32

659 14 0
                                    

Chapter 32

Sa sobrang lutang ko at kakaisip kay Hans, napahilamos ako ng tubig sa mukha. Nawala sa isip ko!

Nabura na ang make up sa mukha ko! Ang makakapal na kilay, ang nunal sa pisngi ko, at ang makapal na lipstick sa labi ko! Ako na ulit si Mika!

Ano ang gagawin ko?!!!


Hindi ko pa naman nadala ang bag ko at naiwan ito sa table namin. Ang nadala ko lang ay ang cellphone ko.

Isip, Mika... Hindi ka maaaring mabuking!

Kung lalabas ako nang wala ng wig at make up, hindi niya naman siguro ako mapapansin, ano?

Tanga!

Syempre mapapansin niya ako! Hindi nga lang bilang si Ayla, kundi bilang si Mika. Pero mahahalata niya ang suot ko. Hindi naman tanga si Hans para hindi iyon mahalata.

Edi mabubuking niya pa ako!

Tumingin ako sa orasan sa cellphone ko. Ilang minuto na akong nandito. Baka magtaka na 'yon kung bakit ang tagal ko rito sa banyo.

Kung tawagan ko kaya si Alex para lang dalhan ako ng make up dito?

Napailing ako. Hindi naman pwede dahil matatagal pa 'yon bago makarating dito. Traffic pa ng ganitong oras.


Kung si Rylee kaya ang tawagan ko? Mas malapit siya kung tutuusin. Mapagkamatiwalaan ko naman siguro siya, hindi ba? Hindi naman siguro niya pagsasabi kapag na nalaman niya na nagpapanggap lamang ako?

Pero kasi ay may klase siya, at isa pa, panigurado namang hindi siya gumagamit ng make up.

Napakagat na ako sa ibabang labi ko at nagpalakad-lakad sa loob ng banyo, nag-iisip ng plano kung papaano makakalabas dito bilang si Ayla.

Naisip ko sana si Yaya Ash at si Yaya Pol pero wala kasi akong number ng mga haliparot na iyon. Ilang linggo na kaming magkakakilala tapos ay hindi man lang kami nagpapalitan ng number.

Friends ko naman na sila sa facebook pero wala akong data. Nakakainis! Bakit ngayon pa ako nawalan ng load?!!

Si Hans nalang ang tatawagan ko!

Buti nalang at binigyan ako ng list of number ni Miss Spayn ng mga nakatira sa Hacienda. Kaya matatawagan ko si Hans.

"Yes, Ayla? Ba't ang tagal mo sa C.R?" Kumunot ang noo ko. Paano niya naman nalaman na ako ang tumawag sa kaniya? Except nalang kung nakasave na sa cellphone niya ang number ko? O, baka naman binigay din ni Miss Spayn ang number ko sa kaniya?
Pero wala na akong pakielam doon basta makalabas na lamang ako rito.

"P-pwede bang padala ng bag ko rito? Nagkaroon kasi ako." Pagpapalusot ko. Kunwari nalang ay nagkaroon ako ng menstruation kahit mayroon naman talaga ako ngayon.

"Gano'n ba? May dala ka naman siguro, ano? Kung wala ibibili kita." May naalala na naman tuloy ako. Tuwing nag-gogrocery siyang mag-isa noon, never niyang nakakalimutan bumili ng pads para sa akin.

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Where stories live. Discover now