31

676 9 3
                                    

Chapter 31

"Hans Zander!" Pagkababa ko ng hagnadan ay nagulat ako nang makita si Hans, mukhang pinagagalitan ni Miss Spayn. Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung umalis siya. Hindi ko naman alam na umuwi na naman pala siya ngayon.

"Ate, ayoko nga!" Pagmamaktol naman ni Hans at nagtago sa likod ng isang matanda.

Iyon 'yung Lolo nila. Ang naging nobyo noon ni Madam Heaven. Unang beses ko siyang nakita nung araw ng mga puso. Katabi siya ni Harleigh n'on. Pero pagkatapos din ng gabing iyon ay hindi ko na ulit siya nakita. Baka sa iba siya nakatira at hindi rito?

Eh, bakit naman kaya pinagagalitan ito si Hans?

Ano naman kaya ang ginawa niyang kalokohan?

"We've already discuss about this, Hans! Then now you refused to date Mr. Chou's daughter?!" Galit na ani Miss Spayn. Kumunot ang noo ko habang pinapakinggang sila. Nagtatago rin ako sa pader.

"Wala naman akong choice kundi ang pumayag sa gusto mo, Ate. Even though I don't want to."

"Eh, wala ka naman palang choice! Anong inaarte-arte mo dyan at ayaw mo pang magbihis?!"

"Calm down, apo. Hindi maganda kung magpapakastress ka." Baling naman nung Lolo nila kay Miss Spayn. Hinimas pa nito ang balikat ng apo, pinapakalma. Tsaka naman siya bumaling kay Hans at hinampas sa braso, medyo malakas.

"Aray ko naman, Lo!" Napahawak pa si Hans sa braso niya, kung saan siya pinalo ng Lolo niya.

"Sundin mo na ang Ate mo, Hans Zander," mahinahon pero matutunugan ang awtoridad nito.

"Pwede bang bukas nalang? Kauuwi ko lang galing Dubai, e! Napapagod pa ako!" Galing siyang Dubai? Bakit hindi sa US?

Umupo si Hans sa sofa saka sumandal dito na para bang pagod na pagod. "Tsaka tama ba ang pagkakarinig ko? Anak ni Mr. Chou? May anak pala 'yon? 'Di ba gay 'yon?" Sunod-sunod na tanong niya saka pinagkrus ang mga hita.

"He adopt." Sagot naman ni Miss Spayn, mahinahon na.

"Eh, anong tawag sa kaniya nung anak niya? Daddy or Mommy?" Sabay na binatukan ni Miss Spayn at ang Lolo nila si Hans dahil sa sinabi niya. Siraulo talaga!

"Mr. Chou is one of my top investors. Kaya please lang, Hans Zander, umayos ka." Nanggigil na naman si Miss Spayn pero pinipilit na kumalma sa kapatid.

"Fine! I'll date her later. But what's her name again? Mel?..."

"Her name is Melissa."

Napaawang ang labi ko ko. Makikipagdate talaga siya? Tsk.

Tsaka ayun ba 'yung sinasabi ni Harrison na 50/50 na pakakasalan ni Hans?

"How about the one I dated last time? Ano ulit pangalan n'on?"

Muling napaawang ang labi ko sa sumunod niyang sinabi. Hindi makapaniwala na may oras pa siyang makipagdate kesa ang bisatahin ako!

"Si Rhian. Alam mo, apo, gusto ko ang batang 'yon. Hindi lang siya maganda, mabait din siya." Usisa nung Lolo nila. Parang botong-boto roon sa Rhian.

"I like her too. But she's not connected to mafia unlike Melissa. Mas mapapadali ang kasal kung sa mafia sa mafia." Saad naman ni Miss Spayn na para bang pinariringgan ako.

"Hans, you have to get married as soon as possible para tuluyan ka ng makaupo bilang King ng Black Knights." Dagdag pa ni Miss Spayn.

Base sa pagkakaalam ko, ang Black Knights ang nangungunang grupo sa kanila. At ang namumuno rito rati ay si Ron Aguilar at iyong Lola ni Hans na si Heaven Serin.

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Where stories live. Discover now