26

638 14 0
                                    

Chapter 26

"Ayla, get me some ice cream," iyon agad ang utos sa akin ng panganay na anak ni Miss Spayn at ni Boss Axel pagkauwi namin sa malatriple nilang mansyon. Si Harrison, medyo masungit siya. Ay mali, masungit talaga siya at seryoso. Manang mana sa ama.

"Sige, dadalhin ko nalang sa kwar-"

"Give it to Adelia and she'll take it to my room." Iyon lang at umakyat na siya sa napakataas nilang hagdanan.

"How about you Harleigh? Do you need anything?" Baling ko naman sa babaeng anak ni Miss Spayn at ni Boss Axel na nakaupo na ngayon sa mamahalin at malambot nilang sofa, inaayos ang mga laman ng bag niya. Hindi naman siya ganoon kataray at kasungit. Hindi katulad ng kakambal niya.

"I don't need anything po, Ayla. Just go to the kitchen to get some ice cream for my brother." Sumasakit ang ulo ko sa mga batang ito. Parang matanda kung makipag-usa. Jusme!

Iyon na nga ang ginawa ko. Pumunta ako sa kusina at iniwan na muna si Harleigh sa may salas para kumuha ng ice cream para sa alaga kong si Harrison.

First time kong maging yaya at hindi pala talaga ganoon kadali iyon. Lalo pa kung 'yung ang mga aalagaan mo ay hindi bata kung mag-isip.

Pagkabukas ko ng freezer ay tumambad sa akin ang napakadaming ice cream. May nasa popsicle, cone, container at kung ano pa. Iba-iba rin ito ng flavors.

Ano naman kaya ang gusto ng batang 'yon dito?

Sa huli, kumuha nalang ako ng Ben&Jerry's Chocolate Caramel Ice Cream na nasa container. Siguro naman ay magugustuhan niya ito. Wala naman kasi siyang sinabing flavor. Kaya baka it means, kahit ano nalang.

Nang makakuha na ng ice cream ay agad ng hinanap ng mga mata ko si Adelia para madala na ito sa kwarto ni Harrison.

Ayoko namang masabihan na makupad, lalo na at first day ko ngayon. At saka kahit sabihin nating nagmamanman ako, kailangan ko pa rin gawin ang responsibilidad ko bilang yaya nila.

"Harleigh, alam mo ba kung nasaan si Adelia?" Tanong ko kay Harleigh pagkabalik ko sa kinaroroonan niya. At naabutan ko pa rin siyang nag-aayos ng mga gamit sa bag niya. Inoorganize mabuti.

"Nope po." Sagot niya, hindi man lang ako nilingon.

Napanguso ako, sa laki ng gusaling ito. Baka abutin ako ng isang araw bago ko pa mahanap si Adelia.

"Maybe she's in Uncle Kirvy or Uncle Harvey's room po." Napatango tango naman ako.

"Saan naman 'yung room nila?"

"Third floor, on the right side po."

"Sige, salamat. Dito ka muna, ha?!" Tumango lang siya sa akin.

Umakyat na ako sa taas para puntahan si Adelia. Ewan ko ba. Ano bang mayroon sa kwarto ng kambal at hindi ako pwedeng pumasok? Yaya naman nila ako kaya dapat ay pwede akong pumasok sa kwarto nila.

Medyo hiningal ako nang makarating sa third floor. Tumambad sa akin ang mahaba at maluwag na hallway na maraming pinto. Pero base sa sinabi ni Harleigh, nasa bandang kanan ang kwarto nina Kirvy at Harvey.

Grabe, kumusta na kaya sila? Ang lalaki na siguro nila ngayon. Bata pa kasi sila nung huli ko silang nakita. Ang gagwapo na rin siguro nila ngayon, ano? Manang mana sa Kuya Hans nila. Pero isa lang ang nasisiguro ko, masusungit pa rin sila hanggang ngayon.

Sa bawat kwartong nadaraanan ko ay sinubukan ko itong buksan para tingnan kung nasa loob ng isang kwarto si Adelia. Pero puro ito nakalock.

Nasaan ba si Adelia? Matutunaw na ang ice cream ni Harrison!

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Where stories live. Discover now