05

1K 17 0
                                    

Chapter 5

"Nahatid mo na si pogi?" tanong ni Ainna na kakalabas lang ng C.R, bagong ligo.

"Oo," sagot ko saka umupo sa kahoy naming sofa.

"Kailan daw ulit siya babalik dito?" tanong niya pang muli habang nakaharap sa salamin, nagpapahid ng kung ano-ano sa mukha.

"Hindi na 'yon babalik dito." Saad ko. Tsaka hindi na naman din kami magkikita ng hambog na 'yon panigurado. Mukha naman kasing hindi taga Baguio 'yon.

"Bakit? Hindi niya siguro nagustuhan na matulog sa kahoy na sofa. Hindi siguro siya sanay, ano? Mayaman kasi, e. Kanina nga nanghingi pa sa 'kin ng sunscreen. Daig pa ang babae sa sobrang hygienic." Hindi na ako sumagot kay Ainna at baka mas humaba pa ang usapan namin lalo na't si Hans ang topic namin. Ayoko ng pag-usapan pa 'yung lalaking 'yon. Lumabas nalang ako sa may likuran ng bahay namin para maglaba ng mga labahin, medyo tambak na rin kasi iyon.

"Baklush, ano balita kay chopopo?" Tumabi kaagad sa akin si Alex habang ako ay nakaupo at kumakain ng sundo't kulangot na ibinigay niya sa akin. Nandito kami sa Burnham Park dahil bigla niya akong niyaya. Sulitin na raw namin ang bakasyon habang hindi pa ulit nagsisimula ang klase namin. At iyon na nga, sinabi ko na sa kaniya na sa amin muna nagpalipas ng gabi si Hans kagabi.

"Doonek siya naburlog?! Buti pumayag ang Lola mo, baklush!" Iyon kaagad ang naging reaksyon niya nang ikwento ko sa kaniya ang pagtulog ni Hans sa amin.

(Trans: Doon siya natulog?)

"Naawa si Lola, e." Saad ko. Pati ako ay naawa rin. Wala naman kasi siyang matutuluyan. Wala siyang pera para magstay sa hotel.

Hapon na nang mapagdesisyunan naming umuwi ni Alex. Pero hindi kami sabay umuwi dahil may pupuntahan pa raw siya. Ewan ko lang kung saan.

Sinundan ko pa nga siya kung saan siya tutungo. May kinita lang siyang isang lalaki. Sino kaya 'yon? Jowa niya? Bakit parang nagtatalo sila?

Naglakad nalang ako papunta sa sakayan ng jeep. Dalawang sakay pa bago ako makauwi. At kung sasakay pa ako ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep, sayang lang ang pera kaya mas pinili ko nalang ang maglakad.

Napaatras ako nang may malagpasang isang malaking gate. Lagi naman ako naraan dito. Pero bakit ngayon ko lang yata ito nakita?

Sumilip ako sa malaking gate at natatanaw ko mula rito sa kinatatayuan ko ang isang bahay. Rest house siguro ito kung tawagin.  Pero medyo malayo pa ito sa akin, medyo pababa kasi ang lupa, at nasa baba nakatayo iyong bahay. Malaki rin iyong garahe nila.

Ang ganda niyon, gusto kong makapasok. Siguro ay mamahalin ang mga gamit nila sa loob.

"Ay palaka!" Gulat na sabi ko nang may biglang tumalon sa gilid ko. Galing siya sa taas ng puno.

"Saan?"

"Hans?" Nagulat ako nang makita siya. Pati siya ay nagulat din nang makita ako.

"Mika... anong ginagawa mo rito?" Ako dapat ang magtanong n'on, hindi ba?

"A-ano..."

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Where stories live. Discover now