08

777 15 0
                                    

Chapter 8

[Hello, apo? Kumusta? Nakarating na ba kayo ni Hans ng maayos dyan sa Tagaytay?] Iyon agad ang bungad ni Lola sa akin nang tawagan niya ako. Si Hans agad ang inalala niya.

"Opo, Lola." Sagot ko.

[Nasaan na si Hans? Magkasama pa rin ba kayo?] Sunod-sunod pa na tanong ni Lola.

"Hindi na po kami magkasama, Lola. Nakauwi na po siya sa kanila." Sagot kong muli, mahinahon at may galang.

[Ah, ganoon ba? Mabuti naman. Pinagdarasal ko palagi na sana ay maging maayos na sila ng Ate niya.] Wala man lang silang kaalam alam na iyong taong tinulungan din nila ay maaaring magbigay kapahamakan sa kanila. Na kahit ano mang oras ay maaaring may mangyaring masama sa kanila.

"Opo, Lola." Hindi ko alam pero nalulungkot ako. Bakit? Siguro ay dahil naalala ko si Hans? O marahil hindi ko alam ang gagawin ko? Sasabog na ata ang utak ko kakaisip!

Kagabi naman ay nakapagdesisyon na ako. Pero ngayon, hindi ko na ulit alam.

Napaupo ako sa pagkakahiga nang marinig na bumukas ang gate. Sino ang pupunta rito ng ganitong oras? Mga tauhan kaya ni Miss Spayn?

Nakahinga ako ng maluwag nang si Eya ang dumating. Nalaman kong siya iyon nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Muli akong humiga at hinintay na lamang siyang makita ako. Tinatamad din kasi akong tumayo at salubungin siya.

"May problema ba, Mika? Hindi ka naman mainit. May masakit ba sa 'yo?" Nag-aalalang tanong niya pagkatapos akong hipuin sa noo at sa leeg. Pumikit na lamang ako at umiling.

"Mika," muli niyang pagtawag.

"Pagod ako, Eya. Umuwi kana." Tugon ko sa kaniya.

"May problema ba?"

"Wala."

"Sige, magpahinga kana." Tumango lang ako, nakapikit pa rin. Pero agad din akong napadilat nang hawakan niya ang mga palapulsuhan ko. Kahit ako ay nagulat sa ginawa niya. Nilibot niya pa ang tingin niya sa buong katawan ko.

"Ano'ng nangyari sa'yo?! Sino ang may gawa nito?!" Sigaw niya, galit.

"Wala! Huwag ka nang mangielam!" Sabi ko saka hinila ang palapulsuhan ko sa kaniya.

"Sila... Spayn ba ang may gawa n'yan?" Gulat na napatingin ako sa kaniya. Kilala niya si Miss Spayn? Alam niya na ba na ang lalaking nanliligaw sa kaniya... ay isang mafia? Alam niya na?

"P-paano mo nalaman?"

"Ikwento mo ang nangyari, Mika!" Dapat ko bang sabihin sa kaniya? Ang usapan ay wala dapat akong pagsabihan. Paano kung madamay din si Eya?

"Mika! Ikwento mo!" Hinawakan niya pa ako sa magkabilang balikat at niyugyog. "H'wag kang matakot, Mika. Sabihin mo sa 'kin." Kalmado na siya ngayon.

Napalunok naman ako. "A-ayokong... madamay ka, Eya." Sabi ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

"Mika, makinig ka sa 'kin, uhm?" Hinawakan niya ako sa pisngi at pinunasan ang pisnge ko. "Galing ka ba... sa mansyon nila?" Kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman? Gaano na karami ang nalalaman niya kina Miss Spayn? "Mika, nanggaling din ako doon, katulad mo." Mas lalong kumunot ang noo ko. Naguguluhan ako, hindi ko siya maintindihan.

Till I Met You (Mafia Lovers # 2) Where stories live. Discover now