38

1.1K 21 1
                                    

Chapter 38

Pagkamulat ko palang ng mga mata  ko ay napatayo na kaagad ako sa kama kung saan ako nakahiga. Nang libutin ko ang paningin ko ay nasa iisang kwarto ako... na walang bintana.

Nasaan ako?

Wala akong gapos sa mga kamay at mga paa kaya nakapunta kaagad ako sa may pinto. Nagkakakatok din ako rito at nagsisisigaw ngunit mukhang wala namang nakakarinig sa akin.

Nang muli kong iikot ang paningin ko, nakakita ako ng isang CCTV camera. Hindi ko kaagad iyon napansin kanina dahil masyado iyong maliit.

Tumingin naman ako rito. "Who are you? What do you need from me?" Kabado man ako ngunit matapang ko itong sinabi.

Umupo na lang ako sa kama at hihintayin na lamang na may pumasok. Dahil wala naman magagawa ang pagkatok at pagsigaw ko.

Pero napaisip ako. Sino sila?

Ano ang kailangan nila sa akin?

Isa kaya sila sa kaaway nina Hans?

Mafia rin ba sila?

Hindi pa ako maaaring mamatay. Hindi ko pa nasasabi ulit kay Hans kung gaano ko siya ka mahal at kaya kong isakripisyo ang lahat para lang sa kaniya.

Mahal na mahal kita, Hans.

Tumulo ang luha ko. Ngayon lamang ako nakaramdam ng takot ng ganito.

Noong pulis pa ako, kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng takot. Takot na mawala, na mamatay. Dahil nag-iisa na lang naman ako sa buhay.

Pero ngayon, may tao pa akong uuwian.

Napapikit ako at napatungo....

Hans, please save me.

Napadilat din naman kaagad ako at nag-angat ng tingin nang bumukas ang pinto. Pumasok ang tatlong lalaki. Dalawa sa kanila ay armado. Iyong nasa gitna naman ay matalim na nakatingin sa akin na para bang may nagawa akong malaking kasalanan sa kaniya. Natutukoy ko rin na siya ang leader ng mga ito. Sa postura palang niya at sa paraan kung papaano siya manamit ay halata na.

"What do you want from me?" Mahinahon kong sabi. Gusto ko man silang sugurin ngunit hindi ko magawa. Ang lalaki nila. Hindi naman sa wala akong bilib sa kakayahan ko, pero kasi ay mga armado sila at lugi ako.

"Do you know me?"

Kumunot ang noo ko sa una niyang naging tanong sa akin. Paano ko siya makikilala? Eh, ngayon lang naman kami nagkakilala!

"No." Sagot ko kasabay ng pag-iling.

"Then I'll introduce myself to you. I am Roberto." Napataas ang kilay ko. Tapos? "I'm your cousin's husband."

Nanlaki ang mga mata ko na tumingin sa kaniya. "I'm sorry. What did you say?"

"I'm Ainna's husband!" Pag-ulit niya ngunit sa pasigaw na.

Kailangan talaga sumigaw? Tsk.

Tsaka asawa?

Alam kong may asawa na ang pinsan ko pero hindi ba masyadong matanda para asawahin niya ito?

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Where stories live. Discover now