15

737 14 0
                                    

Chapter 15

"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ko kay Hans nang makita siyang nakasuot ng apron habang naghihiwa ng sibuyas.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?" Tanong niya pabalik sa akin, sinulyapan pa ako saglit saka muling bumalik sa paghihiwa.

"Nagluluto," sagot ko.

"Omsim! Eh, ba't nagtatanong ka pa?"

"Oo nga pero bakit ka nagluluto?" Nawawalang pasensyang sagot ko. Hindi siya marunong magluto at nabanggit niya iyon sa akin. Kaya bakit siya nagluluto ngayon? Ano naman ang naisipan niya?

"Para may makain. Ano bang klaseng tanong 'yan, Mikayla?" Hindi ko nalang siya sinagot pa at pumasok na ng banyo para maligo. Kahit antok na antok pa ako ay bumangon na kaagad ako. Late na rin kasi ako natulog kagabi dahil may mga tinapos pa akong assignments pagkauwi namin ni Hans galing supermarket. Tapos ay binulabog niya pa ako!

Nagsuot lang ako ng black jeans at red t-shirt. Wash day naman namin ngayon at no need naman mag uniform.

Halos nanlaki ang mga mata ko nang paglabas kong muli ng kwarto ay bumungad sa akin ang mga sunog na sunog na mga kaldero ko. Kasama na rin ang mga niluto ni Hans na pagkain.

"Papalitan ko nalang 'yung mga pan. Ibibili kita nung hindi mabilis masunog." Saad siya, nakangiti pa siya sa akin. Napapikit ako sa inis. Hindi lang iyon ang problema. Sobrang kalat din ng kusina! Parang may dumaan na delubyo rito!

Inis akong lumapit sa kaniya at tinulak siya palayo. "Doon ka na nga! Ako na ang magluluto!"

"Tapos na naman ako magluto," sambit niya na ikinanoot ng noo ko.

"Nasaan dyan ang niluto mo?! Puro sunog! Nagsasayang ka lang ng pagkain at gasul!" Buti nalang talaga at tama ang desisyon kong hindi mag dorm at mangupahan nalang. Mas okay na 'yung mag-isa ka kesa naman may kasama ka na katulad ni Hans na walang alam sa mga ganito at puro kalat lang ang alam.

Hinawakan niya ako sa balikat at hinarap sa bandang salas. "Ayun ang pagkain," sabi niya at tinuro ang mga pagkain na nasa may salas. "Doon ko nilagay dahil makalat dito," tukoy niya sa dining table ko na punong puno ng kalat.

Naglakad na ako patungo roon dahil wala na akong oras at malelate na ako. Umupo ako sa sahig at umupo na rin siya.

May hotdog, itlog at bacon ang nakahain. May bagong saing din na kanin. Maayos naman ang pagkakaluto niyon. Pero napakunot ang noo ko at hinanap ang sibuyas na hinihiwa niya kanina lang.

"Nasaan na 'yung sibuyas na hinihiwa mo kanina?" Takang tanong ko. Tiningnan ko pa ang itlog kung may halo itong sibuyas pero wala. Hindi naman pwedeng ilagay ito sa hotdog at bacon, at lalong lalo na sa kanin. Pwera nalang kung sinangag ito.

"Tinapon ko na?"

"Bakit?"

"Nagtry lang akong maghiwa. Napanood ko kasi kanina sa youtube habang nag-aaral akong magprito at magsaing, may hinihiwa 'yung chef doon na sibuyas na ilalagay niya sa isang putahe. Kaya ginaya ko. Iyong iba kasi ay naiiyak kapag naghihiwa ng sibuyas. Kaya sinubukan ko lang kung mapapaluha rin ako. Masama bang itry?" Kailan pa inaral ang magpiprito? Iyong pagsaing ay pwede pa, e. Pero 'yung magprito? Jusme!

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Where stories live. Discover now