisundan naman siya." Turo ko kay Benji na tumatakbo pa rin. Agad niya naman akong sinunod at pinaharurot ang motor niya palapit sa gawi ni Benji. Naka helmet siya na itim at ang mga suot ng lalaki ay puro itim din.

Malakas na sipa ang ibinigay ko kay Benji kahit na nakasakay ako sa motor. Patalon akong bumaba at mabilis siyang pinosasan.

Nagsidatingan na rin ang iba kong pang mga kasamahan. Agad nilang isinakay si Benji sa van. Muli naman akong tumingin sa lalaking tumulong sa akin. Lumapit ako at nagpasalamat sa kaniya.

"Salamat." Sabi ko. Napalingon naman ako sa gilid ko nang may lalaking sumigaw.

"Hans! Tara na!" Sigaw nito at kumaway pa sa lalaking nakamotor. Nanlaki naman ang mga mata ko at gulat na ibinalik ang tingin sa lalaking nakasakay sa motor.

Hans?

Agad siyang lumapit sa pamilyar na lalaki na tumawag sa kaniya. Hinubad niya ang helmet niya at lumingon sa akin.

Si Hans nga!

"Long time no see, Mika." Nakangiting sabi niya at saka umalis, angkas ang pamilyar na lalaki.

Umuwi pala siya?

Kailan pa?

Bakit hindi niya man lang ako pinuntahan?

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Kde žijí příběhy. Začni objevovat