06

830 13 0
                                    

Chapter 6

Nagulat ako nang lumapat ng malakas ang palad ni Miss Spayn sa pisngi ni Hans. Kahit ako ay nasaktan sa ginawa niya. Makikita talaga ang galit sa mga mata niya.

Totoo ba itong nakikita ko? Nakakatakot ang Miss Spayn na nasa harapan ko ngayon! Kakaiba siya ngayon, parang sinaniban ng masamang espiritu.

"Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote mo para ganituhin mo ako! Pinasasakit mo ang ulo ko, Hans!" Galit na galit na aniya. Ramdam ko rin ang gigil ni Hans dahil hawak niya ang isang kamay ko.

"Just mind your own business and leave me alone, Ate." Nagsalubong ang kilay ko. Ibig-sabihin, si Miss Spayn ang tinutukoy ni Hans na Ate niya? Nagpalipat-lipat tuloy ang tingin ko sa kanilang dalawa. At napagtanto kong magkapatid nga sila dahil magkamukha sila.

"Why are you doing this? Because of Aliyah?"

"Yes. Kaya kung totoong nagmamalasakit ka sa 'kin. Leave us alone."

Tumawa ng mahina si Miss Spayn, medyo sarkatisko. "Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?! Alam mo ba kung gaano kalaki ang kasalanan ni Aliyah sa atin?!" Ano naman kaya ang naging kasalanan ng nobya ni Hans at galit na galit ang Ate niya?

"Asan si Aliyah?"

Ngumisi si Spayn at bumaling sa babaeng nasa likuran namin. Siya 'yung babaeng kasama nung may ari ng mall sa RamBar, 'di ba?

Tumango lang siya rito at saka kami tinalikuran. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ng kapatid.

May humila sa amin na mga lalaki na kasama rin nila papunta sa van. Gusto ko sanang manlaban pero nang makita kong walang imik si Hans, ay mas pinili ko na lamang sumama. Kahit nadamay lang naman ako rito.

Sinakay nila kami sa itim na van. Buti nalang at magkatabi kami ni Hans kaya panay lang ang tingin ko sa kaniya. Hindi ito ang Hans na nakilala ko.

Siniko ko siya kaya napatingin siya sa akin. "Okay ka lang ba?" Tanong ko, nag-aalala.

Ngumiti naman siya ng peke. "Oo naman. Sorry kung nadamay ka pa."

Marami akong tanong sa isip ko. Gusto ko siyang tanungin pero mas pinili ko nalang na itikom ang bibig ko. Mas pinili ko nalang din na damayan siya. Pakiramdam ko kasi... kailangan niya ako.

Halos mapanganga ako nang pumasok kami sa isang gate. Sobrang taas nito kung titingnan. Wala talagang makakaakyat na magnanakaw!

Panay lang ang lingon ko sa kanan, kaliwa, sa harapan at sa likod. Namamangha kasi ang mga mata ko sa nakikita ko. Ngayon lamang ako nakapasok sa ganitong kalaking bahay. Pero ang ipinagtataka ko, sino sila? Bakit puro armado ang mga nagbabantay dito?

Fraternity nga talaga siguro sila?

O mga sindikato?

Napadasal nalang ako. Sana naman ay wala silang gawin sa akin na masama. Nadamay lang naman ako dito.

Siguro sila ang Sigma? 'Yung best fraternity dito sa Pilipinas? Pero napaka-imposible naman ata niyon.

Pero okay na 'to. Atleast may makakalap akong impormasyon patungkol sa kanila. Malay niyo magamit ko pa sa Thesis ko. Jk.

"Aray naman, kuya! 'Di uso dahan-dahan?" Sabi ko. Kung makahila kasi akala mo naman manlalaban ako!

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Where stories live. Discover now