25

735 12 0
                                    

Chapter 25

"Sinong pinatay?" Tanong ko kay Alex pagkalapit ko sa kaniya. Kararating ko lang sa event place kung nasaan naunang pumunta ang team namin except sa akin. Naghahanda kasi ako para bukas. Bukas na kasi ang tinakdang araw na iinterviewhin ako bilang yaya ng mga anak ni Miss Spayn kaya nahuli ako ng rating.

At sana lang ay matanggap ako. Dahil kung hindi, isasagawa namin ang Plan B.

"The debutant," sagot niya.

"Anong nangyari? Nalaman niyo ba kung sino ang killer?" Sunod-sunod na tanong ko. Wala akong ideya dahil kararating ko lang.

Umiling si Alex. "Bigla nalang daw namatay ang ilaw ayon sa parents ng debutant. Pagbukas nitong muli, nakahilatay na ang anak nila sa sahig at naliligo na sa sarili nitong dugo."

"Any lead about the killer?"

"Malinis s'yang trumabaho," singit naman ni Kobie. "Pero ang ipinagtataka namin, almost 10 seconds lang namatay ang ilaw. Paano niya nagawa 'yon ng gano'n kabilis?"

"I think it's not a murder." Singit na rin ni Sophia. "It's suicide." Kumunot ang mga noo namin sa sinabi ni Sophia. Napaisip rin.

Umiling iling naman si Dylan, mukhang hindi sang-ayon sa sinabi ng nobya niya. "It's a murder." Seryosong sabi niya. "Besides, we have some leads about the killer." Dagdag pa niya.

"She was possibly the killer of herself. She may have planned this first." Palipat-lipat lang ang tingin namin sa dalawa. Sa team talaga namin, sila ang madalas na hindi magkasundo pagdating sa mga ganito. Palaging magkaiba ang opinyon nila.

Nang makarating sa headquarters ay hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at nagtipon-tipon na para pag-usapan ang case na ito. Nakuha na rin namin ang lahat ng impormasyon para maresolba namin ito kaagad.

At base sa nabasa ko, hindi posibleng suicide nga ito.

"Natagpuan namin itong kutsilyong ito sa hotel room ng kwarto ng mga kaibigan ng victim," paninimula ni Nathan. Ipinakita sa amin ang isang kutsilyo na nakalagay sa zip plastic bag.

"And confirmed. Ito ang ginamit to kill the victim," saad naman ni Jervy.

It's possible na suicide nga ito, pero ang dami naming leads to prove na murder ito.

"Kung mapatunayan nga nating suicide ito, edi ibig sabibin may kakuntsaba siya?" Sabat naman ng bagong recruit na si Andrea.

"And I think, one of the victim friend is her accomplice." Saad naman ni Alex. Pero bakit naman magpapakamatay 'yung victim? At sa debut party niya pa talaga?

"It's not suicide." Sambit naman ni Kobie.

Tama si Kobie. It's not suicide. "It's murder." Bulalas ko. Matalino ang killer. Dahil marami siyang pinalabas na eksena para lang palabasin na suicide nga ang nangyari sa victim.

Napangisi ako. Matalino ang killer, pero hindi sobrang talino.

"Pero walang fingerprint ng killer ang kutsilyo. Only the victim has a fingerprint on it." Saad ni Nathan.

"Kung suicide nga ito, dapat iniwan na ng killer ang kutsilyo sa kamay ng victim. Kaya bakit ito mapupunta sa kwarto ng mga kaibigan ng victim at ilagay ito sa ilalim ng cabinet kung suicide nga ang naganap? So it means, someone put it there." Sabat muli ni Kobie. Napatango tango lang kami.

Habang binabasa ang ibang litratong nakuhanan namin. May kakaiba akong napansin sa katawan ng victim.

Pasa sa binti, at sa bandang braso. Hindi 'to ganoon kakita dahil medyo natatakpan na ito ng dugo.

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Where stories live. Discover now