36

714 13 1
                                    

Chapter 36

"Captain Rodrin, Sir, reporting for duty!"

Dumeretso kaagad ako sa office ni Commander Remontal upang i-report ang pagpasok ko ngayon. Halos ilang linggo rin akong hindi pumasok at walang paramdam sa kanila.

Nabalitaan ko rin na ayos na siya at nakabalik na simula last week kasabay nina Alex at Kobie.

"How are you, Captain Rodrin?" Tanong niya at pinauupo ako.

"I'm okay, Commander." Sabi ko naman at umupo sa tapat niya.

"Good to hear that." Bumuntong hininga siya at parang may gustong itanong sa akin. Pero parang nagdadalawang isip pa siyang itanong ito.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Captain Rodrin," pandidiretso niya na. Medyo kinabahan tuloy ako. Kakabalik ko pa lang at parang pakiramdam ko ay may bago na naman kaming misyon.

Inabot niya sa akin ang isang folder na agad ko rin namang binuksan. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang isang pamilyar na pangalan dito.

Maine Gomez.

"Did you know her?" Tanong niya. Napatango tango nalang ako habang inaalala kung saan ko nga ba nakilala ang babaeng ito.

Sa pagkakaalala ko, naging katrabaho ito ni Eya sa RamBar noon. Madalas niya pa ngang ikuwento ito sa akin dahil sa kamalditahan nito sa kaniya.

"He is Oliver's ally." Muling bumalik ang tingin ko kay Commander Remontal pagkatapos kong basahin ang nilalaman ng folder patungkol kay Maine.

"Alam na po ba 'to ng team?" Tanong ko dahil nagtataka ako kung bakit sa akin niya lang ito sinasabi.

Umiling naman siya. "Hindi ko pa nasasabi sa kanila. Dahil gusto kong sa iyo muna sabihin para malaman ang plano mo."

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Plano ko po?"

"Hawak na siya nina Serin at Miller. At paniguradong papatayin din nila ito katulad ng pagpatay nila kay General De Vera at Colonel Bautista. Kaya kailangan natin silang makausap para mabawi si Maine Gomez sa panig nila." Mahabang paliwanag niya.

"I'm sorry to misheard you." Biglang pumasok si Adelia na ikinagulat ni Commander Remontal. Napatayo pa siya sa kinauupuan niya. Pati ako ay napatayo rin.

"Honey, what brings you here? Paano-"

"Paano kung makita nila ako rito?" Pagputol niya kay Commander Remontal.

Oo nga pala at dati siyang pulis. Paniguradong magugulat ang lahat kapag nakita siya ng mga ito.

Naglakad palapit sa amin si Adelia at umupo sa tapat ko. "You guys are late. 50/50 na ang taong gusto n'yong sagipin." Sabi niya at pinagkrus ang mga braso at binti.

"Anong ibig mong sabihin?" Ani ko.

"Kagabi pa siya pinipiga sa bodega. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagsasalita." Medyo may pagkamataray niyang sabi.

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Where stories live. Discover now